User



Celebrating 3 Years of Qatar Living


Who's online

There are currently 25 users and 1071 guests online.

Online users

  • mkjq
  • cristy
  • king007
  • azze
  • lynneplummer@ho...

Recent comments


Why are there broken families of OFWs?

treysdad's picture

If you ask a Filipino why he/she is working abroad you would get more than 90% response of "for the family". But why is it that the growing number of broken families are those of the OFW?

I read this article of Patricia Sto. Tomas on ABS-CBN online and I want to share it with you.

I think it will help a lot of OFWs and we can pickup a lot of insights into the growing numbers of broken families in the Philippines due the OFW and migration phenomenon.

I hope we all learn something from this:

Bakit nagkaroon ng broken family? -- Pat A. Sto. Tomas

http://abs-cbnnews.c...


Posted in:

Comments

fan_ni_sarap's picture

fan_ni_sarap said Well said ...

What can I say?.... Ganun talaga buhay. Meron nasisira at meron din namn nabubuo.

 

mikepusa's picture

mikepusa said Magandang Mensahe ...

What can i say....Tamaan sana at maliwanagan ang mga OFW na may asawa na sa pinas pero nakikipag realasyon pa rin dito.
"Bato-bato sa langit tamaan wag magalit"


 

ron_ona's picture

ron_ona said Inability to commit ...

I don't think broken families are bred by the environment OFW's are forced to live in. But rather, it is about the WEAKNESS of some OFW's (& their families) & their inability to respect the sanctity of marriage & maintain the marital commitment, & of course, self-control.

Wag nating ituro ang sitwasyon sa abroad sa dahilan ng pag dami ng broken family. Hindi kaya ito ay isang sanhi ng Filipino culture na pagiging sensitive & emotional which is also, a sign of being weak in the face of temptation?

Para sa akin, wala ito sa sitwasyon, nasa tao ito.

 

jhenlie's picture

jhenlie said tama wla sa sitwasyon...at ...

tama wla sa sitwasyon...at nd porke nghihiwalay ang magasawa dhil nsa abroad cla kundi my mga dahilan din at mga consequences...

 

ladymeh's picture

ladymeh said pero mahirap talaga kapag ...

pero mahirap talaga kapag the couple is in two different places. i'm a product of a broken family where one of my parent went abroad for the money, now it's gone. sadbut true, most families who have one of he parents who work abroad usually end up breaking. couples are suppose to be together.

"If at first you don't succeed, destroy all evidence that you tried."

 

glecs's picture

glecs said we came here to work.., it ...

we came here to work.., it is a choice, not a chance. lumaki ako sa environment na lahat ng tatay naming magpipinsan nasa abroad. pero thank God, wala ni isa man sa immediate family ko (both sides) ang broken family. i believe that it depends on the person and the foundation of the marriage. kung mahal mo talaga ang pamilya mo, bago mo magawa ang mga bagay bagay na magbibigay ng temporary pleasure, dapat maisip muna ang magiging epekto nito sa pamilya.

dont be selfish. sa mga kabayan natin na medyo naliligaw ng landas, sa mga dinadaanan ng temptasyon, sana po bumalik lang po tayo sa basic reason why we are here... we have the dream to make our family's dream a reality.

bato-bato sa langit, ang tamaan mabukulan ng malupit!

silent "G"

 

ohbee wan's picture

ohbee wan said believe it, its true.i think ...

believe it, its true.i think it depends on the person if he or she would allow it to happen. marami dito na sinasabing patay na ang asawa or separated na sila to get into a relationship lalo na kung ibang lahi, caucasian ba, hoping sila for a greener pasture, greencard and green bucks lol. i was able to recall, when my husband came to doha 10yrs. ago, he was told by a family friend to bring his family here, and so we are here after a year though i know my hubby will not do it, pero bakit inadvice nila yun, kasi po they knew the trend here and, maraming eva na masama ang intention. so i would advice to always put God at the center of your relationship to fight temptation, and attend church activities na kahit wala ang better-half mo dito they offer counselling, spiritual upliftment etc.

- live your life as simple as you are

 

owen's picture

owen said sadly im into this category ...

sadly im into this category "broken family".... few knows my story.. not easy.. sino ba may gusto na mapabilang sa mga statistics ng OFW with broken families? sana mabasa din ng mga mahal natin sa buhay sa Pinas ito, lalo na ang mga sumusunod para sa ating mga nagsasakripisyo dito, moral booster kumbaga..

