Recent comments
- FS if they stop wat we will
1 min 3 sec ago - ganyan ba ang ...
1 min 19 sec ago - Grrr.....When will these
2 min 19 sec ago - coffee
3 min 6 sec ago - pero sana kung ano meron
5 min 32 sec ago - Your choices on a Friday
5 min 35 sec ago - mashra
khanan kho khanan dey
6 min 39 sec ago - kahit saan merong maangas,
8 min 59 sec ago - Hahahah Deedee
10 min 6 sec ago - egyptus, you're being racist
11 min 2 sec ago
Restaurant Cuisines
- Arab (9),
- American (12),
- British (1),
- Cafe (8),
- Chinese (10),
- Doughnuts (2),
- Fast Food (4),
- Filipino (8),
- French (1),
- Indian (48),
- Iranian (3),
- Italian (9),
- Juices and Smoothies (1),
- Lebanese (9),
- Malaysian (1),
- Mediterranean (4),
- Mexican (2),
- Moroccan (1),
- Other (16),
- Pakistani (7),
- Pizza (5),
- Portuguese (1),
- Sandwiches (1),
- Seafood (5),
- Spanish (1),
- Steakhouse (4),
- Sushi (3),
- Thai (5),
- Turkish (2),
- Vegetarian (3),
- Qatari (3),
- All Restaurants
Latest news from Qatar
Kabayan Applicant 2

Pagkabasa ko nung post ni kabayang Arecel, naalala ko rin yung nag-apply sa amin last month.
Ang akin lamang layunin ay sana kapulutan ito ng aral ng mga kabayan natin nag-a-apply.
Unang pagkakamali ng ating kabayan na nag-aaply sa amin ay late syang dumating. Alas kuatro ang schedule nya, 5:15pm na sya dumating. Ang siste, tinawagan nya ang amo ko mga 4:30pm na at pinagtanungan pa ng direction. Ipinasa naman sa secretary namin yung mobile, nasa discussion kasi kami noon. Tapos sabi nya na pabiro, this is a Filipino, they always get lost".
Ang ating kabayan ay nag-aaply bilang Contract Administrator para sa project namin sa Saudi. Isa syang lawyer, board passer pa naman. Pero di ko nakitaan ng professinalism.
Pangalawa, dumating wala man lang dalang kopya ng CV nya. Nagtanong pa sa secretary namin kung may access sya ng internet, ipinada-download at ipinapa-print ba naman sa secretary, nahanginan tuloy secretary namin.
Pinaghintay sya saglit habang tinatapos namin ang aming pagpupulong. Imbis na medyo alamin man lang ang tungkol sa company namin ay hulaan ninyo kung anong tinanong sa secretary namin??? Talagang ma-hi-high ka....Tinatanong nya kung marami raw ba pinay sa company namin. At kung mayroon din daw pinay sa head office namin sa Saudi.
Nang matapos ang aming pulong, ipinasa sa amin ng amo yung CV ni kabayan. Ibrowse daw namin in 5 minutes at kami ng kasama kung South African at mang-i-interview.
Noong nasa interview na, nahusay din naman na i-introduce ang sarili nya. Pero noong ipina-elaborate namin ang kanyang mga naging trabaho, simplang sya, halos wlang tumama sa nakasulat sa CV nya. Wala man lang syang naipaliwanag kung paano ang proseso ng kanyang binabanggit na job responsibility sa kanya CV.
Halatang trying hard, dahil ang pag-e-explain nya ay malayo sa topic. Nakalimutan nya na linya rin namin ang trabahong pinag-uusapan. Kahit anong pambobola nya hindi nya mapapaikot ang ulo namin. Para sa akin obvious na hindi sya ang sumulat ng CV nya.
Sa kalagitnaan ng interview, nagring telepono nya. Sinagot ba naman na walang sabi-sabi. Iniwan kami sa ere, nagtitinginan kaming tatlo habang may kausap si kabayan sa telepono. Sa pontong yun, ako na ang nahihiya para sa kanya. Sana wala na lang ako sa kuwarto na yun.
Sa pagpapatuloy ng interview, hindi na nakatiis ang amo namin na nakikinig, tinanong nya si kabayan kung anong inaaplyan nya. Hindi rin masabi ng diretso, eh sa CV Contract Administrator ang inaapplayan nya. Tinanong din sya kung may iba kaming position anong gusto nyang applyan, wala pa rin, kahit ano daw.
Bilang panghuli, at courtesy na rin sa applicante, reni-confirm yung mga contact number nya, para matawagan kung sakali. Tinanong ng amo namin kung alam ng misis nya ang number nya dito sa Qatar, alam daw naman.
