Recent comments
Restaurant Cuisines
Arab,
American,
British,
Cafe,
Chinese,
Doughnuts,
Fast Food,
Filipino,
French,
Indian,
Iranian,
Italian,
Juices and Smoothies,
Lebanese,
Malaysian,
Mediterranean,
Mexican,
Moroccan,
Pakistani,
Pizza,
Portuguese,
Sandwiches,
Seafood,
Spanish,
Steakhouse,
Sushi,
Thai,
Turkish,
Vegetarian,
Qatari,
All Restaurants
Linggo ng Wika (Ating Ipagdiwang)

Bilang paggunita sa ating Pambansang Wika, halina't samahan nyo naman ako kung paano natin bibigyang pansin o halaga ang pambasang wika ng Pilipinas. Maaari tayong magkaroon ng simple at maliit na salu salo o pagtitipon tungkol dito, at syempre, kinakailangan ng iba't iba ninyong ideya. Anu pang hinihintay niyo... tira na! magsulat na!
{ang hirap!} heheheh :(
Paalala:
Sa sinulid na ito, mahigpit na ipinagbabawal o iwasang maglathala ng wikang banyaga.
Groups:
New Forums
Questions and Answers
Qatar Guide
- Sample Budget and Cost of Living
- Qatar Schools Database
- Residents Guide to Qatar
- Siteseeing in Qatar
- Traffic Rules
- Attending a Qatari Wedding
- Gift ideas from Qatar
- Buying a used car in Qatar
- Renting in Qatar
- What to consider when renting in Qatar
- Preparing for Winter in Qatar
- Registering a birth in Qatar
- Blackberry phones in Qatar
- Old Qatar
- What's Happening in Qatar
- Online Shopping in Qatar
- What does Doha look like?


Comments
algadomain said
kailan.. ...magandang umaga sa inyong lahat mga kapwa kong nangingibang bansang pinoy. ipag paumanhin ang aking katanungan ngunit kailan po ba ito dapat ipagdiwang?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------When we wake up each morning, we have two simple choices: Go back to sleep and dream, or wake up and chase those dreams.
Qatar Idols said
kung iyo pong naaalala, nung ...kung iyo pong naaalala, nung tayo'y nasa mababa at mataas na paaralan, madalas nating ipinagdiriwang ang 'linggo ng wika sa buwan ng Agosto'. nagkakaroon tayo ng iba't ibang patimpalak sa ating mga paaralan tulad ng palarong lahi, pagalingan sa pagtula, drama, sa pagkanta, at kung anu ano pah.
akin lamang naisip habang nakikipag-usap ako sa ilan sa mga kaibigan ko kagabi na bakit hindi natin ipagdiwang ang linggo ng wika dito sa Doha.
What Kind of Fool... |
Total Recovery. Result = New life, new image, new belief...
tatess said
pwede ...ayusin na yang pagtitipon at ng magkita kita ta kwentuhan ulit tayo.
totoy vibo said
Linggo ng Wika Marami ...Linggo ng Wika
Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga patimpalak sa pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa wikang Filipino. Karaniwang ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Karaniwang nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito. Binibigyang-diin ang pagmamahal sa ating wika. Pinahahalagahan at pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga Pilipino sa paggamit ng Filipino sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan.
kaya umpisahan na ang pagtitipon at magkaroon ng kasiyahan...hihihi:p lahat ng makakata dyan...lumabas na ng lungga....lolz
magandang umaga sa lahat...:p
-ngee-
-ngee-
Qatar Idols said
dumudugo ang retoke kong ...dumudugo ang retoke ngunit maganda kong ilong mami tatess...
at mukhang kakaibang totoy_vibo ang aking nababasa ngayon. mukhang ikaw ang pinakamagaling mag-aaral sa inyong klase nuon sa Pilipino ah?
Total Recovery. Result = New life, new image, new belief...
groover5320681 said
“Ang hindi magmahal sa ...“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.
Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga kumunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng isang bansa.
Sa araw na ito, gugunitain natin ang kahalagahan ng ating wika, datapwat ako po'y isang abang mamayan lamang, magtulungan po tayong ganapin ang simpleng pagdiriwang na ito....maganda araw po sa inyong lahat mga kaibigan.....ika nga ni Gat Boy Abunda....Kaibigan usap tayo...:p
totoy vibo said
lolz QI...hihihi kopya at ...lolz QI...hihihi kopya at dikit lang yan....lolz para kahit papaano, malaman ng ating ibang kababayan kung ano nga ba ang Linggo ng Wika...:p
pero di ko na maalala ang talumpati na aking binigkas noong ako'y nag-aaral pa...hihihi:p
-ngee-
-ngee-
groover5320681 said
kapatid na TOTOY VIBO, ...kapatid na TOTOY VIBO, ipagpaumanhin ang aking pakikialam, sa araw na ito ay bawal ang LOLZ kasi po itoy salitang ingles.... ROFL... pagpaumanhin po mga kaibigan...:p
LupiN said
totoy vivo ...ikaw ay lumabag sa panuntunan ng sinulid na ito maaari mo bang pakibago iyong huling nailathala dahil ang mga titik lol_ ay wala sa ating wika at baka mapalo ng ating prinsesang may akda.
kapayapaan sa iyo kaibigan
tatess said
wahaha ...bawal daw ang LOLZ pero sya may ROFL.Anu kaya yon.
totoy vibo said
huwag kang mag-alala ...huwag kang mag-alala katotong groover, natanto ko na mali nga ang aking nailathala sa pagbigkas ng salitang "lolz"...hindi nga sya naayon sa sinulid na ito....tm(tawang malakas...tm):p
ganun pa man, hihintayin ko ang pagdiriwang na ito....hihihi:p sana magkaroon tayo ng patimpalak sa araw na yan....:p
-ngee-
-ngee-
blueboi1201 said
... ...magandang umaga mga kaibigan at kapwa ko manggagawa dito sa gitnang silangan...
maganda ang iyong naisip kaibigang QI..
napakalalim ng mga binibitawang salita ng ating mga kapatid dito sa iyong sinulid hindi ko maarok!!! gayunpaman ako ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ating Wika..
