Recent comments
- Salut
12 min 58 sec ago - Eco: But it is given to alcoholics whose exes have remarried?
18 min 14 sec ago - disconnected internet
22 min 33 sec ago - 2 newspaper reports come to
26 min ago - anchor free!!!!!!
26 min 24 sec ago - hmm
27 min 54 sec ago - well it happened to me once while in doha!!!
28 min 17 sec ago - Subscribe to a VPN
32 min 1 sec ago - heheheheh
34 min 57 sec ago - thats the problem, how can
36 min 56 sec ago
Restaurant Cuisines
- Arab (9),
- American (12),
- British (1),
- Cafe (8),
- Chinese (10),
- Doughnuts (2),
- Fast Food (4),
- Filipino (8),
- French (1),
- Indian (48),
- Iranian (3),
- Italian (9),
- Juices and Smoothies (1),
- Lebanese (9),
- Malaysian (1),
- Mediterranean (4),
- Mexican (2),
- Moroccan (1),
- Other (16),
- Pakistani (7),
- Pizza (5),
- Portuguese (1),
- Sandwiches (1),
- Seafood (5),
- Spanish (1),
- Steakhouse (4),
- Sushi (3),
- Thai (5),
- Turkish (2),
- Vegetarian (3),
- Qatari (3),
- All Restaurants
Latest news from Qatar
Illegal Recruitment...sino bang dapat sisihin???
Nagpipigil sa pagiyak si JENG habang ikinukwento nya ang nangyari sa kanya. Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit at sama ng loob kasi nga, siya ay isa na naman sa maraming naging biktima ng ILLEGAL RECRUITMENT.
6:20AM kahapon nga nakilala ko si JENG, isang kababayan na kadarating lang ng Qatar (First Timer). Katamtaman ang taas, balingkinitan, at medyo namumutla. Unang kita ko pa lang sa kanya, nasabi ko sa sarili ko na di nya kakayanin ang trabaho.
10:00AM nang binisita ko sya, nahihilo at masakit ang ulo. Nang tinanong ko kung kumain ba sya bago pumasok, dun nya nasabi na di pa sya kumakain ng kanin since umalis sila ng Pinas.
At heto ang kanyang kwento:
Si Jeng ay nag-apply ng trabaho sa isang recruitment agency sa Malate, Maynila bilang HOTEL EMPLOYEE/JANITRESS. Katulad ng dati, kailangang may Placement Fee na siguradong malaki. walang kopya ng kontrato, walang OEC, at sya pa ang nagbayad ng TERMINAL FEE worth Php750.00 na ang AGENCY dapat ang magbayad. Sa airport na rin nya nakuha ang passport at plane ticket at walang explanation o tagubilin man lang ng AGENCY kung ano ang susunod na mangyayari.
Lumapag ang eroplanong sinasakyan nya at ng isa pang Pinay sa Doha International Aiport noong Sabado ng umaga. 9AM, nasa Arrival Lounge na sila, nag-aantay ng susundo. Ang baong hopya ang nagtawid gutom sa kanilang dalawa sa loob ng maghapong panghihintay.
7PM na nang may dumating para dalhin sila sa kanilang accommodation. Sa sobrang pagod, nakatulog na sila ng hindi man lang naghahapunan.
Kinabukasan, ginising sila ng supervisor at sinabing papasok na sila sa trabaho. Nang siya ay makiusapo na kung pwedeng bigyan sila ng pagkakataong makapagpahinga at makapag-ipon ng lakas, sinagot sila ng : "Kung gusto ninyong sumuweldo, magtrabaho na kayo".
Napilitang pumasok si JENG at laking gulat nya dahil hindi sya sa hotel dinala...kundi sa isang eskwelahan. Dito nagkrus ang aming landas.
Dahil na rin sa pag-aalala ko, tinanong ko yung ibang pinay na nagtatrabaho sa eskwelahan bilang cleaner. At dito ko nalaman na:
1. QAR800 ang sweldo nila, libre ang akomodasyon pero di ang pagkain.
2. pag bagong dating ka, bibigyan ka ng QAR100 pambili mo ng pagkain sa loob ng isang buwan at ibabawas di sa sweldo mo.