Pagka-alis ni kabayan, tinanong ako ng amo namin kung iha-hire ko sya. Sabi ko hindi. At ang nakakahiya pa nito, bago umalis yung amo namin ipinasa nya sa akin yung notes nya sa CV ni kabayan. May nakalagay ba naman doon na, "He is a liar, I called the wife this morning and she doesn't know his number, she haven't spoken to him for more than a year, she didn't even know he is in Qatar".
Hindi naman sa panlalait, pero ito na ang pinaka-worse na applicanteng nakita ko. Unfortunately, kabayan pa naman.
QT Qs and Forums
QT Classifieds Page
Guide to Qatar
- Sample Budget and Cost of Living
- Qatar Schools Database
- Residents Guide to Qatar
- Siteseeing in Qatar
- Traffic Rules
- Attending a Qatari Wedding
- Gift ideas from Qatar
- Buying a used car in Qatar
- Renting in Qatar
- What to consider when renting in Qatar
- Preparing for Winter in Qatar
- Registering a birth in Qatar
- Blackberry phones in Qatar
- Old Qatar
- What's Happening in Qatar
- Online Shopping in Qatar
- What does Doha look like?










Comments
kyuting13 said
grabe naman yun... ...Isa sa pinaka di ko ma-take yung applicant na nakikiprint sa company ng CV niya. Haller? Employed ka na ba para gamitin ang company resources?
At bilib din ako sa boss mo, mukhang matinik siya pagdating sa mga application. Biruin mo tinawagan yung misis? Grabeng background check yun :)
Buti pala inentertain nyo pa siya, 1 hour late na nga, pasaway pa. Siguro kung ako ang magiinterview di na siya papasukin ng guard sa office.
mjamille28 said
the nerve naman... ako pag ...the nerve naman... ako pag nag-aapply pa lang ng trabaho kahit sa atin sa Pinas, ayaw na ayaw ko ng nalelate ako.. ok lang sa akin kahit ako yung maghintay ng matagal wag lang yung interviewer ang paghintayin ko..

johnpur said
well mali ang ating kabayan ...well mali ang ating kabayan doon but for me, why did your boss ask him if his wife knew his number here, what does his application got to do with his personal life...if there are references written in his CV then those are the persons that he should had contacted to and not the wife.
pisache said
As in ha! talagang masusing ...As in ha! talagang masusing background checking yun? Meron pala talagang ganun? kasi kala ko ang background checking yung sa dati mong work.
Nakakawindang yung nag pa print sa company na inaapplayan mo ha. Or baka naman nasanay din sya kasi yung ibang company naman din ready na kapag may applicant sila na nag pi print kung baga ready din sila before dumating yung applicant nabasa nanila yung CV and all. Pero sa side mo dapat ka pa din magdala if ever na hingin. hmmmmmnnn. PAPAKABOG!!!
Peppermint said
Nakakapag-init ng ulo ...Nakakapag-init ng ulo yan!
Naalala ko ung nagApply dito na super paPrint pa ng CV nya but buti na lang di ko un kalahi!
Ggggggggrrrrrr....
Mitzzyy Mitz said
kaiba nmn un....naloka nmn ...kaiba nmn un....naloka nmn ako dun...hayzzzzz....=(
Mitzzyy Mitz 2009
arecel said
johnpur, meron talagang ...johnpur, meron talagang companies na grabe kung mag-background checking. tsaka depende yun sa position na inaaplayan mo. kung maraming confidentialities ang iha-handle ng isang nasa posisyon, expect na lang na lahat ng pagkatao mo kakalkalin ng companya. yung sa kabayan natin, contract administrator yun. kaya cguro nila tini-test kung maaasahan at honest. unfortunately, hindi na nga nakapasa sa interview, mas lalo pang hindi nakapasa sa character check. hayzzz...
usapa na...
hawker said
hala mukhang dumadami ang ...hala mukhang dumadami ang lahi ng mga bopols na aplikante ah =D
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
arecel said
oo nga pala, nabasa ko sa ...oo nga pala, nabasa ko sa news na may mga companies na nagse-search sa profile ng isang kandidato sa mga social networking sites katulad ng facebook, friendster at myspace. kaya yung mga photos na medyo risque like nung mga lasing kayo, yung naka-2 piece ka or naka-nude talaga ay huwag daw i-post na. baka yun pa ang rason sa hindi pag-hire ng aplikante. especially if yung posisyon na inaaplayan mo involves trust and integrity like teaching.
usapa na...
tatess said
ganun arecel ...pati sa FB at FS. Sabagay ,daming mga girls na ke lalantud sa mga posing nila ,mga naka tihaya,bukangkang,nakatuwad at labas ang cleavage at mga seductive ang damit.At kung sino pa ang mga gurang sila pa ang nag popose ng ganun,ang halay tuloy tingnan.