=BB=
groover5320681 said
ahahah binibining tatess, ...ahahah binibining tatess, kaya po ako humingi na paumanhin dahil sa di po sinasadyang pagkakataon ay napa ROFL ako....pagpaumanhin po ninyo binibining tatess.
north_me said
Isang mapagpalang umaga sa ...Isang mapagpalang umaga sa lahat ng aking mga kaibigan dito sa sinulid ni katotong Q.I. Ako po ay lubos na nagagalak na kahit na ilang araw lamang ay mapagtuunan natin ng panahon ang ating sariling wika..Kahit saan lugar man tayo mapadpad, ang ating sariling wika ang siyang nagiging simbolo ng ating pagiging isang pilipino. Meron po tayong ibang mga kalahi na bukang bibig na ikinalulugod nilang maging pilipino ngunit ibang lengguwahe ang namumutawi sa kanilang mga labi...
MO RIN...YUN LANG!!!
MO RIN...YUN LANG!!!
groover5320681 said
Tinatanggap ko ang iyong ...Tinatanggap ko ang iyong paguumanhin kapatid ng TOTOY VIBO dahil tayo'y isang tao lamang, mapusok, madaling matukso at mapanuri...matang lawin... MMNT (Mas malakas na tawa). Magandang araw din syo kapatid na Blueboi, sana datnan ka ng magandang biyaya sa darating pang mga araw...:p Magbunyi at PUNITIN ANG MGA SEDULA !!!! (pag paumanhin po ulet dahil naalala ko lang po ang pagpunit ng sedula sa biak na bato ni kumpareng andres bonifacio) :p
tatess said
ayoko ng sinulid na ito ...nakakadugo ng ilong.
Qatar Idols said
maraming maraming salamat ...maraming maraming salamat mga ginoo at binibini sa inyong mainit na pagtanggap sa aking sinulid. maari na bang bigyan natin ng petsa itong pagtitipon na ito upang ating mapaghandaan ating kakaibang baro't saya...?
Total Recovery. Result = New life, new image, new belief...
algadomain said
lahat ng inyong mungkahi ay ...lahat ng inyong mungkahi ay ikinalulugod ko aking kababayan, datapwat ito'y maisakatuaparan ng sa ganun ay maipagbunyi natin ng may karangalan. ito ay natataon sa mga huling kaganapan sa ating bansa, katulad ng pagkawalay ng ating pinaka mamahal na dating pangulo na si ginang Corazon Aquino, sa gaganapin na pagtitipong ito dapat sya at pasalamatan. (tama ba?)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------When we wake up each morning, we have two simple choices: Go back to sleep and dream, or wake up and chase those dreams.
groover5320681 said
Senyorita de amor TAtess, ...Senyorita de amor TAtess, bilang isa po sa aming lider ng himagsikan, pwede po bang ipamalas ninyo o isawalat sa inyong loob ang tunay na kahalagahan ng linggo ng wika. Sana po senyorita mami tatess ay di po ninyo kami bibiguin. :p
groover5320681 said
Binabati ko lang po ulet ang ...Binabati ko lang po ulet ang aking mga kapatid dito sa Qatar Buhay (bagkus walang salitang tagalog sa salitang Qatar dahil itoy isang bansa), malugod po nating inaayayahan ang ating mga kapatid na magbigay ng kanilang kuro kuro at sariling opinyon para maging ganap na tagumpay ang ating selebrasyon.....:p
tatess said
wa ha ha ha ...Kilangan ko pa bang sabihin kung paano ako sumali sa kilusan.
matagal ko ng nilimot yon. Pero alanG alang sa inyo .
Isa ako sa aktibo na lumaban at tumulong noon sa laban sa Tirad Pas. kaibigan kong matalik si Gariela Silang at Andres Bonifacio.
johnpur said
parating na si kaka ...parating na si kaka bubukabukaka
blueboi1201 said
.... ...paumanhin sau katotong JOHNPUR, kung wala kang magandang bibigkasin sa sinulid na ito, marapat na manahimik at magbasa ka na lamang upang maiwasan ang pagbuhol buhol ng sinulid na ito..
salamat!!!
=BB=
groover5320681 said
Balik po tayo sa senaryo ng ...Balik po tayo sa senaryo ng ating nalalapit na pagdiriwang. Ang sa akin lang po kahit po simpleng salo salo ay maipagdiwang natin ang araw na ito sa araw rin ng selebrasyon. yon po ay ang aking sariling opinyon lamang...
johnpur said
paumanhin blueboi, bakit ka ...paumanhin blueboi, bakit ka nagagalit, di ba kasama rin sa linggo ng wika ang bugtong..
mjamille28 said
eh magbalagtasan kaya kayo? ...eh magbalagtasan kaya kayo? :P

Never regret doing the things that will make you happy.. We have but one life to live and it's too short to dwell on negativities..
tinay2285 said
Ako po ay lubos na nagagalak ...Ako po ay lubos na nagagalak sa sinulid na ito. Maraming salamat QI sa pagkakaroon ng kusa upang buksan ang usapang ito.
