User

Exotic Food

tatess's picture

Anu anong exotic food ang mga natikman nyo na?

nung maliit pa ko ,sa probinsya ng lola ko sarap ng palakang bukid, dagang bukid, kuhol(escargot) at kagaykay(camaro yata tawag sa ibang lugar).

Pero ngayon nakakatakot at nakakadiri na yatang kumain ng dagang bukid dahil madumi na yata sila at di na sa bukid lang nag istay kundi sa mga kanal at basura na.

Posted in:

Comments

tanya123's picture

tanya123 said no way...balot - yan exotic ...

no way...balot - yan exotic n yan sa akin, wala ng iba..

*CHO RAH MO LANG*


 

lei05's picture

lei05 said Adobong Bayawak ...

hay naku mam tats,yung maliit ako may ginawang kalokohan ang tiyong ko,alam nya kasi na di ako mahilig sa exotic food then one day,may dala syang isang platong adobo pero sabi nya manok daw yun,nung tinikman ko talagang masarap...aba dumating yung kapitbahay namin na nangangatay ng bayawak hinahanap si tiyong kinukuha yung plato daw na pinalagyan ng adobong bayawak...langhiya si tiyong nadale ako bayawak pala yung pinakain sa akin,masuka suka ako nun,asar kasi sa akin ang tiyuhin ko dahil mahirap akong pakainin lalo na dati`t mahirap ang buhay kaya siguro naisipan ng pasaway kong tiyuhin..oo maarte talaga ako sa pagkain kaya ayoko talag ng exotic food...XD

Photobucket

 

sammyblue4x4's picture

sammyblue4x4 said Food trip..I like it! Sa ...

Food trip..I like it!
Sa Baguio..dinakdakan..kahit d ako kumakain ng mamoy, napakain nila ako ng DINAKDAKAN (d best!)
...sa Barrio Fiesta...yung appetizer nila...Ginataang Golden Kuhol(pinaglalaruan ko lang nung bata ako kinakain pala yun)
...Sa Zamboanga..Ginataang Curacha (d best din)

Sa Pangasinan..yung salad na seaweed (kakaiba)
Sa La Union...fried palakang bukid(mas masarap pa sa chicken!)
Sa Isabela...Ararawan(d ko tinikman!)kalderetang aso..(d ko rin tinikman) dami dun..nakakatakot kainin..baka ako ay ma ded on spot!

"Parachutes and Mind function only when open."

 

hawker's picture

hawker said isa sa mga exotic food na ...

isa sa mga exotic food na natikam ko ay sa Singapore, yun Page (stingray) na inihaw at may inilagay sa sarsa at maraming sibuyas :)

yun naman nakita ko at inihanda (di ko kinain) sa amin sa South Korea ay yung buhay na octopus, inilagay lang sa isang bowl at gusto pang kumawala doon ng octopus at may isa pang parang higad (di ko alam ang tawag) na buhay din at luminous siya sa dilim kaya kitang kita mo ewwwww

"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."

 

tanya123's picture

tanya123 said sammy di ka kumakain ng ...

sammy di ka kumakain ng mamoy?

*CHO RAH MO LANG*


 

sammyblue4x4's picture

sammyblue4x4 said Sa Jolo, karaniwang kinakain ...

Sa Jolo,
karaniwang kinakain na ang:
Page- iniihaw lang, o d kaya kung gusto mong may sabaw..ginagataan pwede...
Pating...prito,dinadaing...iniihaw..etc...
Octpus or yung malaking squid..sarap palang ginagawang kilawin yan...
Ahas! yung dagat ahas ha?.....'la pa akong nakitang kumakain sa amin nyan...he..he..he..

"Parachutes and Mind function only when open."

 

tatess's picture

tatess said ma sarap yang page ...

na ginataan.

At syempre yang talaba ,lagyan ng suka at higupin/sipsipin.

