User

Ano ang gagawin kapag tinatamad sa trabaho?

tatess's picture

Huwag aabsent.

Huwag male-late.

Pagkaupo mo sa iyong lamesa, buksan isa-isa ang drawer at magkalkal. Kunwari ay may hinahanap.

Pagkatapos mong magkalkal, tumayo ka at tunguhin ang mga filing cabinet. Maghanap ka ng ipis. Kung wala kang mahanap, tingnan mo ang iyong incoming & outgoing tray. Kalkalin at maghanap ng mga natira sa iyong mga kinutkot kahapon. Huwag kakainin muli. Labag sa kagandahang asal. Kung naglalaway ka sa mga iyon ay kunin mo ang nagamit mong tissue paper na nailagay mo sa iyong front drawer at ipunas sa laway mo. Pagkatapos ay ilagay muli sa drawer. Maaari mo pang magamit iyon bukas. Malaking katipiran sa iyo.

Kung biglang dumating ang iyong boss, hawakan kaagad ang telepono at magsalita. Kunwari ay
tinatanong ka ng iyong kausap tungkol sa mga dokumento. Sumagot ka ng "Oh! I am sorry but I will bring that to your office immediately." Kumuha kaagad ng kahit anong folder at magpaalam ng maayos at buong giliw sa iyong boss. Lumabas ng nagmamadali.

Pumunta ka sa CR. Magsuklay. Tingnan mabuti ang sarili. Mag-retouch kung babae. Tingnan kung baligtad ang underwear na naisuot at kung lalaki, maghilamos at basain ng konti ang buhok. Magtiris ng mga taghiyawat. Magtagal ng mga limang minuto.

Pagkabalik mo sa iyong opisina, buksan ang computer. Hintaying matapos ang Auto Scan. Marami ring minuto ang magugugol dito. Magbukas ng isang file... Isa pa... at isa pa uli...!!! Pumunta sa ccmail, tingnan ang inbox kung may hindi pa nababasa. Magbasa. Kunwari ay bagong pasok ka lamang sa Grade One.

Pagkatapos ay kunin ang mga dapat gawing report. Titigang mabuti. Pag-aralan ang klase ng papel na ginamit. Bilangin kung ilang words ang nagamit.

Kung may tumawag sa telepono, kaagad sagutin. Huwag mong hayaang ibaba kaagad ng kausap. Kumustahin. Tanungin tungkol sa mga National Issues katulad ng tungkol sa mga jokes kay Erap o kaya ang pagkamatay ni Princess Di. Kumustahin din ang latest style ng kanyang damit pati na kung saan nagpapa-manicure at pedicure. Huwag lalagpas ng isang oras ang pakikipag-usap. Magagalit ang iyong boss.

Kung may report na tatapusin, tapusin ng eksakto sa deadline hour. Kung may ita-type, magtype ng 10 wpm.

Tunguhin ang mga file na inipon sa loob ng ilang araw. Ayusin isa-isa habang ini-imagine ang sarili
na sumasahod ng 15,000 pesos isang buwan. Huwag tatapusin. Magtira ng para sa ilang araw na gawain.

Palaging magtungo sa CR. Kunwari ay may LBM. Palagi ring bumisita sa ibang department,
makipagchikahan.

Huwag mong titingnan ang iyong relo habang ginagawa mo ang lahat ng nasa itaas. Kapag ginawa mo iyon ay lalo kang maiinip. Hayaang mag-enjoy ang sarili sa iyong katamaran. Magugulat ka na lamang na "time" na pala para umuwi.

Ayusin ang lamesa na para bang napakarami ng iyong trinabaho. At bago umuwi, dumaan ng CR. Tingnan at hipuin ang mukha kung gaano kakapal. Huwag pansinin ang mga kasamahan na mula umaga ay tingin ng tingin sa iyo. Hindi naman sila ang nagpapasuweldo.

Posted in:

Comments

yammar08's picture

yammar08 said ngek, tagal na nito ah ...

ngek, tagal na nito ah

 

glecs's picture

glecs said oks lang kahit matagal na ...

oks lang kahit matagal na to... sounds new to me. nalibang at natawa din naman ako. hehehe.

hi mami tatess! mukhang busy ka masyado kaka-post dito ah. musta na si baby? hope you are all doing well.

silent "G"

 

normanila2000's picture

normanila2000 said Mag sick leave ka! ...

Kung tinatamad kang magtrabaho, hehe

"Masunod nawa ang iyong kalooban!" 


 

nepparaiso's picture

nepparaiso said mag QL ka ...

hehehe

 

vince marlo's picture

vince marlo said good one ...

good one

 

torn letters's picture

torn letters said hi people nice to be here ...

hi people nice to be here

 

Peppermint's picture

Peppermint said hay ka tamad ...

hay ka tamad talaga....=P

“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.”

 

nepparaiso's picture

nepparaiso said tawagan nyo ko sa telepono at magkwentuha tayo heheheeh ...

JOKE!

 

lovinni's picture

lovinni said nakakatamad lalo na pag ...

nakakatamad lalo na pag sabado!

magresearch ka din ---kung anong latest movies, fashion o kaya recipe...

I think I've discovered the secret of life - you just hang around until you get used to it.  ~Charles Schulz


 

mallrat's picture

mallrat said . "...Bilangin kung ilang ...

. "...Bilangin kung ilang words ang nagamit..."
.
. better na bilangin ang letters, mas time consuming yun.
.
//www.birthstonetext.com

 

lovinni's picture

lovinni said mallrat, sama na din ang mga ...

mallrat, sama na din ang mga punctuations!

kumusta na?.

I think I've discovered the secret of life - you just hang around until you get used to it.  ~Charles Schulz


 

Peppermint's picture

Peppermint said pagtinatamad magcheck ng ...

pagtinatamad magcheck ng friendster... magYM...

Mallrat-- how about isama na rin sa bilang if ilang space ang ginamit.

“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.”

 

mallrat's picture

mallrat said .hi lovinni. . .im just ...

.hi lovinni.
.
.im just here, still counting. ayaw ko na isali punctuations, baka makatulog na aketch....
.
.how about you? how have you been???
.
//www.birthstonetext.com

 

mallrat's picture

mallrat said .hi pepper, tinatamad ka ...

.hi pepper, tinatamad ka rin??
.
.sige ikaw na magbilang sa spaces between words.......lol
.
//www.birthstonetext.com

 

lovinni's picture

lovinni said hi mallrat, ok lang ...

hi mallrat, ok lang din...natapos na mag bilang ng letters at puctuations. lunch mode na!

hope to see u soon! ikaw din classmate!

I think I've discovered the secret of life - you just hang around until you get used to it.  ~Charles Schulz


 

Peppermint's picture

Peppermint said oo nakakatamad pagsaturday ...

oo nakakatamad pagsaturday talaga dito sa office!

“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.”

 

glecs's picture

glecs said manood ng pinoychannel.tv. ...

manood ng pinoychannel.tv. hahaha

silent "G"

 

Peppermint's picture

Peppermint said Ei Classmate musta na? Hope ...

Ei Classmate musta na? Hope ur fine...=)

“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.”

 

chevydjak's picture

chevydjak said Ay naku... ...

lahat ng nasabi nyo...nagawa ko na. Anything new? lolz...

zwani.com myspace graphic comments

 

Peppermint's picture

Peppermint said Checy-- mukhang bored ka ...

Chevy-- mukhang bored ka talaga! lol!

U can also do this...

If tanaw mo ang road from ur table try u bilangin ang mga sasakyan na dumadaan. Para mas maganda gawin mong color coding if ilang ang red, blue, white etc.

Now if may time ka pa iclassified mo naman if anong type ng sasakyan if kotse or track, etc.

If mahaba pa din ang time mo pwede mo din iclassified if ilang ang sakay ng sasakyan! hahahahhaahhahaha!

“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.”

 

tatess's picture

tatess said pwede ri bilangin mo ang mga naglalakad at ...

ang nationality then at the end of the day gawa ka ng statitics.no. of people and nat'lities/ time /sex=

 

chevydjak's picture

chevydjak said Nde e... ...

Ang tanaw ko ung mga accomodation sa baba ng office room ko.

Ngaun ko nga lang nasilip, ang gaganda ng mga bahay.... parang maliliit na mansyon.

zwani.com myspace graphic comments

 

Peppermint's picture

Peppermint said Chevy-- di kaya maaning ka ...

Chevy-- di kaya maaning ka nyan sa sobrang bored! lol!

“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.”

 

mallrat's picture

mallrat said .pag bored ako, nagsasara ko ...

.pag bored ako, nagsasara ko ng room ko, naka ipod, busy busihan, gumagawa ng sketches.
.
takot na ang mga tao sa office pag nakasara ang door ko i usually close my doors when im not in the mood, kaya iwas sila, may tupak aketch..
.
.
pag di ko na ma take ang boredom, tatawag na ng makakasama mag coffee break/window shopping/dining/malling with alibi na mag client call kuno..
.
.minsan umuuwi ng bahay at matulog.
.
.minsan absent dahil walang gagawin sa office.
.
//www.birthstonetext.com

 

chevydjak's picture

chevydjak said Busy ako for next week... ...

Tinatamad lang talaga ko... wala kasi akong katsikahan e.Laking tulong ng QL naiibsan ang boredom ko.

Mag isa lang ako rum ko peppermint, yung gagawin ko kasi for the whole month ibinibigay na sa akin previous month... kaya pag natapos k ng 2 days un. Wala na kong gagawin.... bka nga mapraning ako nito...praning na nga ata eh lolz.

sa lahat ata ng empleyado ako ung tuwang tuwa pag may trabahong ibinibigay...., kun dati ay sawa ngayun ay sabik sa work.

Teka lang a... bibilangin ko lang ang buhok ko!

zwani.com myspace graphic comments

 

dandy0510's picture

dandy0510 said ... ...

hehe. ang kulit ng joke na to. pang petiks mode. :P

team applei.ph < www.applei.ph >
For your iphone needs! :P

 

lovinni's picture

lovinni said ay naku super nakakabpryo ...

ay naku super nakakabpryo ang walang ginagawa...nung nagbakasyon ang boss ko, parang pumapasok lang ako sa office at mag internet. nakakasawa din. at hihilingan mo talaga ang trabaho.

ngayon bumalik na ang boss ko...haay hanggang sa leeg naman ang trabaho. saan kaya ako pwe-pwesto?

I think I've discovered the secret of life - you just hang around until you get used to it.  ~Charles Schulz


 

tatess's picture

tatess said bilangin mo rin yung ...

pilikmata mo, mas madali kasi mas konti.

 

dandy0510's picture

dandy0510 said lovinni ...

lol. oo nga e minsan wala trabaho minsan ang dami. :P
kakatuwa comment mo din. hahaha

team applei.ph < www.applei.ph >
For your iphone needs! :P

 

lovinni's picture

lovinni said yun nga dandy...ang gulo ...

yun nga dandy...ang gulo noh? pero enjoy na lang tayo. masaya naman sa trabaho kahit saksakan ang ireklamo mo. ika nga...cool ka lang!

I think I've discovered the secret of life - you just hang around until you get used to it.  ~Charles Schulz


 

chevydjak's picture

chevydjak said Nasasanay n nga ang ktawan ...

Nasasanay n nga ang ktawan ko sa ktamaran e.... he he he, pero unti unti ko ng minamahal.... ang katamaran!!!

lolz, love ko work ko it's my first time na magwork for 12 consecutive years na minsan lang ang pressure.

zwani.com myspace graphic comments

 

dandy0510's picture

dandy0510 said ... ...

lovinni, hahaha. sabagay enjoy na nga lang tyo.. atleast kumikita tyo kahit na petiks pa din. isipin mo may kita kahit wala gnwa sa isang araw minsan.. lolz.

chev, ah ganun ba 12 years? ayus yun ah. hehe.
tama ka din, minsan pag wala trabaho tapos bigla meron trabaho nakakatamad.. noh? :)

team applei.ph < www.applei.ph >
For your iphone needs! :P

 

chevydjak's picture

chevydjak said yups dandy.... ...

28 yrs. old ako, going to 16 yrs. old ako nag start mag work sa pinas...6 years sa pinas, 3 years sa Riyadh KSA (walang uwian), at almost 3 yrs. dito sa Qatar. Sa edad na 22, lagalag na ko sa middle east... he he he Alang hinto yun....pinagsamantalahan n nga ng SSS ang murang edad ko e. he he he

Ala napa-kwento na....wek wek wek ala kasi magawa...

zwani.com myspace graphic comments

 

Peppermint's picture

Peppermint said Tom if wala ka pa din ...

Tom if wala ka pa din gagawin magdala ka ng manicure set sa office. Magmanicure/ pedicure ka habang walang ginagawa! if tapos mo na manicure/pedicure sarili mo at mahaba pa din ang time magservice ka sa ibang ka officemate mo o diba kumita ka pa! =D

“Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.”

 

chevydjak's picture

chevydjak said ha ha ha... ...

Baka masibak ako, murder ang labas ng mga kuko nila...he he he

zwani.com myspace graphic comments

 

Join the Qatar Living Community

Filipino expatriates in Qatar

Qatar Living Events Listings
Qatar Living Classifieds
Qatar Living Cars Classifieds

Poll

How often do you visit Qatar Living?
Once a week
4%
2 or 3 times a week
8%
Once a day
15%
A few times a day
40%
Every hour
11%
I'm on QL all day!
22%
Total votes: 604