* patuloy na pagbigay ng mga magagandang kwento tungkol sa school achievements ng mga bata at iba pang magagandang pangyayari sa pamilya;
* pagbawas sa dati ay palagiang paghingi ng padalang pera at bagkus ay ating i-manage ang ating family expenses at sikaping magkaroon ng savings mula sa monthly remittances. Ang savings ay ating ipunin sa banko at ipaalam sa ating asawang OFW. Gaano man kaliit ito tuwing buwan siguradong ito ay kanyang ikatutuwa;
* pagsagawa ng mga bagay na maaring pagkakitaan katulad ng pagtitinda o ano mang maliit na negosyo kung tayo ay hindi nagtatrabaho at full time housewife lamang. Kahit papaano ang ating pagpupunyagi upang makatulong sa financial needs ng pamilya ay lalong magbibigay ng lakas sa asawang OFW upang pag-ibayuhin ang pagpupunyagi; at
* patuloy na pagkalinga hindi lamang sa ating anak kundi pati na sa iba pang mga mahal sa buhay ng ating asawang OFW katulad ng kanyang mga magulang o kapatid na may kapansanan kung maryroon man.
Nothing in life is to be feared. It is only to be understood.

 

working_mom's picture

working_mom said Girlalu will offer a friendship ...

Kapansin pansin din po na kapag si Mr. Bachelor ay lonely si girlalu will offer a friendship hanggang sa dumating na si Mr. Bachelor will pretend single or papatol lonely kasi eh minsan they will look after the profession also pag nalaman matino ang trabaho kahit pamilyadong tao cge lang kapit Doha love affairs kumbaga kaya minsan hindi natin masisi. Marami ring temptations dito. We cannot blame na ibang lahi mababa ang tingin sa pinay kasi Hala Card lang papatulan na QAR 500 lang full job na overnight pa

 

Sara Haj Omar's picture

Sara Haj Omar said Hsuband and Wife, regardless ...

Hsuband and Wife, regardless of circumstances should be together. 2 years is just too much for any person, whatever money or compensation one is getting out of being away from spouse/husband will not make up for the physical and emotional need that both parties has. Needless to say, being away to work is not the only reason for broken family, this happened even if the couple are together.


 

alyasbobby's picture

alyasbobby said it only depends on you ...

base on my 10 years experience working abroad this things i believe is only depends on you. its up to your capability to control everything, i mean just always put on your mind the reason why you are here and working for your love ones. always think of your goal until you succeed. you know what? i was just thinking and i dont know why kahit saang bansa yata may mga ganitong consequence or situations, i'd been to saudi arabia before and a lot of the same issues like this things happening now. thanks god hindi pa rin ako naging marupok and im proud to tell its not happening to me.

frankly speaking, im here for 7 months now in doha and believe me, i was encourage to get in to this kind situation four times na in just seven months kaya naku nakakagulat dito. para sa mga kababayan kong nandito, i really hope na sana instead of doing something like this. isipin nyo na lang why you are really here, why you came here, pagtulungan nyo yung mga prolema nyong mag asawa, kasi its not the right answer to whatever reason you may have, doing this, its not.

pasensya na po sa mga na tamaan this is just base on my experience.. thanks..

 

ron_ona's picture

ron_ona said Why Why Why? ...

Today's hi-tech but affordable communication technology allows families to be closer at least virtually via voice-video at may text pa.

More than ten years ago, the only means of communication available to OFW's are the expensive long distance calls & snail mails. Nung araw masaya ka na pag may na-ipit na litrato ni bunso sa sulat mo pero swerte na kasi sa Middle East (especially Saudi) noon pati sulat may censorship. I mean, talagang binubuksan nila ang sulat at kinukuha ang foto lalo na pag sa babae. Mind you, ang sulat noon ay swerte mo na makatanggap ng 3x a month! Ang tawag sa telepono almost 12 Riyals per minute! At .50 coins pa ang gagamitin mo.

Today, communication technology has become so advanced & affordable to OFW's. You have voice-video & text. For a few Riyals you could log on & virually see your family live! On top of that, mayat maya ang text ni bunso at ni Misis "I Love You Daddy!".

PERO BAKIT!!!! With all the available means communications that could bring families closer sans the distance, we still see the rise of broken OFW families? There are more broken families today than before when internet & text messaging did not exist!

Sa ngayon masasabi ko na mas madali ng labanan ang homesick kasi nga isang tawag, i mean, mag "buzz" ka lang sa mga mahal mo sa buhay sa Pinas para ka na rin nandoon.

Pero bakit si kabayan patuloy pa rin sinasagot ang tawag ng tukso? Sasabihin nya na "Pasensya na Darling hindi ako maka pag on-line mamaya kasi may trabaho ako" ek ek! Yun pala ayun nasa City Center na kasama si no.2 at naka off pa ang cell.

Sa mga kabayan, ito ay patunay na wala sa sitwasyon o sa lugar. Ito ay nasa tao lamang.

 

alyasbobby's picture

alyasbobby said weakness talaga.... ...

i agree... purely weakness makes the difference... everything depends on you... kaya kabayan labanan mo yan para mabawasan ang ganitong situation... kaya mo yan...

 

nicaq25's picture

nicaq25 said for broken families in reading.... ...

sad to say but you're reaping the reward of your 'un-usual friendship' before.See, time is indeed precious my friends...1 minute missed cannot be taken back, however we do it. No such re-wind or undo. I agree the above opinions of our kababayans, 'sa tao lang yan'. You may enjoy the un-usual friendship by now but later, after all the miseries brought to your life, I bet you'd only have this question:"how the hell I become so stupid and idiot!" Being an OFW (even if not), is a survival my friend, you falter & you fall. The secret? Faith in God.

