Recent comments
- My Japanese robot girl does
32 sec ago - "A New Reborn"
14 min 7 sec ago - Victim by Choice
33 min 37 sec ago - That's happened to me but on
47 min 58 sec ago - Count me in for Beach Volley
1 hour 3 min ago - It's for Austronout...
1 hour 8 min ago - Phillipinos is best for
1 hour 10 min ago - Where are these Rats coming
1 hour 15 min ago - I smell a mole that likes to
2 hours 53 min ago - :)
2 hours 54 min ago
Restaurant Cuisines
- Arab (9),
- American (12),
- British (1),
- Cafe (8),
- Chinese (10),
- Doughnuts (2),
- Fast Food (4),
- Filipino (8),
- French (1),
- Indian (48),
- Iranian (3),
- Italian (9),
- Juices and Smoothies (1),
- Lebanese (9),
- Malaysian (1),
- Mediterranean (4),
- Mexican (2),
- Moroccan (1),
- Other (16),
- Pakistani (7),
- Pizza (5),
- Portuguese (1),
- Sandwiches (1),
- Seafood (5),
- Spanish (1),
- Steakhouse (4),
- Sushi (3),
- Thai (5),
- Turkish (2),
- Vegetarian (3),
- Qatari (3),
- All Restaurants
Latest news from Qatar
Ano ba talaga ang kulay ni Chiz Escudero?
I agree with Patricia Evangelista’s reading of Chiz.
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20091101-233345/Chiz-Escudero-2010
“I am leaving my party because I believe that in this way I can achieve what I am to do and the role I am meant to fulfill with regard to the elections, at this time, at this minute, not as a member of any party, not as a partner to anyone, but only myself, as myself.” -Chiz Escudero
In a follow-up interview with TV Patrol’s Ted Failon, asked on what occasion his party has unfairly dictated his actions and choices, Escudero denied he can be dictated to.
“I have never been influenced by my party. When the majority of my partymates partnered with GMA, I was the leader of the opposition in Congress. When some of my partymates ran under the administration in 2007, I ran under the Genuine Opposition, and they respected and accepted it.” -Chiz Escudero
"The rhetoric shoots itself in the foot. He claims he cannot be corrupted, that his decisions are his own. He denies his party has ever influenced him in the past. And yet he raises an indignant finger at the concept of party loyalties itself, as if a party, irrelevant of the man, can compromise a presidency." -Patricia Evangelista
QT Qs and Forums
QT Classifieds Page
Guide to Qatar
- Sample Budget and Cost of Living
- Qatar Schools Database
- Residents Guide to Qatar
- Siteseeing in Qatar
- Traffic Rules
- Attending a Qatari Wedding
- Gift ideas from Qatar
- Buying a used car in Qatar
- Renting in Qatar
- What to consider when renting in Qatar
- Preparing for Winter in Qatar
- Registering a birth in Qatar
- Blackberry phones in Qatar
- Old Qatar
- What's Happening in Qatar
- Online Shopping in Qatar
- What does Doha look like?










Comments
fRanCisM said
it was a definitive ...it was a definitive evaluation! thanks Patricia Evangelista!
leo_nardo said
There's something off with ...There's something off with Chiz that I cannot put a finger on. Pero dahil sa article na yan ni Patricia, medyo nakukuha ko na. Magaling talaga yang bata na yan.
dekyo2000 said
the multi party system in the country is a lot of crap ...the electorate is not matured enough to adhere to such system because political parties in the country are weak and are only relying on the personalities who are running under these so called groups.
a fourth generation escudero, chiz hails from a traditional family of politicians from sorsogon whose family has been in power since marcos time.
brilliant, witty and cunning ... chiz has mastered the art of politics and how to manipulate the so called "masa" to charm his way into power.
honestly ... i do not trust this man! (opinyon lang po)
fRanCisM said
hmm talagang magaling si ...hmm talagang magaling si Patricia...
1st Filipina to win the Best Speaker award at the International Public Speaking Competition sponsored by English-Speaking Union (ESU, 2004)
back to the topic...
I agree with you Idol Dek!, since tukayong francis escudero is a so called "trapo" sorry for the word! but truly, color of every candidate will come as the presidential election comes closer...
hawker said
this says it all, taken from ...this says it all, taken from Patricia's article;
"I do not write this to defend the NPC, or to celebrate the less than admirable goals of the existing party system. I write this because I am offended by one man claiming to be a hero when he is simply a man who made a choice for himself, the same as most men, I write this because I am one of the young people he claims to represent. Mostly, I write this because, very frankly, I cannot trust a man whose mouth says one thing, and his eyes another."
