User

Mga kabayan tanong ko lang...

rockduke's picture

kung cnu nakakaalam about sa kwento na narinig ko lang din na my hinuli daw na mgsyota sa villagio kahapon ang sabi pinoy daw po ito im not sure din..ganito na ba talaga ngaun?anu bases nila sa panghuhuli? porket mgkasama lng hulihin na? what about borab n lalaki n pnay n babae hulihin dn nila un which is more obvious?

Posted in:

Comments

hawker's picture

hawker said di ko pa ito nababalitaan, ...

di ko pa ito nababalitaan, pero kung totoo man ito. malamang na naglalampungan itong mga ito in public, at may nag-sumbong sa pulis

"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."

 

Umm Kaimah's picture

Umm Kaimah said or baka undersurveillance na ...

or baka undersurveillance na talga sila? the cops might got info na sila ay nglilive in? pero never been heard pa nmn.. ng iispeculate lng po, sowi!

 

mjamille28's picture

mjamille28 said possible yun sinabi ni ...

possible yun sinabi ni hawker.. baka naman kasi mega PDA eh alam na ngang strict ang authorities dito pagdating sa mga ganyan.. katitigas kasi ng ulo hanggang dito pasaway..

 

pisache's picture

pisache said kung totoo man ito. Aba e ...

kung totoo man ito. Aba e may nag sumbong or undersurveillance kagaya ng sa bi ni Umm or worst PDA nga.

Nakakalungkot kung totoo man but then again.... Qatar ito. Dapat sundin ang batas nila.

PAPAKABOG!!!

 

blippy's picture

blippy said d ko pa nababalitaan un ah ...

d ko pa nababalitaan un ah pero kung totoo for sure may valid reason kung bakit sila nahuli..

Hay, we must always be responsible sa actions na gagawin natin at gaya nga ng mga sinabi nila..nasa Qatar po tayo.

 

MSG's picture

MSG said Hindi naman basta basta ...

Hindi naman basta basta nanghuhuli mga parak dito sa Qatar nang walang sapat na basehan kasi may Human Right advocate dito eh. Baka may MAKAPILI sa kanilang lugar...... Hirap magtiwala sa kapwa lalot nat QATAR ito....Kung totoo man ito

 

chevydjak's picture

chevydjak said buti nga un... ...

ng malaman nila na " Qatar it, Qatar!" (pahiram treysdad)... warning na lang sa lahat ng magsyota na di parin pde PDA at mag-live in at kung anek anek pa...dahil mraming nakamasid :D

Pero di ko pa naririnig.... in fact my sister and cousin is both workin' in Villagio...tanung ko mamaya..if they heard.

"BRING IT ON DUDE!!!"

 

mjamille28's picture

mjamille28 said korek ka jan chevy, ang iba ...

korek ka jan chevy, ang iba kasi pasaway alam ng bawal eh di man lang maging discreet kung talagang di mapigilan.. tumataas kilay ko pag me nakakasalubong ako sa mga malls na kung makaukyabit sa mga kasama nila akala mo me aagaw, :P

 

tanya123's picture

tanya123 said bak nga nag PDA cla..tas may ...

bak nga nag PDA cla..tas may conservative n local n nakita cla, tas nagsumbong sa pulis, un na un!!!

as far as i know, malls and hypermarkets are the safest place sa doha para magliwaliw ang mga,magjowa,walang visa, never ko p narinig nag survey mga polis dun, pero sa mga park, corniche at iba pang very public places dun madami nahuhuli

pero ung nasa newspaper kahapon,pakistani man and srilanka girl, CIA na nag do-do sa kotse sa may khalifa toen area..ayun kalaboso, kulong na deported pa..tsk tsk tsk..

...CHO RAH MO...


 

Umm Kaimah's picture

Umm Kaimah said oo nga bat naman kasi ang ...

oo nga bat naman kasi ang iba parang napakainconsiderate nila kung makayapos sa partner parang aagawin then yung iba naman jan grabe kung magsuot ngdamit di man lng iconsider yung mga tao around them tapos pagnabastos rereklareklamo! we are in qatar, and qatar is an arab country tayo ang nagpunta dito so tayo sana ang mag adjust....

 

ilovelife21's picture

ilovelife21 said e bakit d pa pakasal ng ...

e bakit d pa pakasal ng tuluyan dba?para may papel na..para walang problema..hehe!
----
L♥VE LIFE!

 

glecs's picture

glecs said kung naglalakad or ...

kung naglalakad or namamasyal lang naman, i dont think na huhulihin sila. i agree with hawker, malamang PDA sila. there is a possibility na may local na na-offend seeing them kaya nireklamo sila.

...........................................................

silent "G"

 

Umm Kaimah's picture

Umm Kaimah said my dear love, panu naman po ...

my dear love, panu naman po kung kaya pala dinampot e dahil ngsumbong ang isang naagrabyadong misis? ay may kabit pala si mister at pinadampot ni misis! hehehe, speculation lng pow uli!

