Recent comments
- even though you wear a tux as long as you are not a local or
1 min 8 sec ago - Football game?
5 min 50 sec ago - Family Day solution
35 min 50 sec ago - Parking in parking places belonging to someone else....
54 min 29 sec ago - NOBODY CALLED !!!!
54 min 36 sec ago - Afzal khan u rock....
1 hour 3 min ago - The loses to coaltion forces
1 hour 5 min ago - >> monster.com
1 hour 24 min ago - Ah do you have any
1 hour 26 min ago - Dude i think you dont like
1 hour 28 min ago
Restaurant Cuisines
- Arab (9),
- American (12),
- British (1),
- Cafe (8),
- Chinese (10),
- Doughnuts (2),
- Fast Food (4),
- Filipino (8),
- French (1),
- Indian (48),
- Iranian (3),
- Italian (9),
- Juices and Smoothies (1),
- Lebanese (9),
- Malaysian (1),
- Mediterranean (4),
- Mexican (2),
- Moroccan (1),
- Other (16),
- Pakistani (7),
- Pizza (5),
- Portuguese (1),
- Sandwiches (1),
- Seafood (5),
- Spanish (1),
- Steakhouse (4),
- Sushi (3),
- Thai (5),
- Turkish (2),
- Vegetarian (3),
- Qatari (3),
- All Restaurants
Latest news from Qatar
Kabayan Applicant
Kanina, nag-entertain ako ng isang babaeng kabayan na aplikante na sinamahan ng dalawang lalakeng kabayan. Yung babae umupo sa harap ko at ewan ko ba kung high blood lang ako ngayong araw or talagang walang modo ang aplikante na ito. Una, casual lang sumagot sa mga tanong ko as in nung tinanong ko kung anong salary expectation nya, ang sagot ay bahala na, basta mabubuhay daw 2 anak nya at 2 kabet. Okay, cguro joke lang yun but ang akin lang ay aplikante sya at nung time na yun, ininterview sya. Definitely, the answer was out of line. Pangalawa, walang kagatol-gatol na nanghingi ng bond paper. Okay lang kung sinabi nya in a polite way pero nanghingi sya na para bang kasamahan ko sya sa trabaho. Pangatlo, habang tinanong ko sya about her experiences, tipid na tipid ang sagot na para bang telegrama, may bayad kada words.
Ano ba?! Reminder po sa lahat: When applying, put your best foot forward! Ang pag-aaply ay pagma-market sa sarili. Just because kabayan nyo ang kaharap nyo, kalimutan nyo na lang ang pagiging propesyonal. Paano kayo seseryosohin niyan?
Ako mismo hindi ko maisip na ibigay ko ang CV ng babaeng yun sa mga kliyente at baka mapahiya lang ako. At puede ba kung may mga kasama kayo, pakisabing umupo sila sa guests' area, hindi yung pati sila sumasagot sa tanong ng interviewer. Hayyyz.... makainom nga ng tubig...
QT Qs and Forums
QT Classifieds Page
Guide to Qatar
- Sample Budget and Cost of Living
- Qatar Schools Database
- Residents Guide to Qatar
- Siteseeing in Qatar
- Traffic Rules
- Attending a Qatari Wedding
- Gift ideas from Qatar
- Buying a used car in Qatar
- Renting in Qatar
- What to consider when renting in Qatar
- Preparing for Winter in Qatar
- Registering a birth in Qatar
- Blackberry phones in Qatar
- Old Qatar
- What's Happening in Qatar
- Online Shopping in Qatar
- What does Doha look like?










Comments
plumkiwi said
ohh cool ka lang arecel baka ...ohh cool ka lang arecel baka malaglag ang puso mo. . . charge na lang to experience. . hihihihi
" In my opinion only. . . nothing personal"
arecel said
plum, yung charge sa ...plum, yung charge sa experience sa aplikante mo yun sabihin, hehehe. hb pa rin..
usapa na...
rj_sniper007 said
hahaha ...feeling close na kagad bah?.. kapal den ng muks ano?.. wak mo bigyan ng trabaho kasi para pala sa kabit e. hehehe Jowk Jowk Jowk.. =)
_______________________________________________________
"You cannot propel yourself forward by patting yourself on the back."
tatess said
hahaha ...feel at home sila sa iyo.tinanong mo ba kung nag aaply sya ng trabaho at for job interview sya at the moment?
tatess said
babae ba kamo? ...bakit may kabet?
lei05 said
naku arecel mukhang ...naku arecel mukhang nakakahiya ngang ibigay ung CV nya sa mga kliyente mo,isipin na lang natin na nagpapakattoto lang sya kaya lang di ba para namang asal kanto ung inasal nya,syempre interview un,she must not supposed to act like she really close to you especially on the first meeting lalo na`t job interview pala yan,di ba sya nakapag high school?kasi tinuturo din sa high school about manners in job applying...
glecs said
arecel.., i completely agree ...arecel.., i completely agree with you.
madalas din experience ko eh ung parang hindi pinag-isipan ang CV. tapos meron pa nag-a-apply ng work, porke kabayan ang humarap sa kanila eh sasabihin walang dalang CV. baka daw pwede ako na ang bahala sa boss ko. hallleeerrr!!! anu kaya un. eh ako pa naman pag sinabi kong not suitable, eh not suitable na rin sa boss ko. kaya sorry na lang. how can you expect a productive staff kung sa application pa lang disappointing na.