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
chevydjak said
I don't like him ...I don't like him either...
"BRING IT ON DUDE!!!"
sammyblue4x4 said
Ano ba talaga ang kulay ni ...Ano ba talaga ang kulay ni Chiz Escudero?
....BERDE!...green..green...green...
ika nga nya..CHIZ.. ang namesung ko..'wag naman akesh...
...i- CHIZ-mis....mismo!...Ahhmmmppp!
"Parachutes and Mind function only when open."
mical said
Trapo din siya...the way na ...Trapo din siya...the way na lang pag magsalita sya on cam eh talagang palaging parang nag e-speech, pangpapogi lang...
" Tomorrow is not just another day, it's another chance..."
tatess said
Hé is ...full of shit!i dont trust him either.
superman09 said
hayyy...dinadaan lang tayo ...hayyy...dinadaan lang tayo nito sa pa-makatang salita, pero ewan ko kung ano ang kanyang nagawa...
Cogito...ergo, sum.....
MSG said
A GOOD LEADER IS A GOOD ...A GOOD LEADER IS A GOOD FOLLOWER, never siyang sumunod sa Administration. Galing siya sa Political Clan ano pa hahanapin niyo.
foci3173 said
so where are those MTRCB in this Forum? ...pagnagcocomment ka ng tagalog sa mga thread na English san eh dinidelete ninyo pero pag may nagbibitaw ng SHIT ok lang UNFAIR nga kayo.
TO: Tatess please wala akong masamang tinapay sa iyo sa mga MTRCB lang ng QL ako may hinanakit.
"Don't Dive with Me if you can't take the PRESSURE"
Vivo Bonito said
“Killer speech of chiz!” ...This is the original draft of Sen. Francis Escudero’s speech delivered at Club Filipino last Wednesday morning.
Titles as~~~ CHIZEE, smile na lang po... say chiiiz!;D
“Maraming salamat po sa lahat ng taong nandito lalung-lalo sa mga kababayan kong Bicolano sa walang pag-aatubiling pagtungo sa gusaling nasa latitude 14° 36′ 14″ Hilaga ng Equator at longitude 121° 2′ 56″ Silangan ng Prime Meridian sa Mapa ng Maynila, na mas kilala rin sa pangalang Club Filipino.
Nais ko pong ipabatid sa inyo na ako ay nagpaalam na at nag-resign na bilang miyembro ng Nationalist People’s Coalition o NPC, ang partidong itinatag ni Ginoong Eduardo ‘Danding’ Cojuangco ang ninong namin sa kasal ng aking asawang si Cristine, at founder ng NPC na aking kinaaniban sa nakalipas na labing-isang taon ng aking pagiging pulitiko sa Mataas na Kapulungan man ng Kongreso na kung tawagin natin ay Senado o sa Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang kinatawan ng lalawigan ng Sorsogon na walang kahihiyang nanguna sa tangka ngunit bigong pagpapatalsik sa noo’y Chief Justice na si Hilario Davide katulong ang noo’y kongresista at paboritong pamangkin ni Ginoong Cojuangco na ngayo’y kalihim ng tanggulang pambansa na nag-aambisyon ding maging pangulo ng Pilipinas na si Gilbert “Gibo” Teodoro.
Sinuman pong nagpa-planong tumakbo bilang pangulo, dapat wala pong partidong kinabibilangan, NPC, LP NP, Lakas, Kampi, LAMMPP, PDP-Laban, Magdiwang, Magdalo, Bayan Muna, Akbayan, Migrante, Anakpawis, Sanlakas, Lapiang Manggagawa, Alyansa ng mga Sabungero, Ang Ladlad, 1-UTAK, SMILE, SAMASA, ISA, STAND-UP, KAISA, ALYANSA, (FYI: Mga political parties ‘yan sa UP), Sigue-Sigue, OXO, Sputnik, Ativan Gang, o ano pa man.
Ang dapat na partidong kinabibilangan ng sinumang nagpa-planong tumakbo, dapat po Pilipinas. At lahat ng mga ka-partido niya dapat lahat din Pilipino. Bata man o matanda, babae o lalake, mayaman o mahirap, nakapag-aral o hindi, dilaw man o pula ang kulay, binoto ka man o hindi, maka-Dos man o Maka-Siyete, Globe man o Smart o Sun kapag nagtitipid, tuli man o supot, bakla man o lesbiyana, out man o discreet, bisexual man o straight-tripper, top man o bottom, lights off o lights on, dapat ituring mo ng pantay o pareho dahil kung hindi, baka magkaroon ng kaguluhan sa Pilipinas na mas lalong magpapahirap sa milyun-milyon nating kababayan at ‘yun ang hinding-hindi ko kayang tanggapin bilang lingkod-bayan na nagnanais ng bagong pagbabago sa ating bansa na matatagpuan sa Timog Silangang Asya at nasa tinatawag na Pacific Ring of Fire kung saan madalas magkaroon ng lindol na hindi naman kayang ipredict kahit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na dating pinamumunuan ng namayapang si Raymundo Punongbayan.