Matagal na din akong hindi nakaranas na ipagdiwang ang aking atng sariling wika. Kaya't ako ay sabik na magkaroon ng balitaktakan gamit ang ating wika lamang. Sadyang walang tatalo sa wikang tagalog. Malalim, romantiko at makabuluhan-ay ilan lang sa mga pang-uri na aking naisip para sa wikang Tagalog.
Sugod mga kapatid at tayo ay magdiwang para sa ating wika! MNT(mahina na tawa) :p
totoy vibo said
tama, sana idaos nating ito ...tama, sana idaos nating ito sa buwan na ito para maging akya ang araw ng ating pagdiriwang...:p, kahit hindi man sa araw mismo ng linggo ng wika para sa ganoon ay ating mapaghandaan...:p
-ngee-
-ngee-
blueboi1201 said
... ...ipagmaumanhin mo katotong johnpur, hindi ako galit sa bagtas mo, oo nga ang bugtungan ay isang anyo ng ating wika, subalit ang sinulid na ito ay patungkol sa darating na pagdiriwang ng ating Wika..
=BB=
tinay2285 said
kabayang Groover...paalala ...kabayang Groover...paalala lang ulit bawal ang salitang banyaga-"Senyorita de amor" ay atin lang hiniram sa mga Espanyol. Paalala lang po.
sammyblue said
Isang suhesyon... .....Isang suhesyon sa ating nalapit na pagtitipon tungkol sa "Linggo Ng Wika", mano ba'y sa araw na ito ay magsuot tayo ng mga katutubong kasuotan ng maramdaman natin kahit sa isang araw lang na tayo'y di nalayo sa ating Inang Bayan...
..Huwag sana nating ikahiya ang nakagisnang kasuotan ng ating mga ninuno, anupa't dapat gunitain natin 'ito sa ating pagtitipon...
..Ito ay kung pwede lang naman....
"The hardest thing to do is to do nothing at all."
donald_duc168 said
simulan na ang ...palabas, ituloy ang linggo ng wika at balangkasin na kung sino sino ang ibig makipagtimpalak...
"We cannot change the past, we only learnt from it"
walecner_iam said
take note of dress ...take note of dress restrictions here in Qatar, no skimpy attire (bahag ba!) no cross-dressing (maria clara effect!)... LOL! paumanhin ko po sa paggamit ng bayagang salita ito rin po ay isang paalala lamang...
tatess said
maisusuot ko na mga mahaba kong saya/palda ulit ...kagaya noong nakaraan nating pagtitipon na di kita ang sakong ko.
groover5320681 said
Pagpaumanhin po ninyo ...Pagpaumanhin po ninyo binibining tinapay a este Tinay ako poy di purong pilipino dahil ang aking ama ay galing sa espanya kaya ipagpaumanhin po ulet nyo ang aking pag gamit sa salita naming mga banyaga....:p
blueboi1201 said
.... ...tagalong lamang ang maaring bigkasin sa sinulid na ito.. walacner_iam.. salamat
=BB=
algadomain said
gawin sinple at makahulugan. ...gawin sinple at makahulugan. mag hain ng mga pagkaing pinoy , halimbawa ng bibingka, puto bong bong, puto seko, diningding, salabat . at magsagawa ng mga palro na katulad ng tumbang preso, sipak takraw, luksong tinik, taguan
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------When we wake up each morning, we have two simple choices: Go back to sleep and dream, or wake up and chase those dreams.
groover5320681 said
Masakit man sa aking ...Masakit man sa aking damdamin kapatid na Bluboi pero habang binabasa ko ang iyong mga lathala ay nabbasa ko rin ang nakasaad sa sumasayaw na kuting...MMNT (Mas Malakas na Tawa) patawad sa aking ka ignorantehan kapatid na blueboi.
treysdad said
Salamat QI ...Sa pagalala mo sa Linggo ng Wika. Kaarawan din kasi ng kapatid ko na ipinangalan sa ating dating Pangulong Manuel Quezon na Ama ng Pambangsang Wika.
Ayan... pati patalastas ko sa ibaba ay binago ko rin...
Iwasan lang po ang mainitang pagtatalo (paalala lang)
- TnT (Tatay ni Trey)
Pindutin ang tatak sa itaas para sa Tropang Pinoy!
(50 puntos ang kailangan para makabahagi)
Click for Filexpatriates Group (50 pts. for approval)
walecner_iam said
paumanhin sa iyo kaibigang ...paumanhin sa iyo kaibigang asul na bata, ilan po lamang suhestiyon sa mga maaring kasuotan sa linggo ng wika:
Peppermint said
Nagigilo ako sa mga ...Nangingilo ako sa mga pinagsasambit nyo!
Magkagayunman, sa aking bagbabalik tanaw noong panahon ng aking pagAaral uso ang mga programa sa paaralan bawat klase ay kanya kanya ng pagpapakitang gilas. Ang iba ay pagalingan sa sumasayaw ng iba't ibang katutubong sayaw at ang iba naman ay sa pagkanta. Di maitatatwa ang dulot na saya at kagalakan sa bawat mag-aaral!
Masaya kaming lahat pag may ganitong okasyon bukod sa kalahating araw ang programa natural din na walang klase! hahahahaha!
(sumasakit ang ulo ko sa sinulid na to')
Paalam!!!