...........................................................
silent "G"
arecel said
hay lei at mommy tatess, ...hay lei at mommy tatess, ewan ko ba kung baket yung mga iba nating kabayans, nakalimutan ang pagiging propesyonal. nahawa sa ibang lahi.:-)
ewan ko ba kung may kabet sya, basta ako na-hb. hahhaha... hayyyyyy...
usapa na...
tatess said
nakaka high blood talaga ! ...ano ba inaaplayan nya?
arecel said
glecs, tama ka. yung iba, ...glecs, tama ka. yung iba, hindi handa. tsaka theyre expecting us to help them. wala namang problema yun at syempre kabayan natin but sana they have to prove also that they are capable. imagine, you are applying for a secretary but sa initial screening pa lang, not organized na. paano sya maging effective and efficient secretary?
usapa na...
arecel said
mommy tatess, yung last ...mommy tatess, yung last position nya is secretary.
usapa na...
kody said
Aracel lam mo ba number nung gurl ...na yun dhil nakakapanginit ng ulo lalo na ngayon mainit ulo ko matawagan at pagsabihan bumalik sya sa kng san sya nanggaling dhil nakakahiya sya....''You can't put the same shoe on every foot''('',)...
lovinni said
may mga kabayan talaga na ...may mga kabayan talaga na walang etiquette. minsan sa telepono nagtatanong kung magkano sahod bago mag interview. tapos di naman polite, feeling prima donna sila. yung qualifications nila di naman masyadong convincing. oh well arecel, humanda ka na lang sa mga attitude na ganyan, di maiiwasan.
I think I've discovered the secret of life - you just hang around until you get used to it. ~Charles Schulz
LupiN said
tanggapin mo na kawawa ...tanggapin mo na kawawa naman... ung kabet. lol
ano pang question mo sana tinanong mo rin kung nakapanood na sya ng Transformer baka sya 'yung may-ari nung...
hear no evil ... see no evil ... speak no evil
bea_enriquez said
ms. arecel... ...carrotcake.... ms. arecel ako i need a job na po talaga..baka po ako matulungan mo.im a professional person po and had lots of experience po..will you help me...?
LupiN said
sa carrotcake pa lang ...sa carrotcake pa lang tanggap kana
hear no evil ... see no evil ... speak no evil
bea_enriquez said
baka po me makatulong po sa ...baka po me makatulong po sa inyo jan para sakin po..pakyaw ko na ung mga ad pero la pa din po response.kung meron man they're asking if what i have for visa,eh visit visa lang po ako, transferable naman po..dun po ako bumabagsak.. katok lang po sa puso nyo...promise,im really a professional one po.
blippy said
hay ms. arecel, korek ka ...hay ms. arecel, korek ka jan, if sa initial interview pa lang ganun na ung impression na iniwan nya, what more kung sa client na. As much as you want help the person dahil kabayan natin e d naman pwede isacrifice quality ng candidates. its either sobrang palagay loob nila dahil kabayan kaharap nila or sadyang 75 grade nila sa gmrc at values education.
bea_enriquez said
sir lupin sorry ...sir lupin sorry po,hihihi...d pa kc ako masyado marunong sa ganito eh..:)
cheritz said
asahan mo na ang lahat ng ...asahan mo na ang lahat ng klaseng asal dito...kung di sya professional, e d khalas! wag mong tanggapin..para marealized niya na aplikante pa din siya na kailangan ang wastong pagkilos...
wag mong dibdibin gurl...tataas lng dugo mo nyan..isipin mo nlng na kawawa sya at d marunong mag-apply!!!
o ito tubig mo..hehehe
chinitasai08 said
......... ...nku po..ano ba yan? ms. arecel nkakahigh blood nga sya...
MyHotComments
Vivo Bonito said
good arecel.. there you set ...good arecel.. there you set your parameters...
ONE is good...
TWO is enough..
THREE is so much...
khalas! kung karapat dapat cyang matulungan... ay sana... minamabuti nyang makapag-pa-impressed man lang sana ang aplikasyon nya... pero zero... gave her 1 out of 10 na lang... sukli sa kanyang panahong inilaan nya sa pagpunta sa opisina nyo at sa kanyang pamasahe..... yun lang...:(
azilana7037 said
arecel, feeling at ease sila sa yo kumbaga...mali nga lang. ...Usually kasi, pag-alam ng aplikante na kabayan, automatic na ang feeling nila na mas malaking chances nila na matanggap sa trabaho...katwiran: KABAYAN KASI EH.