 

ohbee wan's picture

ohbee wan said ur right nicaq25 Faith in ...

ur right nicaq25 Faith in God is the best way to resist temptation, if you have the courage and the faith to believe, God will guide you in the right path, so mga kababayan Keep the Faith (by bon jovi he,he :D
and of course we must value our life and the lives of others

- live your life as simple as you are

 

tatess's picture

tatess said most people that I know ...

mga kasamahan at kaibigan kong babae,bago pa sila mag ofw ay talagang hiwalay na sa asawa dahi lsa ibat ibang kadahilanan .kaya hindi rin masasabing dahil sa pagiging OFW kaya sila naging "Broken Homes".Gusto lang talagang makalaya na sa asawa kaya nagsikap mangibang bansa at para na rin makaipon ng sapat na halaga para mapawalangbisa ang kasal.

 

yammar08's picture

yammar08 said ang selan naman ng topic ...

ang selan naman ng topic huh!

 

ron_ona's picture

ron_ona said Its good to... ...

yammar08, it's good to face the music sometimes. It's one way of keeping us in tune with life's little ironies. Irony kasi the purpose of being an OFW is to sustain & support your family, and not to break it apart.

 

alyasbobby's picture

alyasbobby said thats the reality..... ...

yes... your right ron_ona... thats the reality... you should know how to dance with the music... and to yammar08... i think your not to young for this issues but its good for you to know this very well so you will know what to do just in case...

 

ron_ona's picture

ron_ona said ohbee wan, does faith really helps? ...

Here's where its gets hazy ohbee wan, many if not all do have faith in God. But these same number of people are the same ones who commit infidelity. I mean, how many kaliwetes out there do not have faith in God? In fact, marami akong kilala ditong extra-marital couples na simbahan pa mismo ang ginagawa nilang tagpuan or even mga regular churchgoers pa nga. Isa pa, meron nga akong na encounter na puspusan ang dasal at hiling sa diyos para matuloy ang annullment nila. Life's little ironies ika nga imagine asking God & using faith itself to un-do what God has given them?

So I guess it's not faith nor religion but it's how one practices the teachings of his/her faith & align it with their social responsibility as a wife or husband. Because, faith in God does not mean you can also have the same level of faith in your marriage.

I guess for us to really understand the issues around us, let's not be too poetic but instead, let's be more anatomical & practical about how life really works.

 

jondpogi's picture

jondpogi said yin and yan... ...

for every action there is an opposite reaction, whatever decision you choose to undertake bear with the consequences. everything is a matter of choice, nothing is coincidence. family or self???? morality or pleasure??? right or wrong, the decision is yours to bear and carry your whole life.....

 

glecs's picture

glecs said the thread particularly ...

the thread particularly addressed the ever growing number of broken families due to physical separation. but think about it, we are not going to be an OFW for life. hahayaan ba nating masira ang pamilyang pilipino, mawalan ng respeto ang mga anak sa kanyang magulang? ano ang gagawin mo pag natapos na ang buhay abroad mo? sabi nga ng mga kabayan natin na "indulge" sa ganitong affair, pag tapos daw ng contrata nya, tapos na rin? anong gagawin mo pagbalik mo ng pinas, walang asawa, walang anak. eh san ka pupulutin?

silent "G"

 

yammar08's picture

yammar08 said it's just a matter of ...

it's just a matter of choice! they just have to face the consequences.. you should be responsible enough for the decisions you make.

 

nicaq25's picture

nicaq25 said of course, it's a matter of choice but ...

choosing the wrong track doesn't justify that choice. And some of us posting their opinions here have been through that and they saw the 'consequences' and I bet they're not happy with the result! What I mean of 'faith' is 'faith with conviction'. Not just faith that shows going to fellowships or prayer meetings. I'm sure some of you know what I mean.

 

ron_ona's picture

ron_ona said Faith again. ...

Nicaq25, yes that's exactly what we both mean. When we say faith it's not about the practice of religion like going to churches & all other rituals. Faith is the spiritual essence while religion, is the ritualistic part of it. Then you have the 3rd element which is aligning your religion and spirituality with the teachings of morality.

So I guess the true measure of a person's faith & spirituality is when they are able to practice what their religion teaches them. In this subject, the 7th & 10th commandment.

 

Peppermint's picture

Peppermint said In reality may mga tao ...

In reality may mga tao talagang ganito. They just used the words "HOME SICK" para lang ijustify un pagloloko nila. May friend din kami illegal ang relasyon nila dito. Si Babae & her husband is working abroad, si girlalu nandito sa Doha while si hubby naman nya is nasa Dubai lang un mga anak nila nasa Pinas. Syempre malungkot daw pumatol sa Pinoy din na may pamilya sa Pinas nagpakasal pa nga ng dito (di ko alam if pano nila nagawa un sa embassy) para lang makapagsama sila ng legal na walang sisita.