Meron pala talagang pati pamilya ay tinatawagan.
MSG said
Jhu, bilib ako doon sa ...Jhu, bilib ako doon sa ginawa niyo sa aplicant, what if you hire that kind of man pati matinong empleyado madadamay sa pasaway. Nakapulot ako nang magandang idea tawagan ang esposa/ eh paano kung galit na biyanan ang makasagot Hala lagot.........
hawker said
anong mga fs account yan ng ...anong mga fs account yan ng masilip hehehehe
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
lei05 said
dyahe naman ung kabayan ...dyahe naman ung kabayan natin...kapal muks naman magpalate daw ba..sa pinas pag mag aapply ako laging maaga at sinisiguro kong may hawak akong cv at ako ang gumawa...buti na lang clever ung boss mo at at nag-investigate talaga..
Peppermint said
hawker-- di ko akalain na ...hawker-- di ko akalain na mahilig ka sa mga gurang at gusto mo pang tignan ang FS na sinasabi ni tatesky! hahahahahahahahha!
arecel said
mommy tatess, lol.. buti na ...mommy tatess, lol.. buti na lang hindi ko na-post yung tumambling ako, hahhaha...
actually naranasan ko na yung bina-background check ako. grabe, biruin nyo pati barangay hall namin pinuntahan talaga tsaka nagtanong kung kilala nila ang pamilya namin. ayun, grabeng marketing ang ginawa ng brgy secretary dahil kilalang-kilala nya kami, hehhehe... nang natapos, diretso kaagad ang secretary sa munisipyo kasi nandun ang papa ko nag-work at yun nagkwento, hahahhaa..
usapa na...
hawker said
lols /-a-t-/pepper yan ang ...lols /-a-t-/pepper yan ang kahinaan ko yung mga may wrinkles bwahahahahaha (reypist mode)
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
pisache said
LOL tatess bukangkang! kaya ...LOL tatess bukangkang!
kaya dapat lahat ng ilalagay sa CV pawang katotohanan lang. pero sa sweldo bakit kasi tinatanong pa kung magkano sweldo mo dati. Is it para taasan ka opantayan lang. kainis! dapat kasi kung magkano kaya mo ibigay sa posiyon na yan sabihin na at wag ng magtanong ng dating sweldo mo.
PAPAKABOG!!!
extreme123 said
ayy ano ba yan nalaman tuloy ...ayy ano ba yan nalaman tuloy lovelife nya... kasama pala yon sa pag aply nya ng work?
Peppermint said
hawker-- bigatin pala mga ...hawker-- bigatin pala mga TRIP mo! alam ba yan ni ohbee wan na bumababa na ang standards mo ngayon? hahahahahaha! PIS!
johnpur said
well for me, them asking me ...well for me, them asking me if my wife knew my number here or ckecking my background like the bank does when applying a loan na bubungkalin lahatlahat is not relevant to my application for a job. I wouldn't allow such company to check me like they're the only company that is recruiting.If the position that I am applying to involves trust and integrity then they should still check on my previous employment and on how I handle the questions during the interview; and not by calling my wife for reference coz frankly speaking, most wives doesn't even know the real income of their husbands.
chevydjak said
Ganda ng CV... di pala alam... kadiri si kabayan... ...Tama ung binanggit ni hawker sa kabilang thread e... masyado taung kampante pag pinoy...
pero ako takot ako sa PINAY lolz....nyahahahahah...kasi pihado babaratin ako nito....
"BRING IT ON DUDE!!!"
mjamille28 said
ang background checking ...ang background checking naman is prerogative ng company na inaaplayan,.. nasa kanila kung alin ang gusto nila i-check yun eh sa akin lang..

arecel said
johnpur, sadly, when you put ...johnpur, sadly, when you put forth your application, you put your life open to them. they will do what they see fit as per their policy. anyways, as an applicant you have the right to back out.
btw, the person who worked for a company and the person who goes home to his family is one and the same. this is also the same person who meet with friends and have a good time. different facets of the same person. hence the need for comprehensive candidate profiling. but as i said, it depends on the position and the industry you are dealing with.
usapa na...
chevydjak said
nde naman lahat ng company gumagawa nun... ...saka tama sila... minsan depende sa posisyon...
