User

Join the Qatar Living Community


Who's online

There are currently 51 users and 1399 guests online.

Online users

  • macky2green
  • akramkhan
  • shrey270605
  • vc_thottam
  • heero_yuy2


Recent comments

Nung BATA KA PA (when you were still young)

azilana7037's picture

 

*kumakain ka ba ng aratilis?

(eat ARATILIS ?–sorry, got no English translation for this fruit)

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?

(mashed a gumamela flower to mix and make soapy bubbles that you will blow thru a loop made from coconut stem?)

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

(Your mother won’t allow you to play unless you take your afternoon siesta/nap?)

*marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?

(you know how to play patintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik? – got no English translations for the name of these games?)

*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?

 (You were COOL if you had ATARI, A FAMILY COMPUTER?)

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right,a, b, a, b, start?

(You know what’s up, up, down, down, left, right, left, right,a, b, a, b, start for?)

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng BENCH na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

(You have branded clothes from U.S.E.D, BOY LONDON, CROSS COLORS, ESPRIT, BLOWING BUBBLES and whenever you see the brand BENCH, it reminds you of RICHARD GOMEZ?)

*addict ka sa RAINBOW BRITE, CAREBEARS, MY LITTLE PONY, THUNDERCATS, BIOMAN, VOLTES V, MAZINGER Z, DAIMOS, HE-MAN at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

(You were addicted to RAINBOW BRITE, CAREBEARS, MY LITTLE PONY, THUNDERCATS, BIOMAN, VOLTES V, MAZINGER Z, DAIMOS, HE-MAN and other cartoon characters not yet translated to TAGALOG)

*for the boys, nanonood ka ng SHAIDER kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya?

(For the boys, you watch SHAIDER because you get the chance/like to see ANNIE’s white panties?)

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?

(You know how to operate WORDSTAR and you know/held a 5.25 floppy disk?)

*inaabangan mo lagi ang SESAME STREET, ELECTRIC COMPANY at BATIBOT at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna... (You always watch SESAME STREET, ELECTRIC COMPANY at BATIBOT and you thought KUYA BODGIE and ATE SIENNA will end up together…)

* Yung high school ka inaabangan mo lagi BEVERLY HILLS 90210?

(When you were in high school, you always watch BEVERLY HILLS 90210?)

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

 (You use AQUANET to tiss up your hair?)

*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

(If you were a GIRL, you had blouses and dresses with shoulder paddings; if you were a BOY, you once had a MIGHTY KID branded rubber shoes?)

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo? (You collected paper stationaries and you have SLUMBOOKS so you would know who’s the crush of the boy/girl you liked?)

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls? e si luning-ning at luging-ging?

(You knew MANANG BOLA and the SITSIRITSIT GIRLS? Who is Luningning and Lugingging?)

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?

(You know what TIME SPACE WARP means and you still remember the time space warp chant?)

*idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect Strangers?

(McGyver is your idol and you watched Perfect Strangers?)

*eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati?

(This is cool…your family’s phone numbers had six-digits only?)

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bente-singko lang ang dala? (A call thru a pay phone will only cost you three 25cents?)

*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?

(Aiza Seguerra was still cute in EAT BULAGA and you know the song “eh kasi bata”?)

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?

(Magnolia Chocolait is still in big glass bottles which your mother used as water containers to cool to put inside your refrigerator?)

*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

(You had a multi-compartment PENCIL CASE that you show-off to your classmates?)

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

(You still couldn’t find where the GOYA FUN FACTORY was located?)

*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?

(You knew the lyrics to the song ‘Tinapang bangus” and “alagang-alaga naming si Puti”)

*alam mo ang kantang "gloria labandera"..lumusong siya sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?

(You know the song “Gloria, the laundrywoman”…went to the water, feet got wet & the song “1, 2, 3, husband of Marie”?)

*sosyal ka pag may PLAY-DOH ka at LEGO... at nag-iipon ka ng G.I.Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?