 

mjamille28's picture

mjamille28 said hmm, i eat balut, pero yung ...

hmm, i eat balut, pero yung yellow part lang... :P

 

payaso's picture

payaso said exotic foods na nakain ko na.... hmmmmm well let see in my ...

list.

1. Ararawan (susuhong sa iba)- yummy at milky. masarap siya na tustadong prito or may konting sabaw at kamatis. hindi magandang kainin ang ulo. Pag punta nyo sa amin sa pinas, handaan ko kayo nito. heheheh

2. Balang = malaking tipaklong. Nakakain kami nito nung nagkaroon ng peste na galing Pampanga. Bulto-bulto at maraming kawan ng balang ang sumalakay sa palayan namin noon kaya, ayon sa halip na lasunin, kinain namin sila. yum yum yum.

3. Tinadtad na dahon ng mangga - masarap siyang salad na may kamatis, bagoong at sibuyas.

4. kuneho - lasang manok din. Natapos na naming kainin saka ko lang nalaman na kuneho pala yon.

5. Palaka = marami nito sa amin sa bukid. So pag lumaki kang maglulupa, di na exotic sa iyo ito. Karaniwan na lang. heheheh

6. Dagang Bukid = once pero d ko na inulit. Dami na kasing basura at subdivision malapit sa bukirin ngayon sa amin.

7. Kalderetang sawa = wow. sarap ng anghang at pagkakaluto. nawala ang lansa pero ang linamnam. para kang kumakain ng isdang kakaiba ang lasa.

8. Bayawak = malinamnam at mas masarap pa sa manok.

9. Salagubang = wow dami nito sa amin pag tag-ulan. or kauulan. Niyuyugyog lang namin ang mga sanga ng mangga namin ayon nahuhulog na sila. Masarap ang sinangkutsang luto.

10. simut-simot = alam nyo ba ito? Eto yung lumilipad galing sa nuno sa punso. Madalas marami sa panahon ng kaaani ng palay sa Abril or Nobyembre. Magsisindi kami ng kandila or gasera tapos isang malaking planggana na may tubig at presto. dadapo sila don at marami na kaming huli.

marami pa kaming kinakain nung maliliit na kami at sa hirap ng buhay, lahat ng makita naming lumilipad at makakain, pwede na pang-alis ng kumakalam na sikmura.

kayo naman.

"I can compare myself to halo-halo, the deeper you know me, the better."

 

payaso's picture

payaso said eyyyyy... meron pa pala. ung gurgurmot ba yon sa Ilokano. ...

ung sea weeds yata un. Lagyan mo lang ng asin at kamatis.

Nung una kong kinain yon nasuka ko. Malamig at malansa sa tiyan.

"I can compare myself to halo-halo, the deeper you know me, the better."

 

chinx_lady's picture

chinx_lady said pinakaexotic na natikman ko ...

pinakaexotic na natikman ko balot at ginataang page ang sarap!

 

Peppermint's picture

Peppermint said so far wala pa kasi di mo ...

so far wala pa kasi di mo talaga ako mapapakain ng food na ganyan. Saka pag di ko kilala or kaya taliwas sa nakasanayan ko itsura.

Gaya ng lang ng mga instant noodles ngayon aside from beef & chicken flavors may tinola na rin. E ang alam kong tinola may chicken at walang noodles mga ganung bagay ba. O kay gaya ng opismate ko sabi nya nakatikim na sya ng sinigang na ang gamit e sardinas o kaya ng sardinas na nilagyan ng misua.

Kaya hirap me pakainin pagnasa probinsya ako. Mag gusto ko pang magprito ng itlog na lang. hahahahhaa!

Wacky Smiley
"Wag magbubuhat ng sariling bangko..."

 

sammyblue4x4's picture

sammyblue4x4 said Ka inis ka payaso,ilokano ...

Ka inis ka payaso,
ilokano ka rin siguro..yung hubby ko ganyan din...kung ano ano ang kina-kain, tapos sarap na sarap pa...
nang iinis 'baga...

sagot ke tanya...
hindi...kc ang father dearest ko d ba muslim..bawal kumain ng mamoy sa haus...sa manila na lang me nakakain ng mamoy, college na ko non..he..he..he..pasaway ever!.