Ang dapat kasi pag nag-aaplay prepared...physical ang mentally...
Ako nde ako nagdadala ng CV, kasi i know from my CV nila nakuha ung numero ko for sure meron sila... pero meron ako laging reserba sa kotse... saka never pa naman dito sa Qatar na nag-aplay ako na hiningan ako ng CV...kasi online lagi ako nag-aaplay.
Depende na lang kung walk in applicant ka, dapat talaga may dala kang CV... alangan isulat mo sa stickpad numero mo tapos sabihin mo tawagan ka pag me open position...nyahahahah
"BRING IT ON DUDE!!!"
johnpur said
yes mj you are correct, nasa ...yes mj you are correct, nasa kanila kung alin ang gusto nila echeck sa applicante and for me, nasa akin din kung anong information lang ang dapat kong ibigay sa kanila with respect to my application, if there investigation is violating my right to privacy then It is also my prerogative not to disclose personnal information. I would instead tell the interviewer that his calling my wife is erelevant to my application and would prefer not to continue with the process of application
johnpur said
chevy,-number one rule, ...chevy,
-number one rule, always bring a spare CV with you when you walk to an interview coz sometimes your name is on the list but unfortunately they can misplace your CV and the interviewer will have a hard time asking you questions regarding your experience that could result to a unprecised information
-always look at the interviewer in the eyes when answering a question to show your certainity towards your answer
- less talk, less mistakes
MSG said
It depends upon the ...It depends upon the situation ang background checking. kapag financial or integrity nang company ang hahawakan mo natural they want to know something about you or where you belong, baka mamaya pakawala ka nang terrorista whaaaaaaaahhh. marami mawawalan nang trabaho
johnpur said
back to the topic at hand, ...back to the topic at hand, sad to say nakakahiya minsan isipin na wala nga sa hulog ang ibang kababayan natin.
akala nila nasa probinsya pa sila
My lola always tells me not to go out wearing slippers only. tignan nyo ang mga itik, kahit masangsang ang amoy pero nakapiligis ang pantalon at polo. tayo mababango nga eh yung iba naman lagi nalang naka tsinelas, kahit sa simbahan naka tsinelas parin na parang nasa bahay lang....
chevydjak said
deleted.... ...di rin maganda sa mata.... baka tularan ng iba
"BRING IT ON DUDE!!!"
ron_ona said
Pinoy applicants... ...I've a lot of "amazing stories" about Pinoy applicants, but those are peanuts. What is even more amazing is what they do when they get hired & starts to work for you!
"The truth hurts. But the truth cares"
johnpur said
well, ilang beses na ako ...well, ilang beses na ako pumunta sa interview na hindi makita nung nag e interview ang CV ko, that's where I learned that I should always bring an extra one. nung una na e interviewhin ako na wala ang CV ko at wala din ako dala, di malaman ng tao kung ano ang itatanung nya sa akin kaya he ask me nalang to tell him about my experince which is more delicate coz you might say something na ayaw nya malaman. anyway, it's my suggestion only, if you believe that you don't need to bring an extra one then it's up to you
online din ako nag apply at inernterview when I wen't to dubai pero pag dating ko dun, tinanung uli ako kung may extra akong CV dahil sa site office ako dinala at hinanapan ako ng CV kasi wala silang kopya
spike124 said
Sampung puntos nabawas sa ...Sampung puntos nabawas sa pogi points ng mga Pinoy..
Deym!!!!
"Oh well..."
ron_ona said
chevy... ...Wala din akong alam sa rule rule na yan. I don't usually apply for jobs, I just get invited (to work for them)! Hahahaha!
"The truth hurts. But the truth cares"
hawker said
ako nga dahil sa sarap kong ...ako nga dahil sa sarap kong magtimpla ng kape at galing magmaneho, daming kumpnayang gustong pumirata sa akin nyahahahaha.
pwede bang mag-pasa ako ng cv sa inyong lahat =D
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
chevydjak said
Ay ewan... ...Walang sistema ung company na un... at nde alam na iinterviewhin ka kasi wala sa kamay nila CV mo... lolz nyahahah...ako pag ganun...rejected sa kin yan! lolz
Nilalagyan mo kasi ng gayuma ung mga kape mo hawker... nyahaha...saka kaya ka pinipirata kasi letter ng Emir ang dala mo, kaya di ka hinihingian ng CV....nyahhahahahahhahaah
BACK TO TOPIC:
"BRING IT ON DUDE!!!"