Di ba nga may kasabihan: "Familiarity brings contempt".
pisache said
Arecel. sana binara mo din ...Arecel. sana binara mo din ng bonggang bongga para nagising. baka akala nya nangangarap lang sya at ang akala nyang kausap nya e yung katongits nya sa kalye trese.
Di trabaho hanap nya arecel. away. sana sinabi mo pa na next please.
Di bale mas madami pang kabayan dyan na darating madami din naman na mahuhusay na kabayan tayo. teka magkano ba sweldo? wahahahah.
PAPAKABOG!!!
Vivo Bonito said
ang mga aplikante... di ...ang mga aplikante... di naman makatwiran na barahin ng bongga bongga... kundi ayos lang na pigain sa kanilang ipinakilalang kagalingan... meron kasi applikante sa daldal lang magaling.. hirap naman kakitaan ng ebidencya...
secretary ba kamo ang inaapplayan... sempre natanong mo rin cguro ang typing speed noh...? gaano daw ba cya kamo kabilis... nagtatyping-Maniac ba cya gamit ang facebook...??/ hahahahaha!!! well... isa din yang punto pra malaman psychologically ang applicante kung anong kinasanayan meron cya...
kody said
Isa lang ibig sabhin ...wla syang manners bka naman highschool lang natapos nya at nagpagawa ng diploma sa quiapo o sa recto pra sabhing college sya the way she act is not a professional sabi nga makikita mo sa isang tao ang katauhan nya sa pamamagitan kng panu sya kumilos at panu manamit...''You can't put the same shoe on every foot''('',)...
kinimoto said
kahit kabayan sya, it's not ...kahit kabayan sya, it's not enough reason para umasta siya ng ganun. any applicants should be polite in answering questions by an interviewer. turuan mo ng leksyon arecel. ^_^
"I don't go back on my words, that's my way of ninja"
jjude26 said
yAAn mO na po xa Ms. Arecel, ...yAAn mO na po xa Ms. Arecel, lam q mbait ka nman kya kaw nlang umunAwa sa knya, d bale xa nman ang nwAlan dhil sa ginAwa nyA.
DITBAN45 said
YEAH, LET'S FORGIVE AND ...YEAH, LET'S FORGIVE AND FORGET.
click here for accommodation
sevillon said
hehehe.. nakakahiya nga ...hehehe.. nakakahiya nga siguro kung minsan.. but I hope na educate mu sila on how to act on such situations.. kasi I strongly believe that at the moment, you are responsible to correct or maybe remind them in a way na ndi nakaka offend.. i think it is all our responsibility kasi ndi naman lahat tayu na nandito knows proper composure or maybe nakakalimot lng.. Tulong nalng din natin sa kanila and pag educate.. ^^
nadzmyrah said
.. ...ay ano yun... arecel buti napagpasensyahan mo yun til matanong mo lahat gusto mo itanong s knya. s akin yun, just hearing the word kabet.. ma head-to-foot ko na xa hehe. very degrading ha.. :-)
liliachalmers said
Trulalas ka dyan kabayan! ...na experienced ko rin ang ganyan noon ako'y nasa kalagitnaan ng aking career sa Sharjah. mag apply ng work pero naka maong at t-shirt lang? at ito pa ayaw na ayaw kong haharap sa akin ang applicant na naka pusod ang buhok ng akala mo eh maglalaba sa ilog. ay!naku! at ito pa... naka lagay pa sa application form nag apply ng receptionist daw? samantalang bungi bungi at sapaw sapaw ang ipin. kaya sabi ng lola mong na high blood.wala yatang salamin sa bahay nila. at kumo kababayan nila ang kaharap nila thats mean utusan ng boss lang di nila alam that time i am the boss sorry na lang sila direcho sa waste can ang papel nila.
liliachalmers said
Dancing Queen ...Dancing Queen
mjamille28 said
well arecel, sorry to say ...well arecel, sorry to say but instead of putting her best foot forward, she put her "ASS" forward... sooooooo not cool.....pag-isipan mo muna if dapat mo nga ipasa sa client ang CV nya baka mapahiya ka lang.. andun na yung point na we should help our fellow Filipinos di ba, pero naman kung ganyan ang asal ng tutulungan ko eh di bale na lang :P

dekyo2000 said
dear arecel ... well dapat sinabi mo agad ... ...YOU'RE FIRED!!!!!!
Malamang sabihin nya "BUT...BUT...I AM NOT YET HIRED!
Sagutin mo na lang ng "Well ... there's always a first...get out of my face!!!!"
O eto ...just to bring back your smile on this day...