Ang mga asawa nila walang kaalam alam sa mga nangyayari kasi di naman nababawasan un sustentong pinapadala nila sa mga pamilya nila sa Pinas at regular pa din naman ang communication. (para daw di makahalata!)

Pagtinatanong mo naman si lalaki if bakit sya na pasok sa ganung situation nalungkot daw kasi sya at nandyan naman si girlalu na malungot din ayun nakita nila ang kaligayahan sa bawat isa! (Sarap pagUntugin diba?)

Pagtinanong mo naman si lalaki if sino ang mas mahal nya un totoong asawa nya o itong kinakasama nya dito. Pamilya pa din nya ang pipiliin nya. For him purely "tawag lang ng laman" ang gusto nya dun sa kinakasama nya dito same din naman daw ang gusto lang ng babae sa kanya. Pure fun lang daw o masabing may makasama lang sila in time of loneliness...(Kainis!)End of contract, end of relationship na din daw.

At ito pa ang bago, ng umuwi si lalaki sa Pinas 3 mos ago for his vacation leave pagbalik nya dito may ibang BF na si babae at US Citizen pa. (O diba ang taray! Ayaw mabakante!) Naging honest naman daw ang babae sa kanya na may bago na syang BF. Since wala naman syang feelings sa girl Ok lang daw sa kanya kahit mawala. Baka nga daw mas OK kasi baka ito na ang right time para magbago.

But hep..hep... hep... di nagtatapos ang story dun. Since ang nakuha pala ni Girl na new BF is Oldie na kaya di daw natutugunan ang mga pangangailangan nyang physical! (Sarap balatan ng buhay!!!) Kaya super may i lapit nanaman si girlalu dito kay lalaki dahil dun. At si lalaki ayun pumatol din! Sayang daw e. Palay na ang pumapatol sa manok!

Sa ngayon ang situation nila si girl may BF na US citizen (financial needs)+ Pinoy BF (Physical needs) + Legal husband (end of contract).

Ang nakakatawa pa active ang 2 ito sa simbahan. Pano nila nagagawa at nasisikmura ang makinig sa salita ng Diyos but paglabas are kampon pala ni Taning? Well maybe their both thinking na it will lessen their sins sa pagiging active sa church. (Kapal ng mukha!)

We as their Friends binigyan na namin ng payo but at the end sila din naman ang makakapagdecide para sa sarili nila.

Sana lang natauhan at ayusin nilang pareho ang buhay nila before pa dumating ang "KARMA" sa kanilang.

“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.”

 

Peppermint's picture

Peppermint said Kaya di nakakapagtaka if ...

Kaya di nakakapagtaka if ganun na lang ang baba ng tingin ng ibang lahi sa mga Pinay dito. Wala e may mga Pinay talagang gumagawa ng ganito. Di lang dahil sa pera kundi likas na un "kati" sa katawan.

Sabi nga ni hubby meron daw syang kaOfficemate nalibre lang daw minsan sa Mcdo ng burger sumama na agad sa foreigner.

Meron din daw na first timer dito sa Doha. 1st & 2nd week nagiiyak daw sa kanila kasi namimiss ang pamilyang naiwan sa Pinas.But after 3 weeks ayun nakikita daw nilang may nakaAkbay na na ibang lalaki (foreigner) din!
Nalulungkot? Di na daw para nga daw dalaga kung umasta!

Nadinig na ba nyo un salitang "SPONSOR"? Un ang tawag ng mga Pinay sa mga bf nila dito na nagbibigay ng material things for them & nagpapaligaya. Kaya pag nakakaipon sila ng gamit at pagmadami na saka nila ipapackage papuntang Pinas.

SAD BUT TRUE...=(

“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.”

 

judascave555's picture

judascave555 said It's true! ...

What can I say, I hate to say this , mawalay lang sandali sa asawa naghahanap na ng iba, it's true for both genders. That's why, as they advised during the orientation seminar (PDOS) 94% failed, it's because the one left behind are weak, same here, the ones who left would do the same, what can I say, we're the one's working and the reason we come here is to give our family a good life, but there at home, they start to ruin our lives, so it's life.

 

pids's picture

pids said From jacobs I'm not ...

From jacobs

I'm not in the position to make comments for those in the fix right now. Whatever situation ,they have thier own personal reason . I hope it will turn out well for sake of thier kids and the life they are going to have will be all worth it ,just thankful that my family have been very blessed .

 

treysdad's picture

treysdad said Nakakagulat nga peppermint ...