"Parachutes and Mind function only when open."

 

Don Robert's picture

Don Robert said no way, hanggang may manok, ...

no way, hanggang may manok, baboy, baka at isda sa palenke eh di ako kakain ng mga exotic na yaan eh.

 

dekyo2000's picture

dekyo2000 said hhmm sa exotik restaurant sa kalayaan, laguna ...

masusubukan ang tibay ng sikmura mo.

nagpa-prito ako ng sawa, putol putol pero sabi ko bu-uuin nya sa isang plato para feel ko talagang ahas ang kinakain ko (don't drink with beer dahil parehong malamig sa tyan saka me after taste pag dighay!) it goes well with brandy.

dami ring bayawak sa bundok ng san mateo at montalban noong bata pa kami. sarap adobohin.

minsan kumain na rin ako ng adobong salagubang at balang.

pinak-weird kong nakain sa ibang bansa eh yung giniling na hilaw na karne ng baka na me sariwang itlog sa ibabaw (steak tartare)... our german captain introduced me to this dish. mahilig din sa medyo hilaw na karne na maanghang ang mga taga dalian (northern china near north korea). sa mexico kumakain din sila ng itlog ng baka (inihaw nga lang doon - syet ang lansa!)

me napulutan kami sa shanghai na di ko malaman kung kuneho or pusa ... basta masarap sya. nakakain din kami ng buwaya sa jungle city ng manaus, brazil sa loob ng amazon river.

balot at bagoong tops the list sa pinas!

 

h4t3_m3's picture

h4t3_m3 said hmmmmmmmmmm ...

I try palakang bukidd,,, nung bata pa ko,,, and....... un pinakain ako ng tito ko sa handaan sa may inuman,,, sabi nya chicken(bata pa ko),,, un pala aso :(

Iyak ako ng iyak kc dat time may alaga ako aso :(

Balot,,, masarap ,,, pateros ako ei :)

☺♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥☺
We were given: Two hands to hold. To legs to walk. Two eyes to see. Two ears to listen. But why only one heart? Because the other was given to someone else. For us to find.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

 

plushed's picture

plushed said nung umakyat kame ng bundok, ...

nung umakyat kame ng bundok, may nag offer sa min na manghuhuli daw sya ng bayawak, tapos iluluto na nya pag baba namin, ok na (nasa gitna ng bundok bahay nya).

ginataang bayawak .. lasang chicken.

balot ... yung yellow part lang.. ang weird tignan ng balahibo paminsan may tuka na... eeeee

pating ... nakalimutan ko tawag basta hinimay sya tapos maanghang may gata din ata yun.. (lutong bicol)

ginataang kuhol ... sa bicol madalas namin kinakain nung bata ako

adobong kambing (exotic na ba yun? hehe) ... pero ang weird.. parang mapanghi na ewan. ack!

-=The desire to do what you shouldn'T is the very desire that defines Humanity=-

 

Don Robert's picture

Don Robert said Tortang surot, meron ga? ...

Tortang surot, meron ga? exotic yun!

 

payaso's picture

payaso said yipppeeee.. sammyblue. masarap naman yang mga yan... at ...

minsan sanayan lang yan. Ang mga maglulupang katulad ko na lumaki sa bukid, karaniwan na lang ang mga yan.

Yung papang ko (lolo ko) eh 92 yo na eh di pa namamatay eh yun lang naman ang mga kinakain nila. Unlike sa biyenan ng kaibigan ko na 45 palang eh natigok na, na sanay sa baboy, manok, at iba pang mamantikang pagkain.

Maniniwala ba kayo ang lola (73yo) ko eh nag-ggym pa at lumalaban pa ng balibol sa bayan?

sige nga..

"I can compare myself to halo-halo, the deeper you know me, the better."

 

Don Robert's picture

Don Robert said Wala yan sa Lolo ko....lol:) ...