GOD’s people have compassion, kindness, gentleness, patience, forgiveness… But most of all LOVE….
For LOVE binds all the rest together. -Colossians 3
Good Morning & God Bless!
p.s. don't forget to partee on!
rockduke said
u shud have told them.. ...youre fired! nyahahaha
MyHotComments
Ms.Chief_vous said
.... Kuya Deks ang aga nman ....... Kuya Deks ang aga nman nyan... "But...But... IM NOT YET HIRED?"
...Mam Arecel -i bet poised p din u khit HB n po u...☺☻☺
d p po ngyayari yan s'kin & wag nman sana, low-blood aq eh. Lol ...☺☻☺
Umagang kay Ganda Kabayan!☺☻☺
"...Remember, the shadows are just as important as the light..."
garnet06ph said
hhaaayyy... toooooo ...hhaaayyy... toooooo confident, kasi akala nya porket kabayan kaharap nya ganun ganun nlang, at nanghingi p ng bondpaper? talaga lang ha? buti hindi isang ream ang hinigi! bwahahaha
wow new member me d2 sa FilEx, welcome nyo nmn ako! hahaha namimilit b hihihi
"Friendship is a single soul dwelling in two bodies."
chevydjak said
bastos nga ung ininterview mo arecel... :D ...Pero ko allergic ako pag pilipina ang mag-iinterview sa kin (not filipino)...ineexpect ko na 50/50...OR WALANG PAG-ASA...hindi naman sa NEGA...pero obserbasyon ko lang.
Sa dami ko ng exprience sa interview dito ibang bansa...iilan lng ang PROPESYUNAL TALAGA... alam mo kasi ang tanong na iniinterview ka to feed them about info sa sarili mo sa sinusukat ka as a person...
Meron pang isa sinabi ko salary expectation ko...sagutin ba naman akong " kahit manager namin di sumasahod ng ganyan"...see,? is that professionalism?...crab mentality...pwede naman nyang isulat ung slary expectation ko then eh di itengga nya papel ko...
"BRING IT ON DUDE!!!"
kyuting13 said
ayos yun ah :) ...Arecel, baka naman kaya may 2 lalakeng kasama pinilit lang pumunta ng interview, kaya pabalang din ang sagot. Kung ganun sumagot baka sinabihan ko pa na magtext na lang tayo ng interview mo kasi ayaw ko na makita mukha mo hehehe :D
arymoceana said
At your best pag kabayan ng i interview ...D ba mas matindi mg interview nga pag kabayan,kya you feel like being transported back to our country. Ung mga classic na tanong ng HR. Kya mas napipilitan kang mg pa impress. Sa experience ko mas relaxed mode ako pag ibang lahi ng i interview,kasi they get to the point, pero pag kabayan I expect kasi mg papataasan kami ng kilay. Kya best foot forward tlaga kasi sya ayaw nya mapahiyana recommend nya na kabayan vice versa.
Unfortunately, d ganito ginawa ni ate syo. Naging kampante sya tuloy. Ayan namiss nya sumweldo ng 5 digits syo.
Cool lang po, sana reminder ito, basta if you are applying for a job, dapat or d man basta nasa workplace dapat PROPEYSHUNAL.
MSG said
Arecel at mga kabayan, out ...Arecel at mga kabayan, out of 100 Filipino naiinterview ko 60% ang lumalabas na ganiyan ang ugali nang ating mga kabayan. Mayroon pang sila ang nag iinterview sa akin at nagsasabi before the interview tell me my salary. confident sila sa sarili nila komo filipino kaharap nila.
May nag-email pa sa akin after na interview Filipino ka pa naman di mo kayang tulungan kapwa mo.
We are just an employee and we need those Qualified for the position hindi komo kababayan at di marunong ay ok na.
be kind to the .............???????
Peppermint said
GOOD MORNING! Medyo ...GOOD MORNING!
Medyo nakakapag-init nga ng ulo yang mga ganyan applicants ang masakit kabayan pa natin! Well good thing wala pa ko ganyang experience sa mismong kabayan.
Sa ibang lahi meron! Sa paggawa palang ng CV maloloka ka na! Ung ibang nakalagay sa CV nila OA as in ang previous position if not visor e manager kuno but pagtinanong mo sa trabaho walang masabi tapos ang taas ng demand sa salary! But ung isa ang talagang maloka-loka ako kasi ba naman hinahanap boss ko ng tinanong ko if ano need nya sa boss ko sabi applicant daw. Sus me ang suot, faded jeans at T-shirt di bale sana if di sa opisina nagAaply! Tapos ang nakakagulat pa wala syang dalang CV nakalimutan daw nya at e makicomputer muna para maiOpen nya email nya at makiprint na rin daw! O diba di naman sya masyadong demanding? San ka nanakita ng mag-aaply ng walang CV at nakuha pang makiPrint!