Nakakagulat nga peppermint pero may mga nakilala rin akong mga babaing may asawa at anak sa Pinas pero may BF o ka-live-in dito sa Qatar.
Yung isa nga 2 pa BF dito kasi daw mahirap ang transpo. kung di daw available yung isang BF para sunduin siya eh yung isang BF ang tawagan niya. (ano ba yun!)
Meron naman na ok lang daw na may pamilya sa Pinas yung ka-live-in nya dito pero di daw niya matatanggap na magkaroon pa ng ibang GF dito. (aba! at possessive pa!)
Nakakalungkot nga tuloy na kaya ang baba ng tingin sa mga Pinay, lalo na alam na may asawa eh nakikikompitensya pa ng paramihan ng BF dito sa mga dalaga.
Meron pa nagaaway-away sa isang lalaki at yung mga girls na iyon eh pare-parehong may mga asawa at anak sa Pinas!
Minsan gusto mo pagsabihan pero maiisip na matatanda na ang mga ito at di na teen-ager para sabihan pa. Kumbaga eh dito nagpapakadalaga.
Pero tama dun nga nagsisimula friends o paghanga tapos nauuwi sa friends with benefits.... sabi nga nila.

 

working_mom's picture

working_mom said May kumpare din ako ...

Couples for Christ sa Pinas active parishioner din po nagulat din ako nalaman ko may sinasamang babae na at take note nakapagpakasal pa sa Pinas . Ang istorya kasi ganito si girlalu cashier sa isang restaurant sa bandang souq tapos madalas kumakain si fafa doon eh itong sila fafa laging may weekend affair. Si girlalu naman game din kaya nga natanggal sa trabaho kasi laging late umuwi. So umuwi si girlalu sinundan ni fafa malamang may under the table friend sa NCSO at nakapagpakasal tapos magkasama na sila dito . Ang ginawa ni lalaki humingi ng letter sa company na mag sponsor ng wife niya yun pala sia wife no. 2 ang pumunta kapal ng mukha ng babaeng yun .

One time naman may pinuntahan kaming party may kasamang babae ang ofcmate ng husband ko pakilala sa akin kasin niya yun pala kasintahan magulat kami buntis na si kasin nanganak sa Qatar nagkataon winter kaya hindi halata buntis . si kasin may bf sa pinas nung manganak na muntik nang makulong buti na lang kayang gayahin ang pirma niya at akala naman ng bf niya siya ang tatay paglabas ng bata kamukha ng kasin kasin pero hindi ko ma imagine kung paano natanggap ng bf niya yun eh malayo ang mukha

hay life ng OFW talaga makuha ka sa Ginto at Hala

 

tatess's picture

tatess said madali namang magpakasal sa pinas ...

sa huwes.tapos dala na nila rito yung ,marriage contract na hindi register sa census.madali ding magpagawa ng fake marriage contract or kahit sino pwedeng gumawa,,kuha ka lang ng marriage contract ,xerox lang at papatungan ng ibang name.di me ipapakita ka na sa company . xerox copy lang naman ang mga hinihinging dokument di ba.

pero ngayon yata kailangan secpa at red ribbon na mga dokument at kailangan iauthenticate sa phil. embassy,naghigpit na dahil sa mga pekeng papeles ng mga pinoy.
ang dami sa company namin na di tunay na mag asawa ang naka avail pa ng housing dati. me kasamahan din ako fake ang contract.di naman siya makapag apply ng housing kasi natatakot na mabuking,kasi baka hanapan ng SECPA(SEC PAPER)or naka red ribbon na marriage cert.

kanya kanyang story talaga ang mga pinoy pagdating sa tawag ng laman.

 

treysdad's picture

treysdad said Mahirap tuloy iba ang tingin ng ibang lahi sa atin... ...

May kilala akong puti na may asawang Pinay nagtataka siya bakit ako ang nag-trabaho abroad. Kasi daw kalimitan ng kilala niya mga Pinay ang nagtatrabaho abroad at yung mga lalaki ay naiwan sa Pinas nagaalaga ng anak.
Yung isang French na kilala ko eh sabi masarap daw yatang magka-asawa ng Pinay kasi sila nagtatrabaho tapos yung asawa nasa Pinas lang at naghihintay na padalang pera.
Sinabi ko hindi naman ganun... pero yun ang impression nila....kaya sa buong lahi natin ganun kababa ang tingin.
At sa latest report na more than 60% ng OFW eh babae... at marami eh mga inang nawalay sa mga anak... hindi ko alam kung anong magiging kinabukasan ng pamilyang OFW.
Ang inahin na mawalay sa mga sisiw eh hindi normal o natural na proseso ng buhay... lalo na ang ina na mawalay sa mga anak.
Oo nga nakakatulong sa ekonomiya ng bansa ang kita ng Pinay OFW pero nasisira naman ang basic unit ng Philippine society.

 

tatess's picture

tatess said mas marami talagang tamad na pilipino sa atin ...

okay lang sana kung tamad lang ,ang kaso sila pa ang may ganang magbisyo at mambugbog, habang si misis ay naggtatrabaho kung di man sa pinas ay sa ibayong dagat.

at oras na magkalayo, kung hindi man isa sa kanila ang mangangaliwa o pareho sila or tuluyan na talagang maging'Broken homes',dahil si misis /mister nakahanap ng iba.

nakakaawa ang mga anak nila. kung pwede nga lang magpabalik ang anak sa sinapupunan siguro ginawa na nila dahil sa mga kahihiyang pinaggagawa ng mga magulang nila.