(You were elite if you got PLAY-DOH and LEGO set…and you collect G.I. JOE action figures and Barbie looked different then.)

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?

(You still remember the 5cents flower-shaped coin and 10cents square-shaped coin?)

*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong... diba naninipit yun?

(You were made to believe that crabs bite in the song “tong-tong-tong”…don’t they clip you with their claws?)

*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and syempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?

(You know the STORY about the PRIEST who gave money to a child who he saw up in a tree to buy panty…and of course, you know what the PRIEST gave to the child’s mother when she went up the tree too?)

*meron kang kabisadong kanta ni ANDREW E.  na alam mo hanggang ngayon.. aminin?

(You still know a song by ANDREW.E that you can still sing till now?...)

 *laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?

(You always use baby’s cloth diaper for your sweaty back?)

*bumibili ka ng TARZAN, TEXAS at BAZOOKA bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?

(You used to buy TARZAN, TEXAS and BAZOOKA bubble gums…licorice and round-shaped candies dipped in sugar?)

*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang porno as BOLD? (You used to borrow your father’s porn BETAMAX FORMATTED tapes…and you used to say BOLD instead of PORNO)

*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?

(You were afraid Year2000 to come because it was said that it would be the end of the world by then?)

 

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARSOLD...

(If you know all of the above, you are over 25 years old)

KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-25 KA...

 (If you know most, but not most of the above, you are between the age of 23-25 years old)

WAG KA NA MAG DENY… TUMAWA KA NA LANG...

(Don’t DENY it….just LAUGH…)

DIBA 0.75CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN

(Isn’t it that jeepney fare only cost 0.75 cents only?)

AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW? (And MELLOW YELLOW tastes better than MOUNTAIN DEW?)

HAHAHAHAHA Laughing


Posted in:

Comments

pj_2804's picture

pj_2804 said tanx azzi! napangiti mo ako ...

tanx azzi! napangiti mo ako this morning! naalala ko na lang tuloy yung mga ginagawa ko dati..like kumakain ng alatiris at BIGNAY...yung lutu-lutuan gamit ang mga lata..at bahay bahayan..hehehe...hahay! I missed those days talaga...naglaro pa kami ng "teks" hehehe..

 

 

 

 

 

be the First ONE to LOVE...~Chiara Lubich


 

Pey said yung yo-yo na free sa coke? ...

yung yo-yo na free sa coke?

And yung pinagsama-samang aluminun na lata ng softdrinks para gawing canyon kada new year?

Naglaro ka ba ng text na ang comic picture ay sina zuma, panday etc.?

Yung favorite mong tv series na "Ang Manok si San Pedro"? kilala mo pa ba si teban, Mokong at Petra?

Sikat pa noon si Chiquito bilang Mang Kepweng. eh si Weng-weng naaalala mo pa ba? siya yung small version ni Agent X44.

Pacman pa ang sikat sa mga video games. uso pa noon yung aarkila ka ng Game & watch sa mga di tulak na kariton na pumupunta tuwing labasan sa school.

.25cents lang ang kada piraso ng fishball (yung maliit).

nagsuot ka ba ng legwarmers?

Todo hataw ka sa sayaw sa mga sayawan sa baketball court tuwing pinapatugtug ang "Rumors" at Jealousy".

Heto malupit, Naglagay ba kayo ng Blue film sa TV nyo na may wooden cover pa? At pag nasira ang dial ng channel gagamitan mo ng pliers?

 

azilana7037's picture

azilana7037 said lol...salamat Pey ...

 Tama ka...nalala ko tuloy

- BAGETS na USONG FASHION nun...kahit sobrang init, sige lang

- hahanapin sa FM radio para makinig concert habang bukas ang tv para paoorin ang concert.

- Saulado lahat ng kanta ni Madonna, Michael jackson at Cindy Lauper...

-sino ang mas magaling...si ULTIMATE WARRIOR o si HULK HOGAN

 

"No one can make you feel inferior without your consent." - Eleonor Roosevelt


 

pj_2804's picture

pj_2804 said hahay kakatuwa ...

hahay kakatuwa naman...