3. Laging delayed ang pasweldo.
Sa isip-isip ko, bakit nga ba may mga taong nabubuhay o kumikita sa panggagantso o panlilinlang ng kapwa.
Di na siguro mawawala ang ILLEGAL RECRUITER. Kasi nga, hangga't may nagnanais guminhawa ang buhay at ng kanyang pamilya at ang PAG-AABROAD ang naiiisip na tanging paraan, may mga NILALANG na SASAMANTALAHIN ang pagkakataon.
Sino nga ba ang dapat sisihin? GOBYERNO? ANG MAMAMAYAN?
Sino ba ang tutulong? Ang EMBAHADA (sangay ng Gobyerno)? ang kapwa OFW?
QT Qs and Forums
QT Classifieds Page
Guide to Qatar
- Sample Budget and Cost of Living
- Qatar Schools Database
- Residents Guide to Qatar
- Siteseeing in Qatar
- Traffic Rules
- Attending a Qatari Wedding
- Gift ideas from Qatar
- Buying a used car in Qatar
- Renting in Qatar
- What to consider when renting in Qatar
- Preparing for Winter in Qatar
- Registering a birth in Qatar
- Blackberry phones in Qatar
- Old Qatar
- What's Happening in Qatar
- Online Shopping in Qatar
- What does Doha look like?










Comments
Don Robert said
Illegal recruiter ...Illegal recruiter, pero ang mas higit na dapat sisihin dito ay ang Imigration natin at POEA na walang ginawa kundi mag palaki ng itlog diyan sa airport..
Ang makaka-tulong diyan ay tayong mga OFW na mas nakaka-alam sa bagay na iyan. Inutil lahat ng sangay ng gobyerno kaya wala silang aasahang tulong diyan..
azilana7037 said
Don Robert, paano nga? wala namang boses ang mga OFW dito ...Ano ang solusyon? Pauwiin ang mga biktima? Sino naman ang magbabayad ng mga utang na ginamit na panggastos, makapag-abroad lang?
Habulin man nila yung recruiter, panahon ang kalaban. Sa ating bayan, PERA ang nangungusap...kung wala ka nito, sa kangkungan ka malamang pulutin.
chevydjak said
nakakalungkot... ..."BRING IT ON DUDE!!!"
hawker said
kawawa naman si kababayan na ...kawawa naman si kababayan na nabiktima ng illegal recruiter.
pero sino nga ba ang dapat sisihin? madali kasing magturo.
pero i always stand by this:
"ignorance of the law, does not make one innocent"
kasi doon pa lang sa kwento niya ay may mga mali na. ang masakit lang talaga ay may mga nanamantala sa mga taong tulad ni kabayan.
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
azilana7037 said
totoo, chevydjak... ...Pinauwi ko si JENG kahapon dahil inuubo at may sinat. Takot ang mga kasama ko sa trabaho dahil na nga sa H1N1 at since bagong dating sya, di pa siya name-MEDICAL. Nilagnat daw sya pag dating nya ng accommodation.
Tinawagan ko kagabi para kumustahin ang kalagayan nya. Pinakain na dw sya ng iba nyang mga kasamahan sa bahay.
azilana7037 said
hawker , nasabi ko nga sa kanya ang mga mali ...di naman daw nya masabi sa tatay nga kasi:
1. wala na syang pera. yung terminal fee na binayaran nya ay galing sa baon nyang One thousand.
2. takot sya na sumugod ang tatay nya sa agency at mapahamak.
Glorya said
ako rin maawain ako sa ...ako rin maawain ako sa ganyan naging biktima ng illegal recruiter kasi ako man minsan naging biktima din nyan
sa kagustuhan ko nga makaalis ng bansa naten. pinasasara dapat yan ganyan recruitment agency kasi nanglalamang ng kapwa at isa pa kapag yon nrecruit nila nagkaroon ng problema di mo malaman kung saan mo hahagilapin, tayo kasi hanggat maari kumakapit tayo sa walang kasiguraduhan bagay basta nagbabakasali guminhawa ang buhay at makaalis sa bansa. walang puso rin naman ang mga recruitment agency hindi nila iniisip ang magiging kalagayan ng ating mga kababayan kanilang pinadadala sa ibang bansa mahalaga sa kanila kumita sila. may karma din yan mga taong nasa ganyan mga gawain nakatingin naman ang Diyos.
sa kahirapan ng buhay sa pinas naiisp naten mangibang bansa para makaraos tayo sa araw araw sa kalagyan ni Jeng mas doble pa hirap ang mararanasan nya
chevydjak said
wala habol yan... ...visit visa sya right... kasi me terminal fee e... ang OFW kasi wala terminal fee...