Pero mahirap din silang husgahan kasi di naman talaga natin alam ang nakakubling buhay nila.Yung iba lang talagang kabayan ay may likas na kakatihan sa katawan at ayaw ng nababakante.

 

yammar08's picture

yammar08 said meron pa rin naman mga ...

meron pa rin naman mga couples na loyal sa isa't isa. yung mga classmates ko nung college, 1st bf/gf nila ang isa't isa..until nag asawa sila..inseparable pa rin. sabi nung guy "from the moment na nameet nya yung girl, alam nyang hindi sya mabubuhay ng wala sya" ganun din yung girl...ang saya nila...may 3 kids na sila and hindi sila nakakalimot sa mga church obligations nila... nagabroad yung guy, sobrang homesick nya kaya kinuha nya family nya. nung nagmeet kami..kakatuwa nagtutuksuhan pa rin kaming magkakaklase, andun pa rin yung "kilig factor" and they are planning for their 2nd marriage..corny pero nakakainspire yung love story nila. sabi nila, love, faith, respect and trust for each other ang secret daw nila. sana marami pa ring kagaya nila nowadays..yung iba sana wag na nilang subukan yung "maling" gawain ng iba lalo na madadamay and mga kids...

 

Peppermint's picture

Peppermint said Tatess-- un makapagpakasal ...

Tatess-- un makapagpakasal ka sa Pinas & produced fakes docs pwede at talamak un sa atin but un 2 kilala ko nakapagpakasal sila dito sa Embassy natin to think na their both legally married sa Pinas.

uso na din ba dito ang fixers?

“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.”

 

tatess's picture

tatess said peppermint.oo nga ...

matagal ko na rin naririnig yan. nagkakasal ang phil. embassy ng mga me sabit. di ba kailangan ang CENOMAR?ang galing ano. magkano kaya ang bayad?o siguro me kaibigan silang taga loob ?alam kaya ito ni Consul?ma sulatan nga or email.

 

ron_ona's picture

ron_ona said Bakeeet nga ba!? ...

Sa dami ng kasong pekeng marriage dito sa Qatar, pati tuloy yung mga tunay at legal napag-kakamalan at napag dududahan din. Parang naging branding na dito yan & sa tingin ko mas marami pa yata ang illegal sa legal. Pero bakit nga ba???

Tayong Pinoy likas na mga KSP. Dala kasi ito ng social orientation natin na simula sa pagka-bata, nababalutan ng pagmamahal ng pamilya. At itong pagmamahal na ito ay nagiging parte ng sistema natin at kapag tayo ay nawalay, matindi ang epekto nito. Yun bang parang kalahati ng katawan ay naparalyze. Kaya ayun, ang naging motto nila ay "no man is an island". Ang nawalang pagmamahal na ito ay pilit niland dinadama sa piling ng iba. Maski na sabihin mo na andyan ang internet para makapiling mo ang pamilya maski sa YM or Skype man lang. Kaya lang etong si kabayan mas gusto talaga yung pagmamahal na nararamdaman at nahahawakan. Ang resulta ay alam nyo na!

At bakit nga ba karamihan sa kabayan nating Pinoy dito ay para bang sabik na sabik makakita ng kabayan babae? Yung tipo bang kung makatitig ay parang ngayon lang nakakita ng tao o babae? Marami mga dyan na pumupunta lang ng simbahan para lang makakita ng kabayan babae o makakilala man lang. O di ba totoo? Pansin ko rin na pag namimili kami ni Misis sa Filipino Souk, ang lalagkit ng mga tingin ng mga kabayan natin kay Misis na daig pa ang nakakita ng artista! Wala namang masamang humanga sa kagandahan ng aking Misis pero por dyos por santo, nakakabastos na kadalasan ang mga tingin at arte nila! Minsan may nga senyales pa sila at mag bigkasin pang nakakapikon. Minsan nga pinapulis ko yung isang kabayan natin at muntik ng makulong kung hindi lang naawa si Misis. Kasi nga po bastos na ang kilos at pananalita.

So ano ba ang ibig sabihin nito? Bakit ba marami sa kabayan natin ang naliligaw ng landas? Dahil ba kulang sa pananampalataya? Homesick? O talagang likas na mahilig mapag hanap ng pag mamahal?

Readers, you be the judge.

 

marines75's picture

marines75 said When the going gets tough ...

When the going gets tough the tough gets going.....


 

marines75's picture

marines75 said Kasal kasalan ...

Being an old timer here in Qatar, I have some friends whom I personally know are legally married in the Philippines but have remarried again here in Doha. The marriage were officiated by our Phil. Embassy, just for curiosity, they have no records in the NSO for the 2nd marriage.

This means that maraming anomaly sa mga foreign embassies natin in the whole world.