Nagbitiw po ako dahil sa tatlong kadahilanan na iisa-isahin ko kung inyong mamarapatin ngunit kung hindi naman ay iisa-isahin ko pa rin dahil sayang naman ang pagkakataong tayo ay nagkakatipun-tipon sa gusaling ito na nasa latitude 14° 36′ 14″ Hilaga ng Equator at longitude 121° 2′ 56″ Silangan ng Prime Meridian sa Mapa ng Maynila. Ang tatlo pong dahilan ng aking pagbibitiw ay ang sumusunod. Una, hindi ako heredero katulad ni Gilbert Teodoro; pangalawa, hindi ako haciendero katulad ni Noynoy Aquino, at pangatlo, lalo pong hindi ako bilyonaryo katulad ni Manny Villar.
Ngunit ito po ang dapat na unawain n’yo: hindi po salapi o pondo ang dahilan ng pagbibitiw ko sa partido at lalong hindi dahil sa napabalitang alitan namin ni Ginoong Eduardo Cojuangco bagamat gusto kong bigyang diin na hindi ako heredero katulad ni Gilbert Teodoro; hindi ako haciendero katulad ni Noynoy Aquino, at lalo pong hindi ako bilyonaryo katulad ni Manny Villar na malayang makakagastos sa halalang matagal ko na ring pinapagplanuhan subalit hindi ko pa lubusang napagpapasyahan kaya’t ito po ang gusto kong iparating sa lahat: hindi po kakulangan sa pera ang dahilan ng aking pag-atras datapwat kung mabibigyan ako ng pagkakataon ay gusto ko ring maranasan ang maging heredero katulad ni Gilbert Teodoro; maging haciendero katulad ni Noynoy Aquino, at lalo na po ang maging bilyonaryo katulad ni Manny Villar.
Hayaan po ninyong pag-isipan ko ang aking mga susunod na hakbang dahil kailangang kunsultahin ko, hindi lamang ang aking pamilya o kaibigan, kundi maging kayong lahat na kapartido ko na ngayon lalo pa’t ako’y malaya nang makapagpapasya kung ano ang nararapat at makakabuti sa lahat ng tao sa Pilipinas na ninanais ko ring umunlad ang buhay at umangat ang estado sa lipunan katulad ni Gilbert Teodoro na isang heredero; ni Noynoy Aquino na isang haciendero at, lalo na po ni Manny Villar na isang bilyonaryo.
Sa huli, isa lamang po ang hinihiling ko sa lahat: huwag ninyong paniwalaan ang walang basehang alegasyon na salat ako sa pondo kaya ako nagpasyang iwan ang partidong hindi maiwan-iwan ngayon ni Loren Legarda dahil sa pangambang baka ang aking pagbibitiw ay maging mitsa ng katapusan ng kanyang karera sa pulitika. Mali po ‘yon. Hindi po salapi o kontribusyon mula sa mayayamang negosyante ang nagbunsod sa aking pagbibitiw sa NPC bagamat aaminin kong hindi po ako heredero, hindi po ako haciendero at lalo pong hindi ako bilyonaryo.
Maraming salamat po sa inyong lahat at mabuhay ang sambayanang Pilipino lalo na ang maliliit na taong tapat na naglilingkod sa mga heredero, haciendero at bilyonaryo.”
tatess said
vibooooooooo ...akala ko serious! galing naman ng speech!
Peppermint said
Actually, i like chiz if di ...Actually, i like chiz if di nga tatakbo si noynoy baka yan ang iboto ko e o kaya kahit vice lang. For me magaling talaga si chiz kahit bata pa alam nya ang tama at mali sa government kaso sa tingin ko if pagbabasehan ang mga pangyayari sa Pinas ngayon at kung tatakbo sya as president malabo syang manalo bukod pa sa alam nya sa sarili nyang wala syang malaking pondo para tustusan ang pangangampanya. Umalis sya sa partido para maiwasan cguro ung sulsol at utang na loob incase na manalo nga sya na pwedeng magcontrol at sumira sa kanyang pamamahala.