Ngaung araw anu na sitwasyon nya?
"BRING IT ON DUDE!!!"
hawker said
she has two choices either ...she has two choices either to stay and slug it out until her contract expires, or report her case to polo/owwa.
alam ko parang suntok sa buwan kapag nag-report siya sa polo/owwa. pero yun lamang ang nakikita kong choices sa kaso niya.
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
dima_123 said
kawawa nmn ...cla kabayan, maswerte p pala ako, ako delay lang sahod ko...kung bakit kc s dami ng manggagantso satin dpt gamitin ko d2 ung sabi ni juan s isang thread "i say kill 'em all"..susko ng mabawasan nmn
azilana7037 said
tama ka, chevydjak...sa palagay ko, visit visa sya ...nabanggit nya na 3 buwan lang ang visa nya...
Di ko na muna sya pinapasok...di ko alam kung ibabalik sya ng kompanya nya sa school namin bukas. Mas maigi nga sana kung sa amin na sya ma-assign para maalalayan ko man lang.
Kaso, yung company nila, sub-contractor lang ng maintenance company na nagse-service sa min...hay!!!
Don Robert said
Para sa akin, magsulat tayo ...Para sa akin, magsulat tayo ng magsulat tunkol sa kapalpakan ng mga POEA na iyan sa mga Filipino Community Site at siguradong may nagbabasa diyan na mga kolomnista sa atin. Hindi man agaran ang solusyon pero darating din ang araw dahil sa dami ng reklamong naka post eh matutugunan din ang hinaing ng mga sinamang palad nating kapatid dito sa gulf. Tulad ko, nag susulat ako ngayun ng parang summary ng mga masalimuot na kwentong narinig ko dito sa qatar at kapag natapos na ay ipapadala ko sa abante, mabuhaycity, at epopost ko rin sa ibat ibang filipino site sa internet....
azilana7037 said
hawker, sa palagay ko...magtitiis si Jeng ...at makikibaka na lang dito sa Qatar.
nakikita ko sa kanya ang pag-aalala sa tatay niya. Mukhang malaki ang nagastos nila makaalis lang ng Pinas.
Don Robert said
Well Azilana, andyan ka ...Well Azilana, andyan ka namang nakakausap mo sya, kapag may emergency talaga eh I'm sure na matutulungan naman natin sya kahit papaano..
azilana7037 said
Don Robert, mas maigi siguro kung mawa-warning-an ...yung mga nag-aapply sa agency na inaplayan nila Jeng at ng mga kasamahan nya.
Di ako sure kung JOBSTAR or what...itatanong ko ulit pag nakausap ko sya mamaya...
hawker said
Azi, yup thats one of the ...Azi, yup thats one of the best thing. ma-report yun recruiter para di na maka-pam-biktima ng iba pa nating kababayan.
"How far you go in life depends on you being tender with the young, compassionate with the aged, tolerant of the weak. Someday you will have been all of these."
dekyo2000 said
it was her choice....sumugal sya ...at sa lagay ng baraha ngayon ... me talo sya.
palamuti na lang lahat ng klaseng hayup na dina-anan nya para maka-rating dito at sa paligid nya ngayon!
umuwi na lang sya kesa mapahamak pa lalo sya. face her fear rather that eat her stupid owndoings.
invite nyo na lang ako sa send off partee nya! ... partee on!
chevydjak said
I think wala kasalanan POEA... ...Me kasalanan din si jeng...
Di sya dapat umalis ng bansa na naka-visit visa...dapat working... at pag working for sure dadaan ng POEA...malaki ang habol... at duon me justification ang pagrereklamo...as fas as i understand di dumadaan ang visit sa POEA... and if u know that u'll goin to work outside the country u should demand for working visa...