 

- nalala nyo ba ung segment sa radyo ang title "isang gabi ng lagim...ahoooooo!!!!...grabe..takot na takot ako dun.. tas pati segment ni "kuya cesar"? yung mabagal magsalita? dont know if meron pa xa hanggang ngayon?

 

- eh ung tatching? nagiipon ng bote ng coke & kahit anong takip ng bote na lata tas binabato ng pirasong bato...

 

-eh ung tamagochi? ung vitual pet na pinapakain mo..nililinisan..as todo yung pagaalaga hanggang sa lumaki xa..at namatay dahil sa uu at hindi napakain at napabayaan...

 

- tas ung pagcollect ng mga keychain like tazmania, pooh, tweety bird, hello kitty, etc..

 

-hmmmm...sinong favorite mo sa Sailor Moon?

 

 

 

 

 

 

be the First ONE to LOVE...~Chiara Lubich


 

LupiN's picture

LupiN said Parang may kulang yata, Eh ...

Parang may kulang yata,
Eh yung araw na napa-poopoo at napa-wiwi sa short.
He, he, he.. joke.
I'm sure may magre-react.

 

azilana7037's picture

azilana7037 said miss ko na tuloy ...

-Yung popcorn at LOBO sa LUNETA tuwing linggo

- Game & watch na Popeye at si Mickey Mouse na sumasalo ng itlog

- Nanonood din ba kayo kay ATE HELEN at kay KUYA EDDIE.

- Anong favorite tv series nyo? C.H.I.P.S.,MIAMI VICE, THE A-TEAM, MCGYVER...Naaalala nyo ba si LEE MAJORS na bida ng 6-million dollar man?

"No one can make you feel inferior without your consent." - Eleonor Roosevelt


 

liveinqatar said ha ha HA ...

a ha HAa ha HAa ha HAa ha HAa ha HAa ha HAa ha HAa ha HA

 

dandy0510's picture

dandy0510 said ehehhee ...

hehehehe ayus yan. hahaha

 

****************************************

PEACE NOT WAR FOR 2008!

< www.applei.ph/one/ > 

 


 

Myrob's picture

Myrob said Ung.. ...

Ung rap ni Francis M. na "Mga kababayan"...isali nrin ntin...


 

bryan_igop's picture

bryan_igop said dagdag ako ...

ung takot ka kay piling! ung mukha sa  likod na ginagamot ni mang kepweng!

 

tpos ung tanching din ng palara, kaha ng malboro, hope, camel, more.

 

usong puntahan na disco jaloux at euphoria.

 

hehe... those were the days.

 

graduate kasi ako ng highschool ng feu morayta, baka may nakakaalam sa inyo ng emda... or pinky pop..

 

 

 


 

alecscotland's picture

alecscotland said feeling nostalgic... ...

visit www.nostalgiamanila.com & ride back in time...


 

azilana7037's picture

azilana7037 said Thanks alecs...but ...

I'd like to reminisce my "good old days" here in QL...

 "No one can make you feel inferior without your consent." - Eleonor Roosevelt


 

Myrob's picture

Myrob said Napanood nyo rin bah... ...

Ung mga pelikula nila Dolphi en Panchito, Redford_white and Katsyopoy....


 

azilana7037's picture

azilana7037 said 5 pesos ang sine noon ...

1982...kaya tinataon kong lasing ang lolo bago ako humingi ng pera. Lakas yata ng tama ng Ginebra bilog...lol

 

"No one can make you feel inferior without your consent." - Eleonor Roosevelt


 

cygnet_chay's picture

cygnet_chay said haaaay kaka miss naman! ...

haaaay kaka miss naman!

 

denbonggerald's picture

denbonggerald said pati si batibot ...

 yung kiddie program na mga bida is pong pagong, kikong matsing and kuya bondying hay napakaganda nun dami kong natututunan, lalo na yung kanta nilang "alin alin alin ang naiba" tsaka mga kuwento ni lolabasyang hehehe tandang tanda ko papo yun sarap magreminiscing....