May balita pa nga noon na mismong empleyado ng embassy ay hindi tunay na family ang dinadala dito sa Qatar.

When the going gets tough the tough gets going.....


 

Peppermint's picture

Peppermint said yammar08-- Yup naniniwala pa ...

yammar08-- Yup naniniwala pa din ako na may mga taong loyal pa din dito sa mundo gaya ni hubby ko! (Echosss!=P)

Almost 2 yrs din syang nag-isa dito sa Qatar to think na di pa kami married that time but yes a good & continuous communication will help a relationship to be more stronger. OA man but para lang di namin masyadong mamiss ang isat'-isa nagsusulatan kami (once a month), email 3x a week, sms (3x a day), call (once a week), Chat (every friday).

Minsan kasi u need to think & find ways para mapunan un time na wala ka sa tabi ng mahal u. Malaking sacrifices & time consuming talaga but if para naman sa mahal mo why not diba?

Alala ko dati nakwento din sa akin ni hubby muntikan na din daw sya (o diba honest!?) un babae na daw kasi ang lumalapit sa kanya. Ang akala daw nya naghahanap lang ng kaibigan at kakwentuhan since bago lang daw dito so since mabait si hubby di naman daw nya binigyan ng malisya. Andyan tinatawagan pa sya para magpasama if may bibilhin sa labas or mamasyal sa mall, sumasabay paglunch break sa kanya (officemate sila) o sasabay sa kanya tuwing friday para pumunta sa internet cafe para makipagChat din sa BF nya (yes may BF mo itong girlalu na ito sa Pinas).

So kay hubby Ok lang un kasi at least nakakatulong din sya dun sa girl. Halos 2 mos na ganun ang routine nilang 2 kahit may ibang kasama si hubby na mga kabarkada nya sumasama pa din daw itong si girl (isip nya baka nabobored lang daw sa accomodation). But one time daw nagproposed na itong girl na magOpen sila ng bank account para makapagsave silang 2 & she also wanted to buy a car para daw pag-aalis sila may sasakyan na sila 2. At nagdedemand na daw itong babaitang ito ng time nya & na wag na daw silang pumunta sa internet cafe para makipagChat sa akin!(nakakapagdilim ng paningin!!!) that time din daw nagkakalabuan na sila ng bf nya.

So maliwag pa sa sikat ng araw na namisinterpret ng hinayupak na babaeng ito un pagiging nice ni hubby sa kanya akala nya siguro papatulan sya! My hubby just told her nicely na his already committed & soon to be married na nga so di na pwede un gusto nya. Sabi ni girl iwan na daw ako tutal malayo naman me at sya ay nandito. (Sarap balatan ng buhay!)Saka for sure naman daw na mas magaling daw sya sa akin (di ko alam if san sya magaling!) Baka magaling mang-asar! >={

From that time, sinimulan na syang layuan ni hubby. If she calling him di na daw sinasagot ni hubby or sinasabi nya busy sya. Sa breaktime naman nag-iba sya ng sched para lang di sya masabayan ng girlalu.

After 1 week tinigilan din sya ng babaitang ito (nakahalata na cguro!) But di na tapos dun ang kwento kasi after how many weeks nakasalubong nya si girl na may kasama na ibang guy (foreigner). after 2 months nabalitaan nya nagresigned si girlalu kasi nalaman na buntis sya (baka courtesy of her foreigner bf) so before may makahalata ng tyan nya ayun umuwi ng Pinas! (ano kaya ang ginawa sa kanya ng bf nya?)

Nang malaman ko ang kwentong ito kay hubby isa lang ang nasabi ko sa kanya...

PASALAMAT ANG BABAENG IYAN AT WALA NA SYA DITO SA QATAR KASI KUNG NAGPANG-ABOT KAMI BAKA KINULOT KO ANG STRAIGHT HAIR NYA! lol!=D

So ang tukso di yan magtatagumpay if di natin ientertainin sa buhay. Homesick? Loneliness? Bakit sino ba ang di na lulungkot? Ang alam ko parehong malungkot ang umalis at ang iniwan. Nasa tao pa din yan if paano nya disiplinahin ang sarili nya & if paano nya lulunasan ang kalungkutan na di nagkakasala sa asawa or bf/gf nya.

Hay naku talaga... kakainit ng ulo ang mga taong ganito!

“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.”

 

nicaq25's picture

nicaq25 said keep ur cool peppermint.... ...

you're still lucky...you haven't been there yet. Ibig kong sabihin 'muntik na'. Kasi, di pa kayo mag-asawa nun,wla pa kayong mga anak. How much more for those who were married, say, not only 10,15,20 years or more? How would you think they'd react to that? hehehe!

 

Peppermint's picture

Peppermint said Tatess-- un kakilala ko di ...