Sabi ko nga sa boss ko wag ng inteviewhin at now palang pasaway na what more pagnagtrabaho na yan dito. Pasaway na nga boss ko magdadagdag pa sila ng sakit sa ulo naku!!!
arecel said
nakakatawa naman ang mga ...nakakatawa naman ang mga comments nyo, hehhehee..yan, nawala ng high blood ko. on the other side of the coin, yung sinabi ni chevs may ganun rin. sad to say, merong nasa HR na bastos din. imaginin nyo ha, kung mag-iinterview may mga side comments. tapos ipagsabi ang sagot mo sa katabi nyang colleague na hindi naman kasali sana sa usapan, tapos nakikipag-debate pa. parang ano yun? sya ba ang interviewee? hahhahaa.. it is really unfortunate na yung ibang tao na nasa HR ay hindi graduate ng HR degree like HUman Resource Mgt or di kaya Psychology or any social sciences. Yun lang ba na-promote tapos nilagay sa HR. though Im not against internal promotion, may iba naman kasing management na nag-iisip na simple lang ang HR at puede kahit sino ilagay doon. this is not true. you have to have strong background in people skills para maging effective ka. baka kasi u are either too tough or a push over when it comes to managing people. tsaka yung maturity para maging effective at efficient ka in handling people.
usapa na...
Peppermint said
kody-- kahit naman sabihing ...kody-- kahit naman sabihing high school graduate lang di un reason un para umasta sya ng ganun bakit may values education din naman subject ang high school! May mga tao lang talagang pinanganak na walang breeding!
pagganyan ang kausap ko 3 to 5 questions lang pinauuwi ko na ayokong magsayang ng oras sa mga applikanteng la kwenta!
Peppermint said
arecel-- cheerer at moral ...arecel-- cheerer at moral support ang tawag sa mga un! hahahaha!
rockduke said
arecel can i ask a favor from you? ...will u please print my cv and check for available position in your company? nyahahahaha lolz dapat mga ganito banat nun..un na encounter mo sir mahina hina pa un hahaha lolz..
MyHotComments
arecel said
pep, lol. it's sad to think ...pep, lol.
it's sad to think lang na sa crisis ngayon, may mga kabayan pa rin nating hinde sineseryoso ang pag-apply. with less job opportunities, ang daming kakumpetensya ni kabayan, hinde lang kapwa kabayans kungdi ibang lahi pa.:-(
usapa na...
arecel said
rockduke, nakuuuu, ...rockduke, nakuuuu, mahambalos kita ng telepono. hahahhaa..
usapa na...
hawker said
hayyyy buti na lang wala ako ...hayyyy buti na lang wala ako sa HR at palagi lang ako sa kusina taga-timpla ng kape :)
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
owen said
arecel.. good on you at cool ...arecel.. good on you at cool ka pa, kasi tinuloy mo pa rin ang pag iinterview sa knya despite her A-Attitude.. kung ako siguro yan, right after na maramdaman ko na di sya seryoso sa pag aapply, binalik ko na CV sa knya at sinabing, "kabayan di tayo maglolokohan lang dito sa kompanya, trabaho po ang ipapasok natin dito"... sabay sabi ng NEXT!.. :)
chevydjak said
Epal talag aun, kun ganun talaga ginawa ni kabayan... ...Saka dapat pag mag-aaplay ka, bigay mo ung best mo, tapos ung itsura mo kahit nun man lang araw na un eh mukha kang executive... da vah!
"BRING IT ON DUDE!!!"
arecel said
hay, the irony of it all is ...hay, the irony of it all is umalis ako sa pinas dahil sukang-suka na ako kaka-interview, kaka-manage at kaka-terminate ng tao. hehehe. tapos dito, ito pa ang ma-eexperience ko, grrrr.... at least sa atin, ang mga aplikante kon todo bihis, handa at propesyonal talaga kahit saleslady lang ang inaaplayan.
usapa na...
chevydjak said
Ako nga naka Amerikana pa... ...kaya madalas di ako matanggap...kasi baka daw sya na ung papalitan kong posisyon at isa akong malaking threat!!!...lolz nyahahahahha ...:D (Head ng mga head ng Tea boy ung interviewer)...kaya matanggap man ako laging tigalinis ng building....
"BRING IT ON DUDE!!!"
dekyo2000 said
basta ako drayber.... ...swit laber!!!
rockduke said
arecel nka encounter ka na ba ng.. ...applicanteng ang banat ay ganito "Sir, i wish to apply your position!" hahaha at e2 pa "and i wish to have the same benefit you have" haha so please train me now hahaha...
MyHotComments
ilovelife21 said
SECRETARY? d sya pdeng ...SECRETARY?
d sya pdeng maging sekretarya arecel..sa ugali nyang yun at disposisyon?tsk..
may mga kabayan ngang ganyan tlga..minsan kailangan sabihan kasi kung hindi e hindi matututo..