Sa tingin ko (SANA) wag na lang syang tumakbo as presedent or kahit na vice lang. Try nyang magsenador at sure win pa sya dun. Saka additional experience pa para mas makapaghanda sya sa susunod na Presidential Election!
"Wag magbubuhat ng sariling bangko..."
leo_nardo said
May 3 years pa si Chiz sa ...May 3 years pa si Chiz sa current term nya.
chevydjak said
kahit naman matalo si chiz ...kahit naman matalo si chiz as VP, senador pa din sya di ba?
"BRING IT ON DUDE!!!"
Vivo Bonito said
Millions of Filipinos ...Millions of Filipinos flocked to cemeteries nationwide in observance of All Saints Day. It’s the time of the year when we remember the departed.
There have been some notable deaths over the past 365 days. To name a few, young actor Marky Cielo; film producer Espiridion Laxa; rapper-composer Francis Magalona; former president Corazon Aquino, and Francis Escudero’s political career...:D
greentea said
never kong nagustuhan yan si chiz ...marami nagsasabi magaling sya... oo magaling nga sya magsalita... pero everytime maririnig ko sya magsalita nililipat ko ang channel o ang attention ko sa iba... kc parang puro lng sya salita... khit kababayan ko yan, bikolano, d ko sya iboboto... same here: i dont trust him
Don Robert said
Magaling sya sa plataporma ...Magaling sya sa plataporma nya but I don't know if he will last sa pagka pang-ulo kapag kinain na sya ng buhay ng mga buwaya na nasa paligid nya. He has the brains but I'm not sure if he has the gots.
Malambot sya magsalita, malambot sya kumilos....Mas gusto ko na ang maging pangulo ay kasing tapang ni Marcos mag desisyon.
Hu Wan said
Buti naman madami sa atin dito ...ang nakakapuni sa totoong pagkatao ni Chiz. Kung natandaan nyo s'ya po ay isa sa mga brat pack noon sa Congreso na nagsagawa ng impeachment complain laban kay Chief Justice Davide na hadlang sa pagupo ni Danding Cojuangco bilang Chairman ng SMC. Alam na natin kung sino si Danding. Sino si Justice Davide? May bahid ba s'ya ng ano mang katiwalian?
Ngayon sasabihin ni Chiz na ayaw nya padikta o di s'ya nagpapadikta, isa sa dahilan kaya s'ya umalis ng NPC. Kala n'ya po siguro estupido ang karamihan ng pinoy! One plus one lang po.
Tama po kayo Sir Deks, isa s'yang dyed-in-the-wool trapo, ka-liga nila Miriam Santiago!
__________________________________________________
"No one is in charge of your happiness except you"
chevydjak said
political macho dancer! ...partner ni loren legarda na political prostitute!
I remember davide...camry lang para sa supreme justice...kinukwestyon...watdapak! (pahiram johnpur)...samantalang dito taxi lang yan... pero ung mga kongresistang suv na 4x4 pa super bulletproof pa sasakyan at limpak limpak ang assets without liabilities...keberlu lang?
"BRING IT ON DUDE!!!"
Don Robert said
Ayaw nya magpadikta sa kung ...Ayaw nya magpadikta sa kung kanino man.......paano nya babayaran ngayun ang pinang gastos sa kanya ng mga nagpatakbo sa kanya, mahigit isang bilyong piso ang kailangan at wala naman siyang ganun kalaking pera, paano nya babayaran? Paano mo ba babayaran ang utang na loob? eh di sumunod ka sa gusto ng pinagkakautangan mo...
He also considered an option for not running and I think that it would be a wise decision if he stands down from running the presidency.
Tama, isa pa yan si Legarda, hindi nya malaman ngayun kung saan sya lulugar...
tasmanian devil said
Salvador "Sonny" H. Escudero III "Marcos Crony" ...Like Father Like Son
.
Representative, 1st district, Sorsogon
House of Representatives
1987-1998
Secretary
Department of Agriculture
Ramos administation
Representative
Batasang Pambansa
1984-1986
Minister
Ministry of Food and Agriculture
1984-1986
Assistant minister
Ministry of Food and Agriculture
1980-1984
Director Bureau of Animal Industry 1975-1984
Dean and Professor College of Veterinary Medicine, University of the Philippines Los Baños 1970-1984
Director
UP Veterinary Hospital
1968-1969
.
.
"peace is not merely a distant goal that we seek, but a means by which we arrive at that goal"
s2dius said
agree ako Don Robert... ...agree ako Don Robert... kelangan natin ng mas higit kay Marcos- mas matapang magdesisyon.
SI chiz family niya ang matagal na humawak ng Sorsogon- ano na ba ang sorsogon ngayon kung pagbabasehan natin ang mga bola ni CHiz?
greentea said
political suicide ang ginawa nya ...pano sya mananalo kung walang partido????
ai buti na lng ginawa nya yan...
Vivo Bonito said
Chiz – master of empty ...Chiz – master of empty rhetoric and a walking thesaurus. Lack of funds at bumababang popularity rating, that’s it pancit! dami pa palabok nitong si Chiz pag nag iispitss...:D
dmigtysolomon said
kahit saang forum, mas matindi ang oposisyon..... ...it's really hard to focus on the goodness or positive aspect of anyone. Easier to pinpoint the negative side. For sure, if Chiz run in QL filexpat group, judging from above, siguradong talo cya.
Pero kung ang other choices are mas bad, maybe, maybe we can see some good thing about this young man. Madaling humusga kapag walang choice, pero pag may iba na, i'm not sure. Ilan na ba botante sa Pinas? Bumoboto kaya itong si Patricia? I just wonder!
"Don't let a little dispute injure a great friendship"
Don Robert said
Ewan ko sa iba but para sa ...Ewan ko sa iba but para sa akin di sya maaari talaga, Pinag-aralan ko na ang advantage and disadvantage kapag sya ang naupo sa pwesto at for me it all boils down to one thing. Hindi nya kakayanin
s2dius said
so who should we go for don ...so who should we go for don robert? sino ang makakakaya?
sipag at tiyaga of villar?
the respect to aquino's parents?
........................................................
-= This is absurd. This is absurd =-
Hu Wan said
s2dius kayo po ang makakasagot sa tanong nyo ...Dapat ang iboboto mo yung makakasagot sa iyong mga katanungan: ano ba meron ako, aking pamilya, aking mga kababayan, at ang aking bayan kung manalo s'ya. 'Wag ihinto sa atin lamang, kundi sa anak mo at sa kinabukasan ng sambayanan.
Sa akin lang po parang madali lang kasi makapile kasi tinitingnan ko ang karakter o ano ang kanyang panindigan na personal at pang-publiko. Importante po ang kanyang nakaraan (parang kriminal po. kung may 'prior' yan malaking porsyento uulitin at gagawin n'ya na naman). Di ibig sabihin perpekto ang mapipile n'yo sa ganitong panuntunan bagkus, panatag ang loob n'yo na tama ang pinile n'yo maski di man s'ya nanalo. Nung lumabas si Miriam Santiago sa mundo ng pulitika, nakita ko ang lakas ng dating n'ya kasi uhaw at sabik ang mga tao sa mga pinapakita n'yang 'henyo' at 'tapang', pero di pa rin ako naniwala at bumoto sa kanya. Wala akong naririnig na kadakilaan sa maliit man o malaking bagay na nagawa n'ya.
Oo, ibinoto ko si Cory noon at sa panahon na yon maski aso iboboto ko para lang mapalitan si Marcos, na sa aking paniwala ay s'ya ang pinakadahilan ng ating mga problema. At di ako nagsisisi sa aking desisyon. Nung matapos na si Cory, ang ibinoto ko ay si Salonga, di si Ramos (Edsa hero kuno, pero sino at ano s'ya bago mag EDSA?) o si Miriam. Nung matapos si Ramos ang ibinoto ko ay si Roco. Oo puro natalo, pero masaya at malinis ang aking konsensya. Sila ang pinapaniwalaan ko na nararapat noon at makakasagot sa aking mga minimithi para sa aking pamilya at ng ating bansa.
Ngayon malapit na naman ang eleksyon. Sino sa tingin ko ang nararapat? Sinabi ko na ang panuntunan ko: sino ang may malinis na karakter sa kanilang lahat na nagnanais na maging Pangulo? Opo, s'ya nga po 'yon. =)
__________________________________________________
"No one is in charge of your happiness except you"
juandelacruz_qatar said
kay amay bisaya na lang ...kay amay bisaya na lang tayo.....
.
.
.
************************************
If Electricity Comes From Electrons,
,,,,,Does Morality Come From Morons?
************************************
Places To Go, People To Annoy.......
************************************
chevydjak said
kaya nga ako wala akong iboboto... ...kasi di ako naniniwala sa lahat ng pulitiko.
Saka na lang pag naniniwala na ko sa kanila...
Bahala na kau...
"BRING IT ON DUDE!!!"
Don Robert said
Si Roxas ang bet ko but ...Si Roxas ang bet ko but since he gave way to aquino, I would vote for the both of them...kung sumablay man si aquino, kapalit nya si roxas...