Tatess-- un kakilala ko di naman influential dito ang dalawang iyon kumbaga ordinary lang naman so i doubt na may kapit un sa Embassy. Nagbayad siguro pwede pa! But ang di ko maintindihan paano sila nagpakasal dito if legally married na silang 2 sa Pinas di na ba hinahanapan ng legal docs/ requirements ng Embassy dito ang mga gustong magpakasal o ganun sila kaluwag dito?

marines75-- Kung ganun pala talagang may anomalya na din sa loob ng Phil. Embassy? Ang tanong MAGKANO at sino ang nasa likod nito?

Paging...paging Phil. Embassy!

“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.”

 

Peppermint's picture

Peppermint said nicaq25 -- thats the point ...

nicaq25 -- thats the point if their married for how many year na di dapat mas stronger & intact ang relationship with their families diba kesa sa mga magBF or GF pa lang?

Hay... sabagay kanya-kanyang stories & reasons yan depende sa tao.

Thanks GOD & talagang mabait si hubby (sana forever na syang ganun!) lol!=D

“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.”

 

tatess's picture

tatess said Kasama na sa bayad ang lahat ...

money talks. anong papepapeles pa, kaya nga nagbayad ay dahil walang legal doc.

 

chevydjak's picture

chevydjak said Ay naku... ako parang no ...

Ay naku... ako parang no comment. Kasi kanya-kanyang diskarte sa buhay ang bawat tao. Pero against ako sa mga nangangaliwa...

Nde lang naman kasi ang ipinagbuklod ng papel ang dapat magmahalan ng tapat e... Kahit kasal man o nde, dapat maging tapat sa isa't isa.

zwani.com myspace graphic comments

 

Peppermint's picture

Peppermint said Kawawa naman ang asawa't ...

Kawawa naman ang asawa't anak nila sa Pinas...=(

“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.”

 

Qatar Idols's picture

Qatar Idols said what are we and what we have ...

what are we and what we have now is the result of our decisions. we do this dahil gusto natin. hindi dahil sa wala tayong choice. korek?

sa mga taong tulad ng mga sinasabi ninyo... let Boy George sing for them the song 'Karma Cameleon'... di man sa kanila tumama ito, posibleng sa mga anak or sa mga susunod na henerasyon... kaya good luck lang ang masasabi ko!


 

treysdad's picture

treysdad said Sana matapos na yang illegal ...

Sana matapos na yang illegal na pagpapakasal dito sa Doha.

Ang alam ko ngayon di na i-attest ang kasal sa embassy dito sa Doha. Di na i-recognize ng MOFA ang kasal sa embassy. Kailangan kasal sa licensed minister (pari o imam). Kaya mahigpit na si Fr. Tom. Di na rin puede sa expat ang kasal sa huwes pang lokal na lang.

 

working_mom's picture

working_mom said One of the major reasons ...

kung bakit ang Filipino hindi allowed kumuha ng nanny/helper na kapwa Filipino anyway it applies to all nationalities kasi ipapalabas nila na katulong yun pala mistress .

In reference to Treysdad comment about marriage na hindi church dati hindi nagbibinyag dito kapag civil marriage sa Pinas kasi nga duda sila na ang mga pinoy magaling mag diskarte lalo na sa mga illegal documents.

Kapag nag apply ng reduced travel tax nung umuwi ako nung March tinatanggap pa ang photocopy ng marriage cert but now not acceptable ang photocopy kailangan original and authenticated ng NSO.

About sa pagkuha ng CENOMAR ako mismo may kilala na nagpapabayad kung sino gusto diyan kumuha ng CENOMAR na kasal na na gusto mag pakasal ulit hahaha naku 5000 lang pwede na kayo magpakasal ulit. I know also someone na nakakuha marriage contract without appearance kumuha lang sila blank sa city hall after 1 week voila kasal na sila

 

alyasbobby's picture

alyasbobby said para din palang saudi dito ...

para din palang saudi dito pag dating sa ganyang bagay...

"Contentment is not getting what you want... But being satisfied with what you have...."

 

ohbee wan's picture

ohbee wan said matagal ng ginagawa ng ...

matagal ng ginagawa ng embassy natin yan isa sila sa dahilan ng broken families , hanggang d2 lang kasal ang mga illegal nacouple na yan dahil yung pinirmahan nilang papel ay di naman nireregister sa NSO . kinukunsinti ng embassy dahil dadag kita rin sa kanila. gusto nilang isalba ang dalawang imoral na porke nabuntis na si babae pro may sinisira silang pamilya.

- live your life as simple as you are

 

petitemae's picture

petitemae said glad i've found this site... ...

i'm really proud to hear that there are people like you who are concern about this matter.

could i just PM you and tell you about my own problems regarding this subject? perhaps you could give me some advice on this?


 

treysdad's picture

treysdad said Petitemae.... ...

It's OK. Go ahead.

 

Join the Qatar Living Community

Filipino expatriates in Qatar

Qatar Living Events Listings
Qatar Living Classifieds
Qatar Living Cars Classifieds

Poll

How often do you visit Qatar Living?
Once a week
5%
2 or 3 times a week
9%
Once a day
15%
A few times a day
39%
Every hour
11%
I'm on QL all day!
21%
Total votes: 629