MAHIRAP MAG-REFER NG TAONG D COMPETITIVE DAHIL MASISIRA LANG ANG CREDIBILITY MO.
uminom ka ng tubig at humingang malalim..hina-high blood kna!
----
L♥VE LIFE!
well said
mind you madame, interview ...mind you madame, interview palang feeling close na what if ( sure never naman ) employee na siya jan? hahaha
billy1203 said
naku kung sakin ...naku kung sakin pinainterview yun..... paaalisin ko agad yun.... walang modo.... kababaeng tao kung umasta parang lalake.... buti na lang mga nag-aapply d2 samin, magaganda, mabango at decent manamit at tingnan... talagang professional kaso hindi kami nag-vivisa ng babae weh.... hehehehe
Ms. Bea Enriquez.... talagang mahirap kumuha ng trabaho babae d2 lalu na kung visit visa ka lang... karamihan gusto nila husband sponsor... pero time will come, my tatawag din sayo.... sana hindi p expire visa mo nun hehehehe joke lng po.... Yaan m, sama kita sa prayer namin ng tita ko... para baka sakaling my tumawag na sayo... para lahat masaya hehehehe ingats
Peppermint said
arecel-- may opening ba pa? ...arecel-- may opening ba pa? Magkano sweldo gusto ko 5 hrs, 5x a week ang pasok. Kelan ako magsisimula at saan ang table ko?
Pwede ba kong mag-apply ng leave next week? hahahahahaha!
rockduke said
tara peps.. ...work n tayo dun and wl rqst for a 3mos bunos bwahahha...
dont worry arecel libre ka nlng namin ng kain nyahahah lol.zz
MyHotComments
arecel said
susmarya pep at rockduke, ...susmarya pep at rockduke, mauubusan ako ng dugo sa inyo, hahhahahaa...
usapa na...
Peppermint said
rock-- malamang nyan ...rock-- malamang nyan magresign si arecel dahil sa atin! hahahahahaha!
Ano arecel tanggap na ba ko? Come on dont be shy... lol! (feeling closed) Sya nga pala ano oras ang breaktime dyan sa opis nyo? Pwede ko bang iadvance na ung sahod for July?
fan_ni_sarap said
ay kung ako sayo arecel. ...ay kung ako sayo arecel. diretso sa ilalim ng table ko ang files nyan. Mapapahiya ka lng sigurado pag pina interview mo pa sa ibang tao yan. Bababa na namn tingin sa atin ng ibang lahi.
chinitasai08 said
buti ka pa nga ...buti ka pa nga ms. arecel nkapagpigil ka...
if sa akin cguro mangyari yun...
pasimplehan ko syang pagsabihan...
di ako nkakatiis sa mga taon gnyan...
magaling ang mga pinoy kya sna ipakta nya yun :)
MyHotComments
tatess said
ako arecel ...pwede bang mag apply.Pero dapat kasama ko sa work ang baby ko at walang mag aalaga o kaya ay may daycare kayo sa loob ng building.
kyuting13 said
Oo nga Arecel ...May opening ba dyan? Bakante na ako ng 230 hahaha :)
Promise magtratrabaho ako ng ayos, pero hindi para sa kabit ko hahaha... Saka di rin ako mag unofficial use of bond papers. At higit sa lahat pag may tanong ka, sasagutin kita in paragraphs at hindi telegraph :D
Peppermint said
tatess-- di ka naman ...tatess-- di ka naman masyadong demanding nyan? hahahahahaha! Paano nga kaya if may ganyang applicant no? O kaya biglang sabihin syo (if matanggap sya) na if busy sya at di wala ka naman gaano gawa kaw muna ang mag-alaga sa baby nya! hahahahahahaha! Kakaloka!
rockduke said
nyahahaha... ...pep mg rqst na ako ng computer ngaun..
arecel- pls arrange a 13.1 inch wide dell xps laptop for me and ashtray coz i smoke alot nyahahha lolz..call the teaboy also pls hahahahha lolz..
MyHotComments
ilovelife21 said
ako naman ang demand ko e ...ako naman ang demand ko e mataas na sahod..yung pang-gobyerno!hehe! =)tapos todo petiks din..hihi!
pabahay para sa amin ng asawa ko..
tska kotse..ayoko ng second hand ha?
wahahhahah!