Pero wala na tau sa siste ng kung sino ang me kasalanan, isipin na lang kung paano sya matutulungan... Sa phil embassy dapat sya ilapit...habang bago pa ang nakaupo.
marami talagang manggagantso magkapera lang...sana lang wag taung magpapagantso...matuto tayong magtanong kung di alam ang gagawin.
"BRING IT ON DUDE!!!"
Don Robert said
Oo Azilana, itanung mo kung ...Oo Azilana, itanung mo kung anong agency yan at igagawa natin ng istorya para ikasira nila..
Don Robert said
chevy, di naman lahat sa ...chevy, di naman lahat sa atin ay maalam pag dating sa ganyan, maski ako nga dito ko nalang nalaan ang tunkol sa mga working visa na iyan... yang mga impakto talaga diyan sa gobyerno ang dapat sisihin...
azilana7037 said
dekyo2000...lahat naman tayo sumugal ng umalis ng PINAS ...mas malamang sa hindi, ilan lang TAYO sa mga sinuwerte dahil either MAY ARAL tayo, MALAKAS ANG LOOB at MARUNONG LUMABAN.
Pano naman ang mga katulad ni JENG na KUMAPIT SA PATALIM dahil sa matinding pagnanais na umasenso?
Alam nating lahat, it's a "DOG EAT DOG" scenario dito sa Qatar at MATIRA ang MATIBAY...
Nakakalungkot isipin na marami sa tin na may pananaw na "buhay nila yan eh...take it or leave it"
chevydjak said
un na nga don robert...pag di alam magtanong... ...pero i'm not blaming her... mahirap lang po kasing magreklamo pag invalid ang irereklamo...
Lam mo na ang Gobyerno...ikaw pa sisisihin nyan... kahit dito di ba...pag di ka sumunod...ikaw din ang sisisihin.
"BRING IT ON DUDE!!!"
chevydjak said
that's not the point azi... ..." buhay nila yan...take it or leave it"...
Kahit saan kasi ignorance is not an exception.
Alam mong sugal me talo me panalo, at alam yun ng mangmang o me pinagaralan...
Tulungan na lang natin sya...
"BRING IT ON DUDE!!!"
azilana7037 said
chevydjak, ako pumasok sa Qatar as Business Visa ...at ang amo kong Qatari ang may-ari ng agency dito. May 5 siyang accredited agency sa Pinas. Halos araw-araw ako nun sa 5 agency na yun working as Marketing Executive/Coodinator at walang nga-explain sa kin regarding the legalities and types of visa. Dito ko na lang sa Qatar nalaman yan pag dating ko. Ako mismo ang nakikipag-away noon sa mga arabic employers ng mga pinay kadama pag naaargabyado sila.
Di rin malinaw ang explanation sa kin ni Jeng kahapon. Marahil na rin dahil sa gutom, hilo at homesickness.
mantakin mo na di pa nakakapag-adjust yung tao sa JETLAG at TIME DIFFERENCE...lalo na sa klima. Ako nga, sa laki ng katawan ko nagkasakit the day after i arrived.
Don Robert said
Tama, kaya nga sabi ko ...Tama, kaya nga sabi ko walang tutulong sa atin dito kundi tayotayo din laang....
Ngay-un na tayo ay hindi namromroblema tulad nila, kapag wala kayong ginagawa ay mag sulatsulat kayo tunkol sa kamalasan ng iba dito dahil sa kapabayaan ng ating mga ahensya at ipadala halimbawa sa balitang middle east, kay mike enriquez, kay tulfo at sa kung kanino pang media diyan para maisiwalat na ang kapalpakan nila.
azilana7037 said
chevydjak, AGREE AKO...nas ko ring matulungan siya ...kaso, in what way na hindi tayo lalabas na nanghihimasok?
Palakasin ang loob at alalayan for the next 3 months and see what happens next?
Iturn-over sa EMBASSY/POLO ang case nya?