 

chevydjak's picture

chevydjak said at ang pakikipagharutan din sa di mo naman asawa... ...

kahit kaibigan mo lang... wag din masyado...baka nga matsambahan kau ng lokal na conservative...dale din kau..

Ung lalake sa babae...naghahaharutan sa daan hampasan...akbayan... kilitian kuno...

"BRING IT ON DUDE!!!"

 

mariam-mar's picture

mariam-mar said Kahit naman din mag-asawa ...

Kahit naman din mag-asawa talaga, kung showy sila, di ganun din..but the truth hurts, may mga CID, undercovers, at talagang pipigain ka as in even at your farthest imagination and ignorance, pag na-ispot-an ka nila in comprimising act, hule ka, meron yung committee na eto...
 

 

"There's nothing we can do to change the past, if it teaches  you a lesson profit from it then, forget it."


 

pisache's picture

pisache said Miski na kasal nga di ko pa ...

Miski na kasal nga di ko pa rin pabor sa PDA kasi nga iba kapag nasa M.E contry ka. Di kaya aya tingnan ang PDA. Pero sa ngayon naman wala pa ako nakita na PDA dito.

PAPAKABOG!!!

 

mjamille28's picture

mjamille28 said pisache, maglakad ka sa ...

pisache, maglakad ka sa Villaggio me makikita ka ;)

 

dekyo2000's picture

dekyo2000 said kaya ako holding hands lang.... ...

sa mga ka-team mates ko sa basketball!!!

 

mariam-mar's picture

mariam-mar said Pisache maglakad ka ...

Pisache maglakad ka everywhere with hugging partner,,you will be lead to PDA
 

 

"There's nothing we can do to change the past, if it teaches  you a lesson profit from it then, forget it."


 

pisache's picture

pisache said mas madalas pa ako makakita ...

mas madalas pa ako makakita ng mga itik na magka holdinghands e. dapat yun hinuhuli din. wahahah

PAPAKABOG!!!

 

chevydjak's picture

chevydjak said madami sa hyatt at villagio...sama mo na city center... ...

ah basta mall! madami... :D

"BRING IT ON DUDE!!!"

 

jaredboy's picture

jaredboy said promotion ng mga parak ...

promotion ng mga parak ngayon, kaya huli sila ng huli. mag-ingat nalang palagi. Yun mga kasama nga namin sa accomodation ng babae ay hinuli rin sila dahil sa "naka-short" lang sila at nakita nung katutubo at nagsumbong agad sa parak.

 

mjamille28's picture

mjamille28 said ahahaha pisache the other ...

ahahaha pisache the other day lang nasa Villaggio kami, dun sa damuhan me mga nakaupo dun isang pares nakasandal sya dun sa isa tapos holding hands pa sila, kakasura tignan.. :P

 

hawker's picture

hawker said hmmmm pero bakit kaya ako ...

hmmmm pero bakit kaya ako palagi akong may ka-holding hands sa mga malls (yung bunso kong anak)di ako hinuhuli nyahahahahaha :)

"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."

 

chevydjak's picture

chevydjak said lolz hawker... ...

si DIma din... hilig pa manghalik (anak nya)....

"BRING IT ON DUDE!!!"

 

marnellichanella's picture

marnellichanella said ako rin iritado sa mga ganun ...

ako rin iritado sa mga ganun un PDA> sa villagio nga mdami nun ingatz tlga lalo n ngaun mlapit n nman ramadan, promotion nga daw,, huhuli at huhuli ang mga pulis,,kasehodang kht wla ka gngwa

 

donald_duc168's picture

donald_duc168 said minsan talaga ...

ang bulag na pag-ibig nakalilimot ng lugar, oras at panahon... laging naghahanap ng pagkakataon

marahil isa lamang itong babala, harinawa!

 

tatess's picture

tatess said ingat lang sa mga nag dadate ...

lalo na at parehong may mga asa asawa.malas nyo lang pag may nagsumbong sa CID.

 

agent_nur67's picture

agent_nur67 said **** ...

Pag may nakita ka na kababayan mo na nag pi-PDA (kahit saan lugar dito sa Qatar)... anu ba dapat mong gawin?

a. lapitan at sabihan ng maayos, "Kabayan, bawal dito ang PDA, baka mahuli kayo ng CID... ingat lang po.. gandang morning and enjoy po"
b. lapitan at sabihan ng maayos, "Kabayan pa joinena naman dyan"
c. dedma lang sabay bulong sa kasama.. anu ba yung mga yun...tsika minute time
d. dedma.. keber ko sa kanila...tse!
e. dedma lang.. sabay pikit ang mata at bulong.. "patawarin na po sila ng panginoon, at naway di sila mahuli sa kanilang ginagawa"
f. isumbong mo kay tulfo.. este sa CID.

share naman dyan ng inyong mga suhestyon!

 

lei05's picture

lei05 said eh paano namn kung mag-asawa ...

eh paano namn kung mag-asawa tapos magkaholding hands lang,kasi ganun kami ng mister ko kapag namamasyal kami sa mall,ok lang ba yung ganun?di naman kami as in PDA,holding hands lang naman while walking...

 

dekyo2000's picture

dekyo2000 said basta huwag kayo pahuhuli ng huwebes ng hapon.... ...

at linggo na ang tubos sa yo ... (walang bail at judge kapag weekend) we he he!

partee on!

 

tatess's picture

tatess said kung holding hands lang naman ...

at mag asawa kayo ,walang problema yon.

 

chevydjak's picture

chevydjak said nyahahaha...lam mo rin nga pala un bespren... ...

iwasan gumawa ng kasalanang di sinasadya sa araw ng huwebes...dahil linggo na ang tubos nyo...second demotion!

"BRING IT ON DUDE!!!"

 

rockduke's picture

rockduke said what if kung.. ...

bulag un kasama ko n girl at nka shades lng sympre holding hands kami bka mwala pa cya lolz..hulihin p rn kami nun? waaaaaaaaaaaaaa

MyHotComments.com
MyHotComments

 

lei05's picture

lei05 said rockdude,maganda kung ...

rockdude,maganda kung dudugtungan mo pa yang tanong mo,what if ung kasama mong girl na bulag natisod tapos bigla mo syang nahagip at napayakap ka sa kanya ng di sinasadya tapos may nakakita at sabay huli kayo,paano na yan?...lolz : )

 

chevydjak's picture

chevydjak said magandang istorya yan...pang MMK na yan ...

di na pang Qatar...

Title: " Bulag sa Villagio"...nyahahha (IMHO)

"BRING IT ON DUDE!!!"

 

rockduke's picture

rockduke said hahaaah.. ...

prang nakita ko n sa tv yan lei ah nyahaha..
c john lloyd at bea ata yan lolz haha..

MyHotComments.com
MyHotComments

 

lei05's picture

lei05 said ui coincidence,di ko pa ...

ui coincidence,di ko pa napapanood yan ah...but seriously paano nga naman kung ganun ang nagyari na nahuli kayo sa ganung situation :)

 

fan_ni_sarap's picture

fan_ni_sarap said si donya nga hinahalikan ako ...

si donya nga hinahalikan ako lagi pag nasa mall kami wala namn humuhuli sa amin.

 

pisache's picture

pisache said Bakit ba kasi mag PDA (yung ...

Bakit ba kasi mag PDA (yung malalng PDA ha)? Bakit wala bang time sa bahay?

PAPAKABOG!!!

 

mjamille28's picture

mjamille28 said pisache baka kasi yun iba ...

pisache baka kasi yun iba hindi magkasama sa bahay, :P

 

pisache's picture

pisache said So isa lang yan pag alam ...

So isa lang yan pag alam mong bawal wag ng gawin. wag pasaway! at baka pa mawalay. at doon tumambay sa kulungan ng pang habangbuhay.

PAPAKABOG!!!

 

dekyo2000's picture

dekyo2000 said si groover ang tanungin nyo... ...

madalas kong dalhan ng pagkain sa loob yan! bwahaha!

 

Peppermint's picture

Peppermint said kami ni hubby pag nasa mall ...

kami ni hubby pag nasa mall nakaPasan ako sa kanya (parang korea novela) so far wala pa naman kaming nagiging problema! hahahahahahaha!

Sa tingin ko OK lang ung holding hands wag lang masyadong extra sweet in public if di na kayo makatiis at super labs na labs nyo ang isa't isa umuwi na lang agad sa bahay....

Wacky Smiley

 

glecs's picture

glecs said anu ba yan... wala ng ...

anu ba yan... wala ng katapusang promotion. pag may nahuhuli, lagi na lang un ang reason. tsk! tsk! isipin na lang po natin na kaya nahuhuli kasi may nilalabag.

...........................................................

silent "G"

 

chevydjak's picture

chevydjak said sabagay...uu nga pepper... ...

nung nakasalubong kita sa Zara nakasakay ka sa batok ng hubby mo lolz....nyahahha

Dekyo di din kumakain ng kabsa kapiling ang mga ipis si groover?

"BRING IT ON DUDE!!!"

 

whellw's picture

whellw said makikidagdag nga sa reason kung bakit hinuli.... ...

masyado na kasing palasak ang PDA or live-in kaya hinuhuli....

ang nasa isip ko naman, eh baka naman nagka-konchava ang magsyuta na mag-shoplift sa isang shop, tpos nakita agad sa surveillance camera kaya yun huli sila....

ano po sa tingin nyo?


 

Join the Qatar Living Community


Filipino expatriates in Qatar