"Wag magbubuhat ng sariling bangko..."
"Wag magbubuhat ng sariling bangko..."
tinay2285 said
Suhestyon: ...sang-ayon din po ako sa pgsusuot ng ating pambansang damit hanggat ito ay marangal at kaaya-ayang tignan sa ating bansang kinalalagyan.
kung magkakaroon po ng mga bonggang pagtatanghal sa pagdiriwang na ito ay sana po sariling atin kagaya po ng maglalatik na maaring gawin ng tatlong hudas, ang sayaw na kuracha na puro kendeng na sinasayaw ng babae at lalaking pares, Subli ang sayaw na ginagamitan ng sumbrero, Palayok-sayaw ng mga babaeng may palayok sa ulo na parang mga nagmamaasim lang MMNT! un lang po ang sa akin ;-)
walecner_iam said
nakakadugo ba ng ...nakakadugo ba ng ilong????...... MMNT! (groover5320681)
groover5320681 said
ahahah maraming salamat at ...ahahah maraming salamat at wala pong mangyaring di pag kakaunawaan po dito TATAY NI TREY. Nilalahad po namin ang sarili naming opinyon base sa takbo ng aming pagiisip (bato bato sa langit ang tamaan ay wag magalit). Tinatawagan ko po pala si Kahilingan kung nandito na sya. Inglisin na lang po ninyo kung sino si Kahilingan...
kareristang pinoy said
ano itong, aking nabasa ang ...ano itong, aking nabasa
ang linggo ng wika, ay paparating na
lahat ay abala, lahat ay umaasa
na sa darating linggoy, may parti na naman ba
maganda ang na-isip, ni katotong QI
tema ng sinulid, wika sa ating pamumuhay
dyan mo makikita, ang pinoy na tunay
kanyang sariling wika, ay kanyang pinapanday
.
.
.
KEEP MOVING!!!
KEEP MOVING!!!
blueboi1201 said
... ...ipagpatawad at hayaan mo kapatid na groover, susubukan kong palitan ang nakasaad sa aking palatandaang pirma ..
para sa iwas na pagbuhol ng sinulid..
masayang tignan at panoorin ang ating mga katoto kung magpapakita ng kaunting katutubong sayaw, sa pangunguna ng ating mahal na kapitan.
=BB=
groover5320681 said
Isang masigabong palakpakan ...Isang masigabong palakpakan para sa ating kapatid na KP...MMTN (mas malakas na tawa). Isa kang tunay na pinoy at saludo ako sa ipinamalas mong tula, napaluha nga ako. :p
Kapatid ng Asul na Bata walang anuman yon kapatid. Lahat naman tayo ay nagkakamali :p
tatess said
tawa ng malakas ...TNT- tatay ni trey.
sammyblue said
Habang binabasa ko.... ...Habang binabasa ko ang sinulid na ito ....
d ko maiwasang magpagulonggulong sa sahig sa kakatawa...(MSSSK)....
yun lang po....
ako ito,
Asul na Sammy
"The hardest thing to do is to do nothing at all."
mallrat said
.may binibining linggo ng ....may binibining linggo ng wika po ba? abay joinena aketch.....
.
.
.
Talk to my crown......
.
★
.
.
.
★
algadomain said
nasan ka na kapitana? ...nasan ka na mahal naming kapitana(QI)?
marami ng suhestyon, opinion at kuro kuro na pinamalas ng ating mga kapatid
naway bigyan mo ng tuldok at mga naibahagi at hubugin na ang nasabing pagtitipon kung kailan ipagdaraos at kung saan?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------When we wake up each morning, we have two simple choices: Go back to sleep and dream, or wake up and chase those dreams.
north_me said
Isa lang pong paalala kay ...Isa lang pong paalala kay kaibigang bilihang daga (mallrat), sa sinulid po na ito ay pawang sariling wika lamang po (tagalog) ang maaaring gamitin ng sinuman..Ipagpaumanhin po ninyo ang aking pagpuna, naway inyong wag masamain ang aking tinuran...maraming salamat po! hihihi (tawa ng isang dalagang mahinhin)....
MO RIN...YUN LANG!!!
MO RIN...YUN LANG!!!
north_me said
Bilihang Daga (mallrat) - ...Bilihang Daga (mallrat) - maaari rin po bang inyong baguhin ang inyong signatura sa bahaging ibaba (talk to my crown) sa ating sariling wika..maraming salamat po ulit...
MO RIN...YUN LANG!!!
MO RIN...YUN LANG!!!
mallrat said
.hihihi (tawa ng isang ....hihihi (tawa ng isang dalagang mahinhin ka rin)....
.ano vah ang north-me sa tagalog, wahhhh
ma lokreng ako dito...........
.
.basta, kung may Bb. Linggo ng Wika, makikipagtunggali aketch, hihihi (tawa ng isang dalagang mahinhin, sabay takip sa bunganga)
.
.......
.
kausapin mo ang korona ko,
tingnan ko lang kong sasagutin ka nyan
...... hihihi (tawa ng isang dalagang mahinhin, sabay takip sa bunganga)
.
★
.
.
.
★
jamesknight said
Ako ay nagagalak at ...Ako ay nagagalak at nabibigyang pansin ang ating sariling wika at napapagyaman natin sa pagdaraos ng isang okasyon. Anu-ano pa ang dapat paghandaan sa nalalapit na selebrasyon? Bilang pagtanaw ba sa Linggo ng Wika ang lahat ba ay inaanyayahang magsuot ng mga kasuotang aakma sa okasyon na ito? Kinakailangan bang magdamit tulad ng Baro at Saya?
Pagyamanin natin ang ating Wikang Pambansa.
"Upang makakuha ng isang bagay na hindi kailanman nagkaroon ka, kailangan mong gawin ang isang bagay na di mo pa nagagawa."
"To get something you never had, you have to do something you never did."
north_me said
north_me ay timog_ako sa ...north_me ay timog_ako sa ating sariling wika para sa iyong kaalaman bilihang daga (mallrat)..Ako ay lubos na nagagalak at iyong pinagbigyan ang aking munting kalihingan na palitan ang iyong asignatura sa dakong ibaba...MNMNT (Malakas na malakas na tawa)!!
MO RIN...YUN LANG!!!
MO RIN...YUN LANG!!!
groover5320681 said
Kuya Hilagang ako (north me) ...Kuya Timog ako (north me) napabulalas ako ng halakhak sa turan mong kaibigang bilihang daga (mallrat). Naging napamasid din ako sa aking ilalakda ngayong napatunayan ko na may pagka matang lawin ka. Magandang araw sa iyo kapatid na Huwan gabi (jamesknight), kami kasama ng iba mo pang mga kapatid sa paniniwala ay masama sa yon lahad at opinyon, kasalukuyang humihimlay ang ating dalagang idolo na si kapitana, makaka asa ka na bago magbukang liwayway ay matutugunan ang iyong mga katanungan :p MMNT(Mas Malakas Na Tawa) :P
thinktank said
Ako'y lubos na nagagalak at ...Ako'y lubos na nagagalak at nagkaroon dito ng pagkakataon na mapag-usapan at maipagdiwang ang ating sariling wika kahit tayo man ay wala sa ating Inang Lupa. Nakikiisa po ako sa inyong magandang mithiin para dito. Kung maaari nga lang po na isulat natin gamit ang ating sariling wika ang lahat ng pakikipagtalastasan hindi lamang sa loob ng sinulid na ito kundi sa lahat ng mga gagawin pang mga paksa sa loob ng grupo na ito. Alam ko po na mahirap ito sapagkat tayo ay nasanay na rin gumamit ng mga hiram na salita ng mga banyaga. Pero kung pipilitin po natin na isakatuparan ang ating mithiin ay hindi po ito imposible.
Yun lang po at mabuhay po tayong lahat..
jamesknight said
Natawa ako sa iyo katotong ...Natawa ako sa iyo katotong pinagkabihasnan (groove(r)) ng isaling-wika mo ang aking pangalan. Kung iyong mamarapatin ay aking itatama ng ayon sa aking kaalaman at papalitan ko bilang HaymeKabalyero sa halip na Huwan gabi...NnnST (Naiihi na sa Sobrang Tawa).
Maghihintay ako sa kung anong magiging suhestiyon ng nasa Itaas sa gaganaping okasyon sa buwan na ito. Maraming salamat.
"Upang makakuha ng isang bagay na hindi kailanman nagkaroon ka, kailangan mong gawin ang isang bagay na di mo pa nagagawa."
"To get something you never had, you have to do something you never did."
sammyblue said
Sa iyo kaibigan.. ...Sa iyo kaibigang, Nag iisip na Tanke,
..lubos akong nagalak sa iyong minimithi para sa ating Inang Bayan...ngunit,subalit, dadapwat't di kaya masyadong impossibleng isakatuparan ito, lalo na tayo ay nasa banyagang bansa?....
....pag isipan mo ng mabuti, Nag iisip na Tanke...
...GSSSK!..gumugulong-gulong sa sahig sa kakatawa!
.....Kapayapan ay sumainyong lahat!
"Mahirap magbuhat ng sariling bangko......mabigat"
"The hardest thing to do is to do nothing at all."
mjamille28 said
kuya norte, hilaga po... :P ...kuya norte, hilaga po... :P

Never regret doing the things that will make you happy.. We have but one life to live and it's too short to dwell on negativities..
algadomain said
akoy mag hihintay sa ating ...akoy mag hihintay sa ating kapitana sa kanyang tugon sa nakakasang pag diriwang.makakaasa po kayo na akoy makikiisa.
"kung may putok ka... ipagmalaki mo... pinag pawisan mo yan eh!"
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------When we wake up each morning, we have two simple choices: Go back to sleep and dream, or wake up and chase those dreams.
algadomain said
kkung kayo po ay may ...kkung kayo po ay may katanungan o opinyon sa aking mga nasiwalat, maari nyo na lang po akong tawaging bukang liwayway sa sinulid na ito
"kung may putok ka... ipagmalaki mo... pinag pawisan mo yan eh!"
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------When we wake up each morning, we have two simple choices: Go back to sleep and dream, or wake up and chase those dreams.
Qatar Idols said
teka asul na lalaki ...teka asul na lalaki (blueboi)... anung katutubong sayaw ang nais mong ibigay tanda ng paggunita ng linggo ng wika?
What Kind of Fool... |
Total Recovery. Result = New life, new image, new belief...
eljoknight said
Pasasalamat sa mga kapwa ...Pasasalamat sa mga kapwa mangingibig ng ating bansang Filipinas. Lubos po akong nagagalak sa mga saluobin ng ating kapwa mangagawang filipino sa isa na namang malawakang pagsasaad ng ating damdamin sa linggo ng wika. Lubos na pasasalamat sa may likha ng usaping ito dito lamang sa "Buhay Qatar". "Walang humpay na galak" yan po ang kahulugan sa katagang LOL.
Nais ko pong ipagkaloob sa inyo ang nakalap kong kaalaman sa patunkol sa kasaysayan ng ating pagdiriwang ng Linggo ng Wika.
---------
Kasaysayan
Noong ika-26 ng Marso 1946, nagpalabas si Pangulong Sergio Osmeña ng Proklamasyon Blg. 35, na nagtatalaga ng petsang mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril bilang Linggo ng Wika. Noong ika-23 ng Setyembre 1955, iniutos naman ni Pangulong Ramon Magsaysay sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 na ang Linggo ng Wika ay ipagdiriwang mula ika-13 hanggang ika-19 ng Mayo. Ang pagbabago ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Dahil sa paglilipat na ito ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, naging imposible para sa mga estudyante at guro ang makilahok dito.
Pagkatapos ng Himagsikan sa EDSA noong 1986, inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 noong ika-12 ng Agosto 1988, upang pagtibayin ang pagdedeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon.
Upang higit pang pagtibayin ang mga naunang proklamasyon hinggil sa Linggo ng Wika, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 noong ika-15 ng Enero, 1997.
Sa kasalukuyan, ipinagdiriwang pa rin ang Linggo ng Wika at Buwan ng Wika sa Pilipinas. Opisyal itong nakatala sa listahan ng mga kultural na pagdiriwang sa bansa.
kareristang pinoy said
masyayado kang marami kang ...masyayado kang marami kang nalalaman kaibigang TAGA-UKA(groover)...hihihihi

.
.
.
KEEP MOVING!!!
KEEP MOVING!!!
blueboi1201 said
... ...kaibigan na Idolong Qatar (QI).. ang aking suhestyon isang sayaw na katulad ng tinikling o di kaya maglalatik na pangungunahan ng ating butihing kapitan...
""walang iwanan at wala lang bibitiw""
=BB=
nephi2kph said
magandang ideya yan... ...para lubos ang ating pagdiriwang..mayron akong isang suhistyon mas okey kong magkaroon ng pagtitipon kung saan pinapakita ang kagalingan nating mga pilipino. Pwede rin magkaroon ng patimpalak sa pagsulat ng sanaysay kung san ang tema ay tungkol sa mga OFW.Pwede nating ganapin ang paligsahan dito mismo sa FILEX kong saan isusumite ng mga kalahok ang kanilang akda at dadaan syempre sa butas ng karayon ng mga magigiting na hurado..at ang may karapatang pumili ng TEMA ay syempre manggagaling yan sa "KAGAWARANG NG FILEX" heheh ang hirap magtagalog pede bisaya na lang?
Pag magkaroon ng patimpalalak sigurado isa ako sa mga kalahok..isa yata ako sa ginawaran ng "PINAKAMAGALING SA PILIPINO" hehehe nung sa "unang baitang pa lang ako"
"ALWAYS stretch ur HEART & Expand your LOVE so that it TOUCHES not only those whom you GIVE it to, but also those who NEED it so MUCH"
thinktank said
Kaibigang Samwel ...Kaibigang Samwel Bughaw,(ipagpaumanhin nyo po sammyblue kung mali po ang aking pagsalin ng inyong pangalan) alam ko po na mahirap po itong mangyari sa kadahilanang meron po tayo mga bagong salita partikular sa englis na hindi natin maisasalin sa salitang Filipino. Subalit ang mga salitang ito ay maari nating gamitin sa ating pakikipagtalastasan na kung isusulat natin ay sa paraan ng pagsulat ng wikang Filipino. Halimbawa na lang po ang salitang "computer" sa englis ay maisusulat natin ng "kompyuter" sa Filipino.
Mahirap po talaga kung iisipin natin. Pero kung meron pong kagustuhan ay meron po paraan.
Maraming salamat po.
Qatar Idols said
mga kaibigan at kababayan ...nephi2..., isang magandang suhestyon ang iyong naisip!
nananawagan na po ako... mga kaibigan at kababayan ko, maaari na ba nating umpisahan ang pagpaplano ng kung kailan natin isasakatuparan ang pagdiriwang na ito?
hindi natin kailangan ng isang magarbong salu salo... pasado na ang maliit ngunit hindi makakalimutang salu salo...
maaari na ba nitong darating na katapusang linggo?
hindi ba lahat mahihirapang maghagilap ng kani-kanilang kasuotan?
ako, handa na! kayo, kaya nyo ba?
Total Recovery. Result = New life, new image, new belief...
tatess said
sige nga ituloy na yang kasiyahan ...at ng maisuot ko ulit yung mahaba kong palda.
totoy vibo said
ika dalawamput pito ng ...ika dalawamput pito ng Agosto ba yan QI? makikisang-ayon na po ako at iukit na ang aking pangalan sa listahan....:p
ihahanda ko na ang kasuotang magsasaka? pwede ba un...hihihi:p
-ngee-
-ngee-
nephi2kph said
TEMA: OFW :BAGONG BAYANI ...Kung ganon idolong Qatar isang tema ang aking naisip sa pagsulat ng sanaysay OFW: BAGONG BAYANI sana ito ay magustuhan. Kung magkaroon man ng pagtitipon maganda na umpisahan na ang pagsumite nito para sa darating na pagtitipon ang paggawad ng mga mapapalad na mananalo. kung damit ang pag uusapan may nakahanda na akong bahag dito..at Idolong Qatar sa mga hurado ikaw na amg bahala dito.
"ALWAYS stretch ur HEART & Expand your LOVE so that it TOUCHES not only those whom you GIVE it to, but also those who NEED it so MUCH"
mallrat said
.kumaring QI, sino yung ....kumaring QI, sino yung kasama mong naka verde kanina sa siyudad centro (city center) kani kanina lang,
at ang laki ng ngisi mo, di mo na alintana ang aking kagandahan, deadma ka kahit napagkamalan na kaming (with BF) kamag anak ni sisa sa kasisigaw at katatwag sa'yo....
.
.kung may Bb. Linggo ng W. handang handa ako........
.
.kausapin mo ang korona ko,
tingnan ko lang kong sasagutin ka nyan
...... hihihi (tawa ng isang dalagang mahinhin, sabay takip sa bunganga)
Talk to my crown......
.
★
.
.
.
★
chadqa said
Talagang mahirap ang gumamit ng sarili at orihinal na wika. ...Ulo ko'y nag alburoto ng umpisang basahin ang sinulid na ito. parang dahil sa hirap na uli gumamit ng sariling wika ko pati dugo ko ay umakyat sa pinaka mataas na antas ng sentigrado. pati palatandaan akda ko ay babaguhin ko.
" Subukang makipagtrabaho sa taong hahamon sa iyong kakayahan. malalaman mong marami kang natutunan sa loob ng isang taon kesa apat na taon sa kolehiyo." - Asar naman ang hirap naman oo...
"Try to work for someone who'll challenge your powers.
You'll learn more in a year than 4 years of college."
Sent from my BlackBerry® smartphone
north_me said
Ipagpaumanhin nyo po ang ...Ipagpaumanhin nyo po ang aking kamalian..Mangyari lamang ay lagi kong naaalala ang aking kabiyak kaya siya lagi ang laman ng aking isipin..
Meron na namang pong naliligaw na kaluluwa na hindi ko mawari kung kulang lamang sa atensyon o sadyang walang magawa sa buhay..Gaya nga ng nasabi ni TNT (tatay ni trey) na wag na lamang pong bigyan pansin at baka sumikat pa siya sa mga sinulid na tulad ng ganito..
Hindi rin po natin maiiwasan ang mga ganitong mga mungkahi dahil puwede po magbigay ng kanya kanyang saloobin ang bawat isa, ang mabisang paraan na lamang po na gagawin ay wag bigyang pansin at hindi rin yayaon ay mawawala na lamang silang parang mga bula..
MO RIN...YUN LANG!!!
MO RIN...YUN LANG!!!
Qatar Idols said
binibining gusaling-daga ...binibining gusaling-daga (mallrat),miyembro rin po ng ating grupo ang aking kasama kanina. nagkataon na hindi kita/kayo nakita kaya ako po'y humihingi ng paumanhin. hindi ko po sinasadya...
at nais kong pasalamatan ang suhestyon mo nephi2... gusto ko rin yang patimpalak sa paggawa ng sanaysay. dagdag na rin natin ang patimpalak sa paggawa ng kasabihan at pagguhit.
pero teka, ako'y sandaling nakalimot habang binabasa ko ang inyong mga inilathalang suhestyon tungkol sa linggo ng wika. akin lamang naisip kung saan maganda at maaaring ipagdiwang itong ating mumunting salu salo... sasabayan ng petsa kung kailan at oras...
ngayong pagkakataon na ito, hindi ko po muna isasara ang lahat ng ating usapin at kakailanganin kong makipag-ugnayan muna sa atign kagalang-galang na pinuno (tatay ni trey) at mga sumusunod na administrasyon itong lahat ng ating suhestiyon...
Total Recovery. Result = New life, new image, new belief...
Qatar Idols said
sumasang-ayon ako ng ...sumasang-ayon ako ng bonggang bongga kapatid na hilaga_ako! kaya hayaan na po natin sya at huwag nang pansinin...
kaya sa mga nais pong ituloy ang ating pagdiriwang, maari lamang po na iwasan nating i-hijack (di ko po alam sa tagalog) ang ating sinulid.
salamat po ng marami!
What Kind of Fool... |
Total Recovery. Result = New life, new image, new belief...
walecner_iam said
maari po ba tayong magkaroon ...maari po ba tayong magkaroon ng paligasahan sa pag awit sa gaganaping pagtitipon.. kung sino ang makakaawit ng lupang hinirang ng tama ay siyang magwawagi??? PT maari ka bang sumali???
Qatar Idols said
nasa ideya ko na yan ...nasa ideya ko na yan walecner... kaya nga sa ngayon ay humihingi ako ng pagkakataong makausap ang ating pinuno tungkol sa ating munting selebrasyon...
sa ngayon, dito muna tayo at samahang hintayin natin ang karagdagang impormasyon kung kelan at saan ang pagdiriwang grupo...
Total Recovery. Result = New life, new image, new belief...
wishdom said
si kahilinga po ito... ipag ...si kahilinga po ito... ipag paumanhin po ninyo ang huli kong pagdating sa sinulid na to ... magbigay lang po tayo ng mga idiya at mga suhestiyon at ito po ay aming pagsamasamahin at sa ilang araw ay ililabas po natin ang mga nakuha nating ideya na dapat gawin para maisakatuparan na po ang ating munting selebrasyon...
.
grabe dumudugo ang ilong ko!!! (tumatawa ng malakas)
~ MABUHAY ang mga kapwa ko PINOY ~
~ ikaw na ang maganda!!! ~
wishdom said
kafatid na qi hindi ko ...kafatid na qi hindi ko akalain na ang ating munting usapan ay iyong totoohanin... dapat na sigurong pag usapan ito sa lalong madaling panahon....
.
~ don't try to ignore me but... don't cry when you missed me ~
~ ikaw na ang maganda!!! ~
nephi2kph said
PINOY-TAYO NA AKING KAIBIGAN... ...O Pinoy_tayo na aking kaibigan
Lahat ng sinabi sa taas ay pawang katotohanan
Kong sa tingin mo lahat ay kaplastikan
Sa akin po yan ay pagpapakatotoo lang
Bagama't tayo'y tunay na Pilipino
Ang dugong nanalaytay ay salin ng ating mga ninuno
Ang pagsalin sa INGLES sa wikang Pilipino
Ay talagang mahirap ayon sa aking guro sa kolehiyo
Maraming alintuntunin sa paggamit nito,
di katulad ng sa bukabularyo.
O pinoy_tayo na aking kaibigan
Sa sinulid na ito sumunod ka na lang
Ang pagbigay ng opinyon ay iyong karapatan
Ngunit ang lahat ay sa tamang paraan
Nang dahil sa iyo pagkamakata koy nasubukan
Ipagpaumanhin mo na lang aking pakikialam
Ito naman'y payong kaibigan lang
Maraming salamat sa iyo mula sa kaibuturan
Sana di magtagal tayo'y magkita at magkakamustahan.
heheheheheeh...ang may akda..bisaya
"ALWAYS stretch ur HEART & Expand your LOVE so that it TOUCHES not only those whom you GIVE it to, but also those who NEED it so MUCH"
mjamille28 said
nahilo ako sa pagbasa pa ...nahilo ako sa pagbasa pa lang kaya di ko na susubukan magsalita ng napakalalim at baka dumugo din ang ilong ko... manonood na lang ako kung sakali,

Never regret doing the things that will make you happy.. We have but one life to live and it's too short to dwell on negativities..
chadqa said
Hoy plastik_tayo este plastik ka ay pinoy_tayo pla. ...Kung wala ka namang maibabahaging maganda mas makabubuti na ika'y manahimik na. kaplastikan ba ang minsa'y pag alala? sa nakagistang wika at kinawilihang mong talaga! wag ka nang umapila at baka makutusan ka nila ng bonggang bongga..
Ika'y dina pag aaksayan pa, panahon at oras ko'y napaka halaga...
Sa mga kapatid na may magandang ideya ipag patuloy nyo lamang po at kung sakali ito ang aking unang pag sali sa inihahandang pagtitipon.
" Subukang makipagtrabaho sa taong hahamon sa iyong kakayahan. malalaman mong marami kang natutunan sa loob ng isang taon kesa apat na taon sa kolehiyo."
"Try to work for someone who'll challenge your powers.
You'll learn more in a year than 4 years of college."
Sent from my BlackBerry® smartphone
nomad_08 said
yung mga mag-susuot po ng ...yung mga mag-susuot po ng bahag, paalala lamang po mahigpit ang mga lespu ngayon baka po kayo makalaboso...
...Cha-Ching!
junarc2003 said
ipagpaumanhin ninyo na ang ...ipagpaumanhin ninyo na ang inyong lingkod ang ngayun lamang namulat sa mahimbing na pagidlip.... sa aking palagay...isang magandang adhikain ang inyong kaloob... ako po ay nagagalak na maging bahagi ng ganitong uri ng pagtitipon...marapat lamang na ating ipagdiwang ang ganitong imporanteng kasaysayan... kung anuman ang maaari kong ibahagi ay ikalulugod ko ng marami...
pahabol: nakatugma na rin ang aking signatura ng naaayon sa basahing ito( humahalakhak ng malakas habang pagulong gulong sa sahig)
"maraming salitain ang kumakalat patungkol sa akin..bahala na kayo kung alin man ang inyong paniniwalaan.."
you already!
chevydjak said
Hulin man daw at magaling...magaling pa ring GUMILING... ...Yaman rin lamang at nabigyang pansin ang paggunita sa ating Linggo ng Wika
Napukaw ang ating pagiging makabayan sa paglingon sa ating wikang pinagmulan.
Ako po'y buong pusong lalahok sa anumang pagtitipon at patimpalak
Na lalong magbibigkis sa ating mga BUNGISNGIS
Kailan ba ang petsa na inyong itinakda?
Ng hindi dali daling mapatda
Dahil baka hindi makapunta
Pero anu't anuman aking mukha ay inyong makikita, me tighiyawat man o wala!...nyahahahahahahahahahahaha
"Ikasa mo, katoto!!!"
Ang Chaka
tanya123 said
anuvayan...nahilo at dumugo ...anuvayan...nahilo at dumugo naman ang ilong ko ...
bahala kayo..pag may talaan na ng pagtitipon, makikiayon na lang ako at idadagdag ang aking sarili sa talaan...MNT
... Salted Egg ...ubos na po, sa susunod na anihan uli..
...CHO RAH MO...
CHOH RAH MOH
tanya123 said
akoy isang pinoy sa pusot ...akoy isang pinoy
sa pusot diwa
pinoy na isinilang
sa ating bansa
akoy hindi sanay sa wikang
mga banyaga
akoy pinoy
na mayroong
sariling wika
wikang pambansa
ang gamit kung salita
ay xa..di ko na alam ang karugtong..dugtungan nyo po...
... Salted Egg ...ubos na po, sa susunod na anihan uli..
...CHO RAH MO...
CHOH RAH MOH