Iniisip ko ng kagabi, dadalawin ko na lang sya pag may pagkakataon at tingnan ang kalagayan nya. Titingnan ko kung ano ang mga pangangailangan nya at baka-sakaling may maitulong ako, maibsan man lang ang nararanasan nyang hirap at daranasin pang hirap...
dekyo2000 said
dear azi... ...isa sa sampu pilipino ay ofw ... lahat ng pamilyang pinoy eh me ofw ... dapat inalam nya ang susuutin nya. bakit ka sasabak sa giyera kung toothpick lang ang sandata mo? ang nagtatanong ay nagmumukhang tanga pero ang hindi nagtatanong ay nanatiling tanga!
minsan katangahan na lang ang nagtutulak sa atin puma-ibang bayan. walang manloloko kung walang papaloko. nagbayad marahil sya ng malaki, nag-benta ng gamit, nangutang ... pera lang yon ... kung gusto mo tulungan mo at magtayo ka ng foundation or fund raising project para sa kanya kesa magtiis sya dito ...!
alam nya palang kakapit sya sa patalim eh alam na ring nyang masasaktan sya .... ngayon kung aantayin pa nating mamatay sya sa gutom at hirap dito eh mag-aabot na lang ako ng pandagdag sa pamasahe nya kesa sa pamburol nya.
partee on pa rin!
Don Robert said
fund raising? agree ...fund raising? agree ako.....alamin muna kung ano talaga ang makakabuti sa problema at hand, wag na natin syang sisihin at tulungan na laang natin sya sa abot ng ating makakaya...
chevydjak said
Ako din bago ko nag-abroad ...Ako din bago ko nag-abroad ano bang alam ko, wala din. pero likas na talaga sa kin ang pagiging usisera... kaya cguro kalambutan lang ng puso ko pag naloko mo ko...
choice kasi ung pagkapit sa patalim choice un...
maganda nyan post natin ung mga dapat gawin... pag mag-aabroad para magtrabaho.
Nung bang pumasok ka dito ng business visa... para mag-apply dito azi o naloko ka din sa pinas?
Ako kasi tourist visa ng pumasok dito...at aware ako kung ano ang tourist visa.
"BRING IT ON DUDE!!!"
azilana7037 said
dekyo2000...kung yan ang pananaw mo... ...so be it...
Sa yo na lang yang perang aabot mo sa pamburol ni Jeng(HOW MORBID can you BE!!!). Baka kasi kulangin sa panggastos mo sa party mo...
chevydjak said
Sa Embassy lang sya sa tingin ko pwedeng ilapit... ...un eh depende ke jeng if gusto nya umuwi or manatili dito at magtrabaho...ticket? Qmiles lang yan :D
hawker, penge qmiles....onti na lang sa kin e
"BRING IT ON DUDE!!!"
azilana7037 said
chevydjak...salamat sa Diyos at di naman ako naloko ...nang pumunta ako dito sa Qatar. Wala akong binayaran kahit singko (kahit PDOS)kaya masasabi kong swerte akong makapag-abroad ng walang hirap.
Kasi nga, dun ako sa bahay ng amo kong Qatari pinatira kasama ng pamilya nya. Mga Pinay ang mga kadama at yaya ng mga anak nya. Mabait ang amo ko pati na ang asawa't mga anak. Libre ang tirahan, pag-kain at pati transportation at cellphone.
Dito ko na nga lang sa Qatar nalaman na Business Visa ako, pero di ako nag-worry kasi sa recruitment agency ang work ko mismo.
dekyo2000 said
nagyon naman di ka marunong magbasa .... ...ulitin ko para sa yo dear...
mag-aabot na lang ako ng pandagdag sa pamasahe nya KESA (instead of - ayan ingles pa!) sa pamburol nya!
azilana7037 said
hamo, chevy...pag nakausap ko si jeng mamaya ...kung ano ang nasa saloobin nya...
Salamat...
Don Robert said
To sum it all up, ang mga ...To sum it all up, ang mga kabayan nating ito ay nangarap at nagkamali ng diskarte. Huli na ang lahat dahil nagkamali na at sa mga oras na ito ay hindi solution ang paninisi. At hindi rin parepareho ang abilidad at kapalaran ng bawat isa sa atin kaya tulungan na laang. And let this be a lesson sa mga iba pa nating kabayan na huwag padalosdalos ng decision ..