MSG said
hawker pwede ba hanapan nang ...hawker
pwede ba hanapan nang detailed CV ang nag aaply na teaboy tapos trade test niya eh magtimpla nang pinaka masarap na kape/tea.
Jaryz said
WOW ...grabeh... ...kung ako nasa sapatos mo, tama ba sa tagalog..hihihihi..
GRABEH, AKO MISMO ANG MANLILIIT sa mga kasama ko...
THE NERVE OF THAT MAN HUH... AT NAKIPRINT PA...eeeewww...
and in between interview sinagut ang calls nya....dobol eeeewwwww...SURE KA PINOY YUN O TAGA IBANG PLANETA...
e tyo pa man din mga pinoy ay napaka sensitive sa mga ganyang INTERVIEW session....halos pinapraktice pa nga pag nasa house kung sa tingin anu mga ia ask na questions..
TAPUS SINIRA NI ISANG KABAYAN NGA BA O ISANG ALIEN NA NAGPAPANGGAP NA PINOY...
johnpur said
kaya nga hindi lahat ng ...kaya nga hindi lahat ng company ay may systema, maraming company na walang systema na maganda pero malaki magpa sahod
ang sa akin lang, buti na yung handa ka sa lahat ng bagay kesa mag mukha kang tanga kapag hinanapan ka ng simple things na hindi mo pa ma e produce.
applying for a job is like going to a battle field, dapat naka full battle gear ka.
pati saging nga may dala ako minsan kasi minsan bigla ka nalang magutom at mandilim ang paningin mo, baka di ka na maka sagot sa tanong.
pisache said
Nasa Hr staff na siguro yun. ...Nasa Hr staff na siguro yun. kasi dapat sila mismo naghahanda or nag pi print ng Cv ng applicant kapag may interview at yung HR staff na ang mag bibigay sa mag iinterview (part ng trabaho nila yun) on the other hand kung di ganun ang nasa loob ng HR e pasensya. talagang hihingan ka. pero on your part kailangan ready ka din. Na experience ko dito sa Qatar di na sila nanghihingi ng CV. Automatic ready na nasa kamay na ng interviewer. Sa pinas lang laging kailangan may dala ka lahat pati diploma, birth certificate, at ano pang ka chuvahan. ng first time ko ngang mag apply dito naka attach lahat ng copy ng credential at may birth cert pa ha (nasanay sa Pinas) pero binalik sa akin nga nag iinterview sabi nya no need.
PAPAKABOG!!!
kyuting13 said
di ba nga ...pag applicant ka tapos nanghihiram ng ballpen nakaka-asar na, yun pa kayang makiprint ng buong CV with matching internet access pa. sana man lang may dalang flash disk, para derecho print na lang.
I agree with johnpur, dapat complete ka talaga. Ako pag may interview pati portfolio dala, copy ng transcript at pati mga certificates. Para mo kasi binibenta ang sarili mo (i meant it in a positive way :D) kapag nasa interview ka. So paano ka matatanggap kung first impression palang palpak na.
jhujaejyt ipakilala mo kaya itong applicant na to dun sa nag-apply kina arecel hehehe... baka maging pangatlong kabit na :D
chevydjak said
deleted din...di magandang halimbawa... ..."BRING IT ON DUDE!!!"
mjamille28 said
wahahaha ang arte nya chevs ...wahahaha ang arte nya chevs ha..

johnpur said
exactly, you have to show ...exactly, you have to show them that you deserve the job and you have to convince them that you are better than the others by being punctual during the interview
chevydjak said
sabagay... kanya kanyang diskarte... :D ...kasi pag applicant ka... dapat inoobserve mo din ang inaaplayan mo...dahil kung sa simula pa lang wala ng sistema anu pa kaya sa iba...
Kaya ang daming nagsisisi pag napasok na sa kumpanyang walang sistema eh... puro reklamo... kesyo ganito boss ko, kesyo ganito... kasi tanggap tayo ng tanggap... dapat vice versa :D
yan ang sakit ko ballpen, madalas wala akong dala.... nyahahha
P.S.
mas malaki ba sweldo ng tigalinis jan kesa dito? baka pde ako mag-apply, pramis magdadala ko CV....lolz nyahahahahah
"BRING IT ON DUDE!!!"
chevydjak said
ok ganito... ...sa punctuality sumasablay din ako jan...pero nag-aadvise ako...while driving pag alam kong di ako makakarating on time kasi naliligaw ako tinatawagan ko ung secretary na tumawag sa kin.
Cguro naman valid reason mahuli ng konti... case to case basis again...at depende sa explanasyon mo... ngaun kung ung nag-iinterview sau o yung mga secretary/assistant sa gilid gilid ang tingin sau ay arogante at nakakabwisit dahil bukas naka-post ka na sa QL (lolz nyahahahah)... aba! kahit aplikante ka, mag-isip ka... paano pag natanggap ka na, ganyan ba ang gusto mong mga kasama at amo?
"BRING IT ON DUDE!!!"
johnpur said
it's one of the rules chevy, ...it's one of the rules chevy, know the profile of the company first before going to an interview coz some employers likes applicants that have knowledge about their trade & industry.
alangan naman kapag inenterview ka at di nila hawak ang cv mo ay aayaw ka na agad dahil sa tingin mo sa simula palang wala ng systema.
going back to kyuting's comment, you're the one selling your services to them kaya make them wan't you.
hawker said
/-a-t-/msg, yun nga .../-a-t-/msg, yun nga hinahanapan pa rin ng cv ang taga-timpla ng kape.
oiiistt chevy, sikreto ko yung gayuma eh nyahahahahaha :)
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
MSG said
naku kailangan pala ilagay ...naku kailangan pala ilagay mo 25 years experience sa pagtitimpla nang kape sigurado wala nang lifestyle check sayo with matching letter of recomendation from emir nyahhhhhhhhhh
chevydjak said
deleted di maganda sa mata...lolz ..."BRING IT ON DUDE!!!"
johnpur said
hindi lang naman sa pag ...hindi lang naman sa pag dating ontime dapat punctual ka,on or during the interview dapat may alacrity ka rin.
I hope that sana marami pang kababayan natin ang matuto ng tamang asal sa pag aapply.
arecel said
hay, speaking of ...hay, speaking of punctuality, eto karanasan ko sa pinas... nag-apply ako sa isang pharmaceutical company. syempre punctual si lola para naman ma-impress si kumpanya. yun, pinag-antay ako ng close to 1.5 hours dahil nag-memeeting pa pala sila. okay lang sa isip ko. noong pinabalik ako for the final interview, pinaghintay na naman ako ng isang oras dahil wala pa ang mag-iinterview sa akin. letche flan na ito, na hi blood ako. tapos na-observe ko pa na ang gulo ng office nila, parang ang daming boss tapos ni dress code yata parang wala dahil may isang empleyado na parang kagagaling lang ng disco, glittering sleeveless na blouse ang suot. ayun, nung tinawagan ako dahil hired daw ako, ni-reject ko nga. tinanggap ko nalang ang isang offer na mababa ang sueldo kaysa sa offer nila. okay lang sana kung nasa sales ako or sa marketing or yung department na walang pakialam sa mga ibang empleyado. eh ang trabaho ko nasa HRD, imaginin mo kung anong problema ang haharapin ko having this management and these employees.
kaya kayong mag-hahire den, naman, be punctual and organize also!
usapa na...
johnpur said
I red it before years ago ...I red it before years ago when I was to undergo an interview and I wanted the job very badly so nag browse ako kung paano ang dapat gawin during the interview and since then I have been practicing that method.
chevydjak said
hay naku ka rin... tigalinis lang ako ngaun... ...na-demote kasi masyado akong magaling... nyahahahha
I am sure mas maganda work mo sa kin...kasi kung mas mataas pa posisyon ko as tigalinis...ay ewan ko na.
sya sya sya...nainis na kita Ms este Mr John Pur... saka magkaiba man tau o ng iba ng methods... ang importante pare-pareho taung may work ngaun :D
"BRING IT ON DUDE!!!"
johnpur said
oo nga, sa mga companya dyan ...oo nga, sa mga companya dyan o applicants, kung gusto nyo malaman kung ano nangyari sa interview o nag interview sa inyo, punta kayo dito sa QL...lol
arecel said
o awat na. balik na tayong ...o awat na. balik na tayong lahat sa topic on hand. hwag nang magpersonalan pls..
usapa na...
johnpur said
kumain ka na ba chevy, gusto ...kumain ka na ba chevy, gusto ko na lumayas dito sa opisina, tanghali palang pero parang gabi na sa tingin ko.....gutom kaya ito?
pisache said
Chevy mukang ikaw na talaga ...Chevy mukang ikaw na talaga iboboto ko sa HB ha. Lalo kang maniningkit nya sige ka.
PAPAKABOG!!!
chevydjak said
di pa johnpur... walang break dito e... ...pagod na nga ako kung paano kita iinisin...
Nde gutom yan, inis sa akin... peace na...
At arecel...di ako namemersonal.. nang-aasar pwede pa...nyahahha
"BRING IT ON DUDE!!!"
arecel said
good to hear that ...good to hear that chevs.
usapa na...
chevydjak said
kaya nga ako ganito ngaun... ...i-track nyo ako...ngaun days lang ako HB kasi malapit na botohan... kutsi ang primyo dudang, kutsi!
Sorry sa HIjack....partee on (pahiram bespren!)
"BRING IT ON DUDE!!!"
johnpur said
hindi ah, di ako naiinis, ...hindi ah, di ako naiinis, nag papalitan lang naman tayo ng points of view at hindi ibig sabihin isa lang sa atin ang tama.....anyway, gutom na talaga ito kasi every morning binababa ko ang basura namin bago pumasok and this time, dinala ko ang basura pero ang baon ko naiwanan ko....
hawker said
hehehehe marami na kaming ...hehehehe marami na kaming mapagpipilian sa award ni kp nyahahahaha =D
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
pisache said
di bale pwede mo namang ...di bale pwede mo namang ibaon yung basura e. joke. nakakahawa talaga si chevy. Pang asar pala dapat chevy di HB or pwedeng HB na mapang asar. wahahaha.
PAPAKABOG!!!
tatess said
hahaha ...natatawa ako kay chevy at johnpur. pagpasensyahan mo na yang si chevy at gustong magka award this year ng HB(Haba ng Buhok sa kilikili) award kaya madaling ma HB.Pero pramis di yan nangangagat.pang asar lang.
chevydjak said
si mami tatess kasi di nyo pa inabot e... ...yan ang original na kalaban ni Ms. Owen...
Johnpur...pls pakibasa ung pm ko...thanks
"BRING IT ON DUDE!!!"
hawker said
buti na lang di ako taga HR ...buti na lang di ako taga HR at akoy isang hamak na taga-timpla lamang ng kape, kundi kalaban na ako ni chevy sa award ni KP nyahahahaha
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
chevydjak said
ay naku hawker...pang hunkable ka lang...nyahahhaha ...mahirap mong makuha ang HB award... at saka akin na un...yoko na ng mahinhin award...lolz
"BRING IT ON DUDE!!!"
dekyo2000 said
can i have the envelope please.... ...and the winner of the darling of the year award for 2009...
(take it ... take it) me bumulong sa likod habang nagkakapalitan ng envelope....
DOUBLE D....darling dEkYo!
o ayan kampanyahan na! nyahaha (peram bespren)
johnpur said
ok na ba chev, sorry di ko ...ok na ba chev, sorry di ko nakita agad......
hawker said
hunkable teaboy ...hunkable teaboy nyahahahahaha, may malakas kang kalaban chevy si Miss O bwahahahahaha....
hala baka ma-pagalitan tuloy tayo....back to the topic
katulad ng nalahad ko sa kabilang sinulid, karamihan talaga ng aplikante kapag nakita nila na kabayan ang mag-i-interview sa kanya ay umaasa na kaagad na matutulungan siya nito. mayroon din naman katulad ng nalahad ni Ron, na napakayos ng interbyuhin mo, pero kapag nasa trabaho na ay iba na rin ang ugali sa trabaho. yun bang hindi maihiwalay ang pagiging mag-kababayan o kaibigan pagdating ng trabaho. i mean, kapag trabaho, trabaho tayo gawin natin ng maayos at sa abot ng ating makakaya. di yung pati sa trabaho idadahilan yung pagiging magkaibigan ninyo (maraming ganyan dito). ito ay pawang obserbasyon ko lang sa tagal kong paninilbihan bilang taga timpla ng kape bwahahaha (reypist mode)
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
chevydjak said
ok lang repaks na johnpur...salamat... ...basta award ko na yan...boto nyo ko..bigyan ko kau siomai....lolz
ON TOPIC:
again...mentally & physically prepared ka dapat when applying...
"BRING IT ON DUDE!!!"
johnpur said
oi, speaking about siomai ...oi, speaking about siomai chevy, gumagawa ako siomai pero ang wrapper ay ginagawa ko rin. may nabibili ba dito wrapper na katulad sa atin na malambot?
hawker said
johnpur masarap gumawa yan ...johnpur masarap gumawa yan si chevy ng siomai :)
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
pisache said
talaga. Chevy. pa order. How ...talaga. Chevy. pa order. How much?
PAPAKABOG!!!
johnpur said
ba ayus ah, yung siomai ko ...ba ayus ah, yung siomai ko parang papel ang lasa, nahihirapan ako gamitin ang wrapper na nabibili sa carrefour, nasisira...
johnpur said
applicant to CV to siomai.... ...applicant to CV to siomai....
chevydjak said
sa megamart... johnpur...duon ako bumibili ng wrapper... ..."BRING IT ON DUDE!!!"
johnpur said
ok, salamat po....hanapin ko ...ok, salamat po....hanapin ko nalang dun
tatess said
HEY ,magsitigill kayooooooo!!!! ...HB na ko! kailangan ko manalo this year ng HB award dahil last year ay tinalo ako ni owen.pero hindi na ngayon .kailangan ko ng umpisahan uling maHB sa lahat ng thread mga hi jacker kayo,chevy,johnpur at hawker.Sumbong ko kayo sa admin!!!
Dapat talaga galingan sa pag aaply(para di HI JACK) at laging may dalang CV at wag tularan si chevy.
pinoyaccountant said
grabe naman si kabayan. di baleng ma late ng ilang minuto siguro ...pero oras... ewwwww..
Baka nga di siya lawyer or board passer? Baka nga sa University of Recto siya pumasa.
Walang professional na malalate ng isang oras.
Walang professional na sasagutin ang phone during the middle of the interview (mag ring man it was a mistake at patayin agad ang phone, pero sagutin,.. the nerve na un).
Walang professional (experienced pa ha) na hindi kayang gumawa ng sarili nyang CV.
Therefore, samakatuwid, subalit datapuwat.. ang aplikante nyo ay peke. as in.
"Adda ti adal na, ngem awan ti sursuro na."
pinoyaccountant said
maaaring tama rin si chevy na walang sistema ang kumpanya ...na yun,
kasi sa amin (naks) 30 minutes before the scheduled interview ay ready na kami lahat (Company) including the Manager na mag-iinterview at the same time, kino-contact namin ung mga applicant at least an hour before para sa confirmation ng pagdating nila. Kc sayang naman kung hindi sila darating na naabala na namin oras ng mag-iinterview. Strictly no late comers sa mga applicant. We are giving 15-minute grace period, else, better luck next time.
"Adda ti adal na, ngem awan ti sursuro na."
bisdak said
lawyer nga.... kasi his a ...lawyer nga.... kasi his a BIG LIAR!! buti nga
jhujaejyt said
Johnpur, to begin with, the ...Johnpur, to begin with, the CV of our countryman came from our head office in Riyadh which my boss brought with him when he came to Doha. Two days before the interview, my boss has been calling the applicant with no success, that's when he tried to contact the number in the Philippines. He managed to get hold of the wife, and so my boss asked if she have any other number of the guy. According to my boss, the wife don't have any contact number of her husband and she was even surprised that he is in Qatar.
It was not the intention to snoop into his personal life. But sometimes, if you have some cards under your sleeves, you might want to use it to test the integrity of your applicant.
This time, he lied.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Spent third of my life Away From Home
jhujaejyt said
Sinabi mo pa MSG, actually, ...Sinabi mo pa MSG, actually, mother-in-law unang nakasagot pagtawag ng boss ko sa Pinas, ipinasa lang sa misis.
Kung bilib ka dahil inintertain pa sya kahit late ng mahigit isang oras, yan ay dahil mataas ang expectation ng boss ko sa mga Pinoy at malapit sya sa mga Pinoy. Kung napansin mo, nagbibiro pa syang pala-ligaw ang mga Pinoy. Actually, Lebanese sya at Pinay ang katulong nya.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Spent third of my life Away From Home
jhujaejyt said
Siguro naman hindi yung ...Siguro naman hindi yung company namin ang tinutukoy ni PA... kung ang tinutukoy nya ay yung post ni chevy (11:50) na comment din naman ni chevy in reference sa post niJohnpur (11:40).... hindi nga sa company namin ang tinutukoy ni PA
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Spent third of my life Away From Home
jhujaejyt said
Agree ako kay PA... Yun din ...Agree ako kay PA... Yun din ang una kong impression... professionalism nya questionable...kung professional nga..
College of Law ng #$#$#, Quiapo....malapit-lapit na rin sa Recto.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Spent third of my life Away From Home
chevydjak said
Anu yan... ang gulo gulo... ...wag nyo ko gayahin...tignan nyo tigalinis lang ako ng building nyahahaha...
Mentally and physically prepared dapat ang isang aplikante, at higit sa lahat wag kang arogante at the same time nde ka din mukhang nagmamakaawa... Do your best...
Go bring ur CV's...nyahahaha
"BRING IT ON DUDE!!!"