Wala yan sa Lolo ko....lol:)

 

payaso's picture

payaso said hehehehhe. /-a-t-/ Don Robert. ...

"I can compare myself to halo-halo, the deeper you know me, the better."

 

chevydjak's picture

chevydjak said baboy damo...sarap ...

balot...balat lang di ko kinakain...baka kasi di matunaw...

"BRING IT ON DUDE!!!"

 

kinimoto's picture

kinimoto said palaka,aso,salagubang,ahas ...

palaka,aso,salagubang,ahas natikman ko na but my favorite is crocodile sisig!^_~

"I don't go back on my words, that's my way of ninja"

 

Peppermint's picture

Peppermint said Eeeeeewwwww....... "Wag ...

Eeeeeewwwww.......

Wacky Smiley
"Wag magbubuhat ng sariling bangko..."

 

hawker's picture

hawker said ganito yung sa sinerve sa ...

ganito yung sa sinerve sa amin sa South Korea, panoorin niyo. Tabi-tabi po sa kumakain ewwwwwww

http://www.youtube.c...

http://www.youtube.c...

http://www.youtube.c...

"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."

 

hawker's picture

hawker said eto naman yung sa China. ...

eto naman yung sa China. wanna have some :D

http://www.youtube.c...

http://www.youtube.c...

"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."

 

SCORPION-THREE's picture

SCORPION-THREE said ....di kami mayaman, pero ...

....di kami mayaman, pero ewan ko ba sobrang arte ko sa pagkain...simple mutton nga di ko makain..yun pa kayang mga sinasabi nio?!!!...

well, galing din talga ng Pinoy..maparaan lalo ng sa panahon ng kagipitan, kahit ano pde na!! hehehehehe

 

ahmary_080908's picture

ahmary_080908 said pagkain na naman maam ...

pagkain na naman maam tatess...

Pag topic na exotic food naalala ko tuloy yong malaking Sawa sa Sapa sa amin dahil sa curiosity ko noong bata pa hindi ko talaga pinalagpas ang panahon kung paano iyon binalatan,hiniwa hiwa tapos niluluto na parang adobo ang lasa,parang fiesta sa bahay namin noon daming kumain kasi subrang laki niya at di na makagalaw dahil sa daming nakain na itik,biro niyo may itik pa sa loob..nyaaakkkk...noon pa yon,kaya pag naalala ko nasusuka na ako...sorry po sa kumakain this time...

 

qharl76's picture

qharl76 said salagubang ...

salagubang and paniki ik ik!

 

MSG's picture

MSG said Noong bata pa ako ...

Noong bata pa ako pangkaraniwang binibenta nang mangyan sa bayan nang San Miguel Bulakan eh Bayawak at Sawa binibili namin at siyang inuulam. Pati manok na Labuyo galing sa Biyak na Bato napakasarap.Nakakabili din kami nang baboy damo sa kanila.
Minsan pinulutan pa namin isda sa aquarium nang kapitbahay namin niyahahahahahah exotic din pala lasa

 

chevydjak's picture

chevydjak said pinaka-exotic...gusto kong ...

pinaka-exotic...gusto kong kainin ng buhay ung amo ng asawa ko... at patayin lahat ng empleyado ng QNB para maiulam din... leche flan!

"BRING IT ON DUDE!!!"

 

shoeaddict's picture

shoeaddict said adobong sawa ...

dugo ng ahas at kamaru natikman ko na.hmmmm...
kasali ba ang century egg sa exotic food?

 

hellomoto's picture

hellomoto said adobong aso at ahas ...

aso po nakakain napo ako nun ..hindi ko alam na aso pala kinain pag katapos ko na kumain ska ko nalaman sinabi ng kapitbahay ko aso dw yung kinain ko ...ahas din po lasang manok xa...masarap lalo na pag maraming sili na nilagay hindi mo malalaman kung ano kinakain mo..pero now ew ayaw ko na po kumain :)

 

Join the Qatar Living Community


Filipino expatriates in Qatar