----
L♥VE LIFE!
arecel said
hoi pep, sa US meron ...hoi pep, sa US meron talagang ganyang day care facilities esp if malaking companies. dba bongga.:-)
naku tantanan nyo ako at high blood na naman ako. may ibang lahing tumawag, gustong mag-fax sa amin. tinanong ko kung ano ang ifa-fax nya, sinagot ba ako na baket ko ba daw gustong malaman kung ano iyon? huhuhu.... wahhhhhh..gusto ko nang magbakasyon.......
usapa na...
lei05 said
hehehe ang aaangas naman ng ...hehehe ang aaangas naman ng mga naeencounter mo arecel...
hawker said
oo nga may bakante ba dyan ...oo nga may bakante ba dyan arecel, pwedeng mag-aply kami ni chevy as head ng mga tea-boy
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
kyuting13 said
hahaha Arecel ...buti nga yan nagsabi na magfafax... yung receptionist namin dito, inaway ako one time. Bakit daw ako pumapasok sa office nya (haller reception desk ito) at nasa outbox tray ng fax ang kinuha kong papel, na naka-attention sa akin. Sabi ko nakapangalan sa akin di mo man lang sinabi sa akin. Dapat daw lahat ng fax dumaan sa boss namin, sabi ko kelan nya pa sinabi yun. And in the first place sa akin nakapangalan ang fax. Ayaw tumigil, gusto pa ata makipagtalo, tinalikuran ko na kasi mahirap makipagusap sa abnormal hahaha...
sorry sa OT... on topic ulit, pwede ko bang iapply itong receptionist namin sa inyo? hahaha :D
arecel said
oo nga, im really wondering ...oo nga, im really wondering kung baket itong mga to ang nakasalamuha ko ngayon. hayyy, when it rains, it pours...
breathe in, breathe out...repeat...
usapa na...
tatess said
kahit dito ...me company na may daycare at libre yon para sa mga staff.
LAMBORJEEPNEY said
halos araw araw mula pumasok ang 2009 ...nakaka rcv ako ng CV, walk in applicant (karamihan kabayan on visit visa) di ko sila ininterview on the spot kasi kelangan ko pa pag-aralan mga CV nila. Napupuna ko lang sa mga CV ito : Position Applied for: "any available job that suits my qualification". Di ko na ito binabasa, sa sheredder machine ang punta nito. Dapat kasi pag mag submit ng CV may cover leeter at naka detail kung ano posisyon at kakayahan mo sa posisyun na
yun para mag ka intres ang future employer.
suggestion ko lang:-)
"katas ng qatar"
pisache said
atsaka sana din sinabi mo na ...atsaka sana din sinabi mo na pwede ka ng mag simula...... mag simulang humanap ng ibang kumpanyang aaplyan mo. pero di nga maganda ba pasahod dyan wahahaha? what time? days? salary? mababit ba boss? hala interesado? di nga arecel?
Like ko din yung idea ni tatess na sa building na pinag tatrabahuhan ko may daycare. ganda nun swak sa mga mommy. oo meron ako napanood dati nun sa america at china, sa atin sa pinas meron na rin . Minsan ng gusto ko kausapin yung caretaker dito sa building na kung pwede sya na mahiram kwarto nya from 8-5. huh napunta sa daycare? problema ko kasi ngayon yan e. hmmmmmnn.
PAPAKABOG!!!
Peppermint said
ako nga minsan nakareceived ...ako nga minsan nakareceived ng call hinahanap boss ko so tinanong ko sya if regarding saan & maybe i can help her kasi nasa meeting boss ko at di pwedeng maistobo.
Aba ang bruha sagutin ba naman ako ng anong pakielam ko if anong sasabihin nya sa boss ko! If di ba naman adik! kaya ang ginawa ko since atat syang kausapin boss ko tinanong ko sya if willing syang maghintay sa line at ichechek ko if pwede ko syang itransfer. Oo daw!
Ayun inihang ko ung phone at maghintay sya for life ewan ko na lang if di sya nangawit sa celphone nya! hahahahahahaha!
Un ang mga nararapat gawin sa mga taong EPAL!!!
pisache said
LOL pepper! ikaw pala yun ...LOL pepper! ikaw pala yun ha. hmmmmmp! (ako pala yun? )magmaldita ba ang pepper?
PAPAKABOG!!!
rockduke said
pag ako nakaharap ng mga un.. ...isa lng sasabihin ko sa knila ganito lang ka simple..
kabayan sensya iwan nyo nlng po cv nyo kc ayaw ko po mkakita ng pangit ngaun bwahahaa walang personalan po ah hahahha gnun lng mga banat lolz..hahaha
MyHotComments
bea_enriquez said
boss billy1203....salamat po ...boss billy1203....salamat po ng marami..sana po magdilang angel kayo...:)at sana nga po d pa expire visa ko nun....haaaaay..the sacrifice we have to make talaga for a better life of love ones....sensya na po.ng hihijack ng thread..:)
Taurus1234 said
KABAYAN APPLICANT ...Ms. Arecel, ako nasa HR din but i never had an experience na katulad sayu.
Kung minsan, ang attitude ng mga applicants (esp. nang mga kabayan natin.. eh depende sa opisinang pinupuntahan nila. Kumbaga, nasa ambiance ng opisina or presentability ng companyang inaaplayan nila. Baka naman kasi mukha kang very accommodating ka. esp. sa mga kabayan natin.
Dapat, project mo na walang pili-pilipino dito basta applicant ka, pare-pareho ang treatment ninyo.
Learn to listen and observe body language of your applicants.
Pag medyo alam mo pasaway, basahin mo CV niya for 1 minute at pagtapos sabihan mo na u dont have vacancy for his/her skills.
Peppermint said
pisache-- kaw ba un? naku ...pisache-- kaw ba un? naku ang totoo nyan binalikan ko naman ung line after 20mins ng matapos un meeting nung boss ko kaso wala na sya sa line!
e pansensya sya di sya nakapaghintay di ba nya alam na "Patience is a virtue" at "KUNG WALANG TIYAGA WALANG SINIGANG"! hahahahahahaha!
chevydjak said
Ah... ...Ke pangit o maganda, kung di naman ikaw ang HR manager... wala ka parin karapatang itapon ang papel nung nag-aaplay... sama naman ng ugali mo...hayaan mo ung magha-hire nag magreject sa kanya. kawawa naman ung nagpasa.
pramis nag-init dugo ko dun... Saka logic sana...walk in nga, di nila alam open posisyon, kaya nga nakasulat ung qualification...
SAKA ANG KUMPETISYON SA QATAR AT PINAS WAG NYONG IPAGKUMPARA...DITO KAHIT PINAKABOBONG IBANG LAHI MAS ANGAT SA PINAKAMATALINONG PILIPINO...konting konsiderasyon naman.
Ung mga taong pinag-abutan lang ng papel kala mo sila na ang magha-hire tapos ung papel dahil di nila trip eh ibabasura... tsk tsk tsk... why don't give them a chance...
Ung mga ibang lahi bang CV maganda? me nakita ka na bang kaa-aya aya? ako wala pa...as in wala pa... bakit di mo rin i-try durugin yung papel? takot ka sa amo mo no? pag ibang lahi...pilipino lang ang kinakaya-kaya nyo...MGA KALAHI NYO LANG NAMAN.
Pasensya na...sa isang taon ko s QL ngaun lang nag-init dugo ko...
"BRING IT ON DUDE!!!"
ilovelife21 said
ARECEL ...pde ako magsideline jan?wahaha! pero sikreto lang natin..kasi bka ma-evict ako dito..wahaha!
----
L♥VE LIFE!
tatess said
chevy ...yang mata mo naniningkit with matching haba ng nguso.tuloy napangit ka na.
arecel said
taurus believe me, in my 10 ...taurus believe me, in my 10 years of being an HR practitioner, kahit sosyal ang office mo or kaya istrikto ang dating mo, meron talagang mga pasaway na para bang hindi tinuruan ng kung paano mag-apply. at kung iisipin mo, common sense na lang na you have to project professionalism kahit na hindi maganda ang office or kahit na hindi istrikto or mukhang propesyonal ang interviewer. hwag nyong kalimutan na you are there to apply, to impress and not the other way around...
ako naman pag ganyang mga tao ang kaharap ko, i always make it a point to appear cool kahit ba may pag ka-bastos (unless bastos na talaga at kailagan nang tarayan). baket kamo? kasi: una, nag-aapply sila, hindi empleyado so wala akong karapatang icorrect sila. i have experienced being an applicant myself at ang ayoko is yung interviewer nambabastos sa aplikante at nakikipag debate pa, halerrr. aplikante palang, hindi empleyado. second, i am a representative of my company. do you think magugustuhan ng company ko kung mambabastos ako sa kliyente kahit pa aplikante lang ito? hinde, diba?
usapa na...
hawker said
/-a-t-/chevy gusto mo kape .../-a-t-/chevy gusto mo kape nyahahahaha :)
eto obserbasyon ko lang sa labing-isang araw na tinagal ko dito sa doha, halos lahat ng aplekante na kabayan natin;
- kapag kapwa kabayan ang kanilang kaharap, ay umaasa tutulungan mo na sila (kahit di sila nararapat sa posisyon ina-aplyan).
- ito ay applicable din kahit saan, basta may kabayan sila palaging nasa likuran ng kanilang isipan na tutulungan mo sila o matutulingan mo sila (halimbawa kung may pagsusulit, ay bibigyan mo sila ng tip)
- umaasa din silang magiging maluwag ka sa kanila.
- at kapag sila ay hindi nakapasa ay ikaw na ang may kasalanan, at nasa likuran din ng kanilang isipan na hindi ka maka-pilipino.
eto ay obserbasyon ko lang naman.
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
Peppermint said
chevy-- galit ka???!!! OO ...chevy-- galit ka???!!! OO nga galit ka nga, nakikita ko dito sa kinauupuan ko ang naniningkit mong mga mata!
Makaalis nga muna dito baka mabato pa ko ng stapler... hahahahaha!