 

 

"Be of good courage and HE shall strengthen thine heart..." (www.truelovewaits.co...)


 

mikepusa's picture

mikepusa said Hahahaha sa Showbiz naman tayo ...

 Dagdag lang na alala nyo pa ba ang mga sikat na child star noon.

*Si Julie Vega sa pelikulang "Mga mata ni anghelita" na namatay sa maagang edad na dinumog ng sambayanang pilipino.

*Si Matet De Leon sa pelikulang "Halimaw sa Banga" na may dialog na "Takot ako eh" ngayon eh may asawa na at lalong lumalapad ang noo na pag nag drawing ka ng mata sa noo pwede pang isang mukha dba?. hehehe..joke

*Si Aiza seguerra na cute little girl noon ngayon dahil sa pag-aalaga nina Tito,Vic at Joey Eto isa na syang Kuya.

* Si Jp na isa rin na magaling na child actor lalo na sa iyakan madadala ka pero mukhang sya ang nadala ni...

* RR herrera na isa ring nag simula sa Eat Bulaga. dahil ngayon ang dalawa eh mag-ka-live in na as in mag-kasama sa bahay ang taray mag asawa sino kaya ang tatay at sino ang nanay? ahhhh.. ewan mga ate uso na ngayon yan M2M.

* Si Manilyn Reynes na kumanta ng Sayang na sayang lang hayun maagang nag asawa at na sayang ang career ngayon ang naipon wala na ibinenta na yung bahay sa Tagaytay na kay ganda ganda.

 Heto pa yung ibang mga artista:

Si Rene requestas sa pelikulang Tarzan with Joey De Leon. Yung kumanta ng Eh kasi bata na ilang taon lang laos na. Si Lady Dyan na laging nakatakip yung buhok sa mata dahil kirat din na kumanta ng "Sa Dami" alala mo. at madami pa iba.

 Sa Pilipno Commercial naabutan nyo pa ba yung sabong pang laba yung "Ola". yung Pepsodent na lasang bubble Gum sabi Ernie Mercado. Palmolive soap "I can feel it" with Alice D. Eh yung Dragon Katol  na "Lamok ay laging tepok". Pamada na pam-pakintab ng buhok. Rambo slippers na makapal noong bata ka di ka sikat pag wala ka nito. grabeee... dami pa! pero nakakatuwang sariwain ang nakaraan parang mas masaya pa noon diba? Aminin nyo! simpleng buhay napaka-ganda walang gaanong Luho mura lahat bilihin and i think most na nakabot ng buhay na ito succesfull o may paninindigan sa buhay dahil sanay sa hirap at walang gaanong naging luho noong kabatan nila dba? ngayon ibang-iba na ni respeto sa mga magulang nawawala na. na agos na ng maka-bagong mundo.

 


 

Gumby's picture

Gumby said Azi, what do  you mean by ...

Azi, what do  you mean by "When You Were Still Young"?  That would imply that we are NOT young now.  Not sure I like where that sort of thought leads.  Kinda dangerous territory, hmmmmm?Tongue out

 

azilana7037's picture

azilana7037 said lol...gumby... ...

I created this thread in the FIL-expatriates group because it talks about OUR (FILIPINO) childhood. Though I tried to translate it in English...guess it's kinda blurry.

The other non-Filipino wouldn't be able to relate to this...sorry...

 "No one can make you feel inferior without your consent." - Eleonor Roosevelt


 

azilana7037's picture

azilana7037 said Sinong nakaka-alala sa THAT'S ENTERTAINMENT... ...

 ni Kuya Germs? Laughing

Lagi yata akong nanonood ng Friday Edition kasi may special number bawat grupo...

"No one can make you feel inferior without your consent." - Eleonor Roosevelt


 

nicaq25's picture

nicaq25 said yes Azzi the good old days.... ...

it's really nice to look back on some wonderful moments during our childhood...it reminds us of beautiful things and funny memories. And hearing the song 'The Times of Your Life' really brought me back to the innocent world of my childhood. Until now, I couldn't explain what is in that song that whenever I listen to it, it transported me like I'm in a time machine going back through those years. ..and it's Yesterday Once more!Smile

 


 

azilana7037's picture

azilana7037 said nicaq25, yung kanta ni Raymond lauchengco na "FAREWELL" ...

 or young "Growing UP -BAGETS soundtrack" ni Gary Valenciano.

I still can remember the days of Laura Brannigan, REO Speedwagon, Ric ashley, Duran Duran, Sapndau Ballet, jennifer Rush...

Memorized ko pa mga kanta ni Freddie Aguilar, Mike Hanopol at Asin...naku po...obvious na edad ko nito...whehehehe

"No one can make you feel inferior without your consent." - Eleonor Roosevelt


 

Pey said Simple lang mga laruan ...

Simple lang mga laruan noon, bilugin mo lang ang isang parte ng nabasag na paso pwede mo na gamitin pamato sa piko.

Naglaro ka ba ng "monkey -monkey ananbelle" okaya "langit lupa impyerno" (saulado ko pa yun..hehehe)?

Nanonood ka ba ng "Lunch date" nina randy santiago noon okaya yung "SST"?

Sina Carmi Martin at shiela israel pa ang pantasya ng bayan nun.

Naaalala mo pa ba ng movie ni Dennis De silva na "ninja kids" kasama sina JC bonin?

yung Eat bulaga nasa channel 9 pa tapos inilipat sa 13 then channel 2 ngayon 7 na.

Voltron sinubaybayan mo ba? nung una 5 lions lang sila hangang naging marami sila at naging complicado.

Every weekend nanonood ako ng Astroboy at richie rich, tuwang tuwa ako pag nirerescue ni irona si ricthie lagi.

tuwing sunday naiinis ako kasi ang palabas sa TV pag umaga mga chinese movies at tv series.

Natuwa ka ba sa prime time show na "Wok with Yan"? mukhang masasarap kasi niluluto dun.

 

 

 

 

 

 


 

nicaq25's picture

nicaq25 said I believe so Azzy... ...

we're probably on the same age group..hahaha!

but I like the 80's..don't you? it was where the 'WE ARE THE WORLD' song began!

 


 

kurtercy's picture

kurtercy said basta ako noong bata ako ...

basta ako noong bata ako hilig ako umakyat alateris 
saka mag laro nga goma, tansan, balat ng candy, balatng cigarillyo, 
taguan hagaran base, talonan sa tsinelas, tumbangpreso, 
text yung maliliit (pamato ko zimatar hehehe), paintero, 
basketball na maliit na bola ska pool 
minsan trip magbenta ng bicho bicho, minsan

cinali pa ako sa boxing iyak ako hehhee, 
ska lagi napapalo ng walis ng nanan ko 

sa mga palabas naman star rainger, voltes V, 
dimos, sesamis street, batibot c kuya bogie hehehe

ska takot na takot ako kay PILENG gumaganap na 
bangkay noon sa kay chickito na horror Estong tutong heheeh

Darna gusto ko doon yung may mga 
higante c ike losada sexy ni  ate vi, 

 

sa comedy naman cla TVJ ikul bukol ska TODAS, 
going bananas, john n marsia, bistek 2+2)

bagets, Ninja kids (unang panood ko sa cinehan sam ko maid namin fans kasi nila dennis de silva sk JC bonin) yung iba limot kona.

 

sa foreign yung mini series na the A team ska night rider

sarap balikan nakaraan la masyado problema 
problema ko lang kung pano pumorma sa crush ko 
kasi ligaw tingin lang ako hehehe

 

 

 

Imagination is more important than knowledge. ----Albert Einstein------


 

treysdad's picture

treysdad said Basta ang natatandaan ko... ...

Monday - Mekanda Robot

Tuesday - Daimos (Richard!!!! .......Erika!!!!)

Wednesday - Mazinger Z

Thursday - Grendaizer

Friday - Voltes V (paborito ng lahat!)

Saturday - Star Rangers

Sunday - patay ang TV kasi nasa simbahan

 

Syempre ang team song ng lahat ng batang naglalaro sa kalye.....

"Tender, juicy, tasty...... just right to the bite..... it's the PureFoods Hotdog!"

 


 

Pey said TV ...

TV Commercials:

 

Superwheel ni silvia la torre

Pepsodent ni orly mercado

Colgate ni eric beinz

7up ni fido dido

 

Sikat na wrestlers (WWF)

 

Hulk Hogan (syempre)

Macho man randy savage

Ultimate warrior

Ravishing Rick rude

Brutus the barber beefcake

Jake the snake roberts

Andre the giant

kingkong bundy

123 kid

coco beware

bad news brown (kainis to)

Strike force (tito santana and sino nga kasi?)

Demolition team

Heart foundation (Bret heart and anvil knight heart)

Rockers (Sean Michaels and nakalimutan ko yung isa)

million dollar man (isa pang kainis)

 

 

 


 

pj_2804's picture

pj_2804 said hehehe...   sinong ...

hehehe...

 

sinong nakakalam ng line from sprite "i love you Piolooooo!!!" jan ata nagstart yung carreer ni Toni Gonzaga...

 

at yung hotdog commercial ni Patrick Garcia..."i love you CARLO"

 

- nauso pa dati yung "PLAKA" ngayon CD na..

- tas yung TV na kasing laki ng Table na may cover ngayon Flat Screen na...

- tas yung cellphone na pagkalaki laki yung may antena pa para makasagap ng signal...parang remote control...ngayon every month may bagong model na..hahay!

 

...mas ok n0on...mas simple yung buhay...walang problema...

 

parang pelikula ni christopher de leon " Ganito kami noon, Panu kayo ngayon" hmmm....tama ba yung title ko...mali ata..basta yun na un...

 

 

 

 

 

 

 

be the First ONE to LOVE...~Chiara Lubich


 

denbonggerald's picture

denbonggerald said sali nating ang tanghalan ng kampeon ...

 nila pilita corales singing contest po ito na pangarap ko po nuon na makasali tsaka sino nga po ba yung kapartner nya hehehe tagal na hay sarap alalahanin nung kabataan mo....

 

isama nadin po natin ang alice in wonderland, transformers, john en marsha ni titodolphy, chicks to chicks nila carmi mARTIN,  HOME ALONG DA RILES, palibhasa lalake sila joey marquez, richard gomez, carmina villaroel, at ang paborito kong guwapings sina jomari yllana, eric fructuozo, markanthony fernandez....

 

 

"Be of good courage and HE shall strengthen thine heart..." (www.truelovewaits.co...)


 

alecscotland's picture

alecscotland said feeling nostaligic... grabbed from www.nostaligamanila.com ...

Choo Choo Junction malapit sa Shakey’s Greenhills.

Before McDonalds meron nang Big 20 Hamburger.

Malaking chismis na ang Jollibee burgers ay gawa daw sa uod.

UFO Burger ng Shakey’s, served on a plate na may red na plastic dome cover na mukhang UFO.

Feeding the fish sa likod ng Virramall.

Pumupunta ka sa Fun House sa loob ng Greenhills Arcade para tumingin ng Blood Capsules, o Snapping Chewing Gum, at aliw ka sa Frankenstein na nasa harap.

Iron-On Station sa Unimart: Pipili ka ng T-shirt at pipili ka ng Iron-On na pinepress nila on the spot.

Unang tikim mo ng Orange Julius at waffledog sa Unimart.


Coney Island ice cream sa likod ng Unimart una kang nakatikim ng waffle cone, at Eskimo Roll.

Gift Gate: Lego, Hello Kitty at Sanrio, Matchbox Cars at Stationery.

Unang bukas ng McDonalds sa Greenhills: aliw ka sa drive-thru at sa playground.

Maggie Noodles Promo: Futuristic car racing stickerboard. Yung mga sticker ng mga cars nasa loob ng pack ng noodles. Tapos dinidikit mo sa sticker board na raceway na makikita mo sa gitnang fold out page ng Panorama Magazine.

Milo Promo: Wild West plastic toys. Nakukuha mo yung plastic toys sa loob ng Milo cans. Mga cowboys at indians. Pati mga olympic stand up toys often called Tautauhan.

Flying Tee: Simple plastic propeller + stick assembly na pinapalipad mo by sliding your palms. Nakukuha mo sa cheese snacks na usually nabibili sa mga vendor sa labas ng eskwela.

UFO Space Helmet: Nabibili mo sa Greenhills o sa Divisoria. Comes with a set of stickers na circle with numbers printed on them na dinidikit mo sa harap, sa taas ng visor. May dalawang antenna on each side. Isang beses nagka malaking parade ang Coca Cola sa Greenhills at yung mga naka space costume at rollerskates suot-suot nila itong helmet na to.

Plastic Sword Toy: Nabibili sa mga palengke. Yung gold and handle tapos may red na plastic gem sa end ng gold handle, meron pa kasamang black na plastic case na kasing haba ng sword.

Star Rangers: Pinaka unang ranger series na imported from Japan. Laging pinag-aawayan kung sino ang magiging Star 1 (Red Ranger) pag-naglalaro.

Maraming may Voltes V na laruan. Yung kapitbahay mo na may-ari ng hardware na mayaman merong Daimos na binili sa Hong Kong. Pero yung tisoy na sikat sa school may Gendizer! Kumpleto pati yung UFO! Nilalabas lang niya bawat recess time o uwian para hindi ma-confiscate ng teacher.



Kung babae ka, lagi kang naiiyak sa Candy Candy. Kung lalake ka, ayaw mong ipaalam sa mga classmate mo na pinapanuod mo yun.

Nuong unang bisita mo sa Camp John Hay sa Baguio, aliw ka sa vending machines na may Fanta (in cans!), mini-golf, at PX Goods na grocery. Feeling mo nasa states ka dahil rin malamig!

Ang unang Coke in cans hinihila mo yung tab para humiwalay sa can, pero minsan nakaka-sugat kayat dahan dahan mong iniinom.

Si Lolo at si Lola laging may reserbang lata ng Sky Flakes o Sunflower crackers.

Nuong field trip mo sa Goya Fun Factory ang una mong hinanap ay yung chocolate stream kasi nakita mo sa commercial.

Popular T-shirt designs na embossed at puffy: Star Rangers, Watari The Wonder Boy, Voltes V, Daimos, Superman, at Batman.

RC Racetrack sa may parking lot ng Unimart: kung saan nag-kakarera ang mga gas powered na RC, usually Formula 1 cars, at amoy gas pag nanunuod ka sa tabi. Ginawang Mini-Golf (Par 44) na may dinosaur nuong late 80s.

Pinag-susuot ka ng corduroy na pantalon.

Minsan nalilito ka sa schedule ng GMA 7. Excited ka manuod ng Voltes V pero ang palabas ay Kapwa Ko Mahal Ko na ang host si Orly Mercado. Ang sponsor ng Voltes V ay Purefoods at Square Fruit Chews candy na gawa ng Sugus. Yun ang mga logo sa Voltes V coloring books.

 Natatawa ka sa matabang intsik na bata na nakasuot ng chef uniform sa commercial ng Marca Pina. “Pina asim!”

Curious ka sa lasa ng Lipovitan.

Paminsan-minsan may baon kang Yakult sa lunchbox mo.

Aliw ka sa rainbow colors ng Fruit Stripe chewing gum, yung may cartoon na zeebra sa package, pero mahal. Kaya bumibili ka sa sari-sari store ng Big Boy bubble gum. (Red/orange at yellow ang papel na wrapper).

Kinukulekta mo ang tansan ng softdrinks para sa Superhero board game na larong dama.

Aluminum tube pa ang mga toothpaste noon, at napaka-futuristic ang dating ng unang labas ng Pepsodent dahil plastic ang tube.

Mas mukhang masarap ang itsura ng Hubbard Chicken commercial kaysa sa Magnolia Chicken.

Meron pa noon Beef Curlz ang Jack & Jill snacks. Ang Chippy nabibili din sa canisters. Hindi lang Chocolate Pretzels ang meron kundi yung plain sugar na pretzel sticks. 

Piso lang ang isang maliit na bowl ng Taho. Pag malaking bowl, binabayad mo 5 pesos, yung green na 5 pesos. Maraming taho yun at kasya sa buong pamilya pang meryenda.

 Ang Sunkist Juice ay nabibili sa triangle na tetra-pack. May papel na selyo na peel-off bago mo saksakan ng straw.

Merong Daisy brand na milk. May plain, chocolate, tapos yung pink ay strawberry flavor.

Pagandahan ng pencil box sa school. Ibat ibang mga design, pero ang pinaka maganda ay yung super pencil box na dual layer na folding, na maraming compartments. May pop-out na pencil sharpener, sliding ruler, at special compartment para sa eraser. 

Uso sa school ang Bensia Space Pencil. Transparent ang casing na iba ibang kulay at parang bala yung mga pencil tips na pinapasok sa end ng pencil. Sabi sa iyo ng mga classmate mo na yung pwit ng pencil ay pwedeng eraser, pero hindi naman totoo dahil plastic lang yun!

Mga ballpen na gamit natin sa school: Kilometrico ("I write thousands and thousands of words."), Haba Haba Ballpen (“...writes long!”), Escribo, at Scribbler Footlong ballpen na sumikat matapos ginamit sa Bagets. Pag-nakatanggap ka ng sulat sa crush mo at mabango, ibig sabihin Funny Friends ang ginamit niya.

Paramihan ng stickers, pencils, at erasers.

Paramihan ng Tex Cards! Sikat ang Zuma na Tex at comics.

 Questor Magazine Book: Featuring Voltes V, Daimos, Mekanda Robot, Grendizer, Getta Robot, at Mazinger Z. Smooth hi-grade paper at napaka-gandang illustrations.

Lagi mong pinapatugtog sa record player mo: Super Robots na LP, Nail Clippers, o VST & Company.

Kahit saan ka pumunta pinapatugtog ang BeeGees.

Russel Yoyo craze na pakulo ng Coca Cola! Coke (red/white), Royal (all orange), Sprite (green/white), Mellow Yellow (yellow/white), Super Spinner (Coca Cola face/transparent sides). Pinag-ipunan mo para bumili ng super spinner, pero nalaman mo na madaling maputol ang string pag-ginagawa mo ang “walking the dog” trick. Pupunta ka sa sari-sari store para bumili ng bagong yoyo string, at hinihintay mo mapanuod ang yoyo contest sa Student Canteen.

Pag-gumising ka ng maaga at nakatutok ang mga katulong sa AM Radio (DZRH Radio Balita) at umuulan ng malakas, ibig sabihin bumabagyo at walang pasok.

Similar ang amoy ng bagong notebook at mongol pencil sa amoy ng ulan. Pero ang totoo, naiisip mo lang yun dahil tag-ulan pag umpisa ng pasukan.


 

jjem's picture

jjem said hahahaha.... guilty ako sa ...

hahahaha.... guilty ako sa lahat =)

 

azilana7037's picture

azilana7037 said araykupu...TUMPAK LAHAT...SPIN A-WIN ...

NAKANA mo lahat ng ah...

 


 

pardible's picture

pardible said jama fruit po ata ang ...

jama fruit po ata ang aratilis sa ingles..

bioman
maskman
ultraman
magmaman
princess sarah
cedie
the dog of flander

\m/

 

Filipino expatriates in Qatar

Qatar Living Classifieds
Qatar Living Events Listings