Kapag nalaman na natin ang sitwasyun nya at kung anong mga option ang pwedeng gawin eh di saka natin pag usapan uli para matulungan kahit papaano..
azilana7037 said
oooppss, sensya na dekyo2000...scan reading ang lola ...pamburol ang nahagilap ng mata ko...sori po ulit...
puro "parti on" ka kasi kaya na-NEGA tuloy kita...
PEACE!!!
azilana7037 said
Don Robert...salamat.... ...hamo...pag nakausap ko sya, ipapaalam ko dito...
mr_ilocano said
comment laang po para kay dekyo2000 ...bro...kung wala kang magandang sasabihin..mas mabuti pa siguro na manahimik k n lng...nagkamali na nga ung tao ..magsasabi ka pa na di maganda...
baliktarin kaya natin ang sitwasyon..paano kung next month eh..isa sa mga kamag-anak mo..kaibigan mo..nag nasa ganong sitwasyon..sasabihan mo bang ang tanga tanga nya...
kung marunong kang mag dasal parekoy..makabubuting ipagdasal mo n lng siguro sya ng maging maayos ang buhay nya sa bawat araw na nagdaraan...
un lng po...
chevydjak said
MOral Lesson... ...Pag di ka dumaan ng POEA...magtaka at magtanong na!
Ngaun pag aware kang visit visa ka....choice mo na yan... laging tandaan pag work ang ipinunta mo, look for working visa...
"BRING IT ON DUDE!!!"
chevydjak said
whew...ganyan lang si dekyo... ...di naman nya sinasabihan tanga... kung lilimiin ang sinabi nya... me laman... malalim kasing magsalita yan...
La ka bespren...time for retraction or explanation....nyahhahahahahaahahaha
"BRING IT ON DUDE!!!"
dekyo2000 said
ha ha sasabihan ko pa rin na tanga sya... ...dahil ang pagsasama ng tapat eh pagsasama ng maluwat!
ang hirap sa ating mga pinoy pare-pareho naman tayo ng adhikain na kaawaan at tulungan sya eh mamasamain ka pa.
lagi na lang tayong naka-kahon kaya walang asenso ha ha!
kailangan si maria klara mahinhin palagi ... di pwedeng sabihin wala syang panty pero mahinhin pa rin!
di pwedeng maawa ng naka-pa-maywang dahil dapat eh naka-tiklop tuhod. di pwedeng mag-sabi ng tamang bad words na tutoo naman dapat manatiling mapag-kumbaba....! oy 18th century pa yang mga de-kahong trato ng pinoy ... 21ST CENTURY NA!!!! MAGBAGO NA KAYO!!! PARA UMASENSO!!!
di pwedeng magbago dahil walang sense daw ... ha ha! uLOL!
dekyo2000 said
sensya na rin dear azi .... ...medyo na-carried away lang ako dahil pareho naman kami ng laman ng sinasabi ni bespren (OA LANG YUNG SA AKIN) pero ako binanatan mo (no offense taken).... sorry din from the bottom of my heart (swit!)
sensya na mahilig talaga ako sa partee ... dahil if you want to reach the top better have fun doing it! ... partee on ulet!
dekyo2000 said
teka at talagang pinag-iinit ako... ...ng sinabi ni copernicus na hindi ang mundo ang nasa gitna ng buong kalawakan eh pinagtawanan sya ... dahil hindi raw maganda ang sinabi nya at taliwas sa mga pag-aaral ni Aristotle at Ptolemy.
ng sinabi ni Erasmus na bilog ang mundo muntik na syang sunugin ng taong bayan dahil hindi raw maganda ang sinabi nya...
sabagay si dekyo lang naman ako ... walang sasabihing maganda ... pero teka this is a free world di ba? baka naman entitled ako sa freedom of expressiona and free speech ... libre lang naman eh ... and the best things in life are free!
partee on!
Don Robert said
oh sya!sya!sya!, tama na ...oh sya!sya!sya!, tama na iyang away at hindi pa ako nananghalian dine, lalo laang nandidilim ang paningin ko eh!!!
somwerNdmiddle said
relak lang! magbiro ka na sa ...relak lang! magbiro ka na sa lasing wag lang sa gutom :)
sammyblue4x4 said
'sam kami dyan Don Robert, ...'sama kami dyan Don Robert, up to now inaantay pa rin namin libre mo...
ano ba, anong petsa na?...
'senya sa hijack...mainit ang panahon...
(..read mode lang po!)
"Parachutes and Mind function only when open."
tatess said
kawawa naman ...kung nahihirapan lang at gusto ng umuwi .tulungan na lang natin sa abot ng ating makakaya .
Don Robert said
lol sammyblue, malapit na, ...lol sammyblue, malapit na, di na aabot sa sunod na byernes, promise. pakisabi kay glorya tiis tiis muna ha!!
nicaq25 said
on the topic - ...I say, Ms. Jeng is to partly to be blamed too. Kasi, she allowed herself into this agreement way before she came here. I'm sure she signed some contract in Pinas (whatever it states there) & agreed to be dispatched as one.
The other party to be blamed here is the agency who deployed her to Qatar. A lot of reasons behind this, but the important thing is her health. She would likely to get sick if she will not be attended medically. Then you know what happens next.
azilana7037 said
sa ibang location na malalagay si Jeng ...at di sa school na pinaglilingkuran ko. Sana nga lang, dun sa school na di mabigat ang trabaho (sa Al Jazeera Academy sana).
Doon kasi sa pinagta-trabahuhan ko, medyo marami syang trabaho kasi nga puro GRADE 1 pupils ang area of assignment nya kung saka-sakali. Ubod pa naman ng kulit at tigas ng ulo ng mga batang arabo dito...matitiris mo sa inis.
tinawagan ko yung kasamahan nya, nilalagnat at inuubo pa rin...sana wala syang H1N1, kundi mas grabe pa daranasin nyang hirap sa quarantine, etc.
dima_123 said
well... ...sana nga maging maayos sitwasyun nya d2 kahit pano, i think normal lng s 1st timer ang sumama pakiramdam lalo nat bagong dating lang sya at tsaka kc ung dating nya s doha e nagbabago ng ang weather d2 papunta ng lamig, d nmn cguro h1n1
azilana7037 said
nakausap ko na si JENG...at MAGTITIIS na lang daw sya ...kesa umuwi daw sya, wala rin daw mangyayari sa kanya.
Ang sabi ko: just in case na kelangan nya ng tulong, wag mag atubiling tumawag.
Malalaman ko kung ano na mangyayari after 3 months....
Peppermint said
Kakalungkot talaga ung mga ...Kakalungkot talaga ung mga ganyan kwento. Biruin mo nagAbroad ka sa pagAakalang giginhawa kahit pano ang buhay mo. Tapos pagdating dito ganyang situation ang lang ang kakaharapin mo.
Di ba naisip ng mga Recruiters na yan na doubleng pahirap sa tao ung ginawa nila una pahirap sa kalooban na malayo ka na sa pamilya mo at ung hirap dahil pagdating mo dito iba ang nangyari kesa sa ineexxpect mo.
Hay.....
"Wag magbubuhat ng sariling bangko..."
normanila2000 said
Tama si ka dekyo, dpat lang na pauwiin na lang si "Jeng" ...Sa liit ng sweldo nung ale eh bukas makalawa kakapit na rin sa patalim yan. Hindi ako magtataka kung magkakaroon ng isang "Jeng" na tumatambay sa Qube at may bitbit na arabo o puti. Madadagdagan na naman ang mga kababaihan nating pasaway dito. Lets face it! Wala kayong ibang maitutulong sa kalagayan nya. Alangan namang every month eh mag patak patak kayo para pandagdag sa napakaliit na sweldo ni Jeng, hehe. Unless na lang eh ibuy off nyo yung kanyang kontrata at bigyan ng trabaho na may disentang sweldo. Which is ewan ko kung sino ang makagagawa sa inyo, pero paano naman yung ibang katulad ni "Jeng" na naglipana dito? Tingin ko ka dekyo hindi katangahan ang nangyari sa kanya. Maari ring "kaistupidahan" dahil maaaring alam nya ang kahihinatnan nya dito, nagpatuloy na nga lang para masabing nakaabroad sya.
"Masunod nawa ang iyong kalooban!"
superman09 said
Kasalanan yan ng recruitment ...Kasalanan yan ng recruitment agency na yan sa pinas at hnd lang si jeng ang ngiisa na ganyan ang sahod, may nakausap din ako at ganyan din ang sahod nya at madami daw sila jan sa tinutuluyan nila, tinanong ko nga kung ilan sila sa acommodation nila sabi nya aabot daw sila ng mga 100..ganun kadami na agad ang naluko ng agency na yan at isa pa hnd daw ganyan ang usapan nilang sahod bago sya umalis sa pinas pero pgdating d2 iba na ang nkalagay na sahod sa contract nya at msakit pa d2 sa kanila pa ang pagkain...kawawa nman ang mga OFW na wlang gaanong kaalam-alam sa sa magiging buhay nila d2 lalo na sa mga istimer mag-abroad ay ang mdalas nilang naiisahan ng mga agency na yan, na wlang inisip kung d kumita lang ng pera...
Cogito...ergo, sum.....
twenty said
Hay naku kumusta ...Hay naku
kumusta ka
--------------------------------------------
Never argue with an idiot,they drag you down to their level and they beat you with experience
DukebluedeviL said
sana malaman natin kung what ...sana malaman natin kung what name nung agency, para maiwasan, dami kong kaibigan na nagaapply apply sa Malate.
"..people don't care how much you know until they know how much you care.."
m in doha said
pa singit ha? ...maraming agency ang ganyan sa atin, katulad ng nangyari sa kapatid ko, may employer na gustong kunin sya, direct hiring, ang problema hindi na daw pinapayagan sa poea ang pag d direct hire ngayon. so, humingi ng tulong ang mag i sponsor sa kanya sa polo/owwa, at ganun nga ang sinabi di na daw allowed ang direct hiring, pero alam nyo ba? ini refer ng taga polo/owwa ang mag asawang ito sa isang pinoy na may contact daw na agency sa pinas, napakalaki ng ibinayad ng mag asawa sa pinoy na yun, at ang hudas na agency madami ding hininging pera sa kapatid ko, pagdating dito ang sweldo nya ay 1000, pero ang pinirmahan nya ay 1500.
sa wala din napunta ang lahat dahil umuwi din ang kapatid ko na hindi natatapos ang kontrata,. Nakalimutan ko ang real name nung Pinoy na yun, pero marami na syang nilalakad na ganyan dito dahil nga may contact sya sa polo/owwa.
Nakakalungkot lang na minsan sa kagustuhan mong magkaroon ng magandang buhay ang mga mahal mo sa buhay, ay hindi na na verify ang lahat ng dapat malaman kung tama ba o mali ang mga prosesong ginagawa.
Sana makontak ko ang kapatid ko at aalamin ko ang pangalan ng Pinoy na yun para ma inform ang ibang kabayan dito.
shessugar said
ay naku ...i dont know how so survive sa ganyan kaliit na sweldo.i better go back home.partly is may pagkakamali sya.hindi nya inalam.pero kasi nga hindi lahat ng tao pinanganak na advance mag-isip.minsan napagtripan kong sumakay sa bus together with my friends,hindi naman nakaka-ilang kasi mostly ay pinoy naman ang pasahero.habang nagkukukwentuhan kami napalingon ako sa likod .nakita ko ung mga pinoy.super simple lng ang kanilang mga suot classic shirt,pantalong luma,sapatos na napagiwanan na ng panahon(ung typical na trabahanti sa industrial area).walang bakas ng karangyaan kang makikita.sabi ko sa sirili ko sana mababait mga amo nila,sana trinatrato cla ng maayos,sana makapagipon cla kahit papano,sana hindi cla magkasakit....ang daming sana....i'll pray na lng dun sa mga pinoy na hindi kasing swerte natin.:)
nicaq25 said
mas madaling mag-advise ...kay Ms. Jeng na umuwi na lang. But as what Ms. Azi story about her, it was not easy to get here. As an OFW, everyone deserve a better life after Pinas but not all are blessed. Let's admit it that, like Jeng, she also dream of a wonderful life here (despite being a hotel worker). To decide for her is not our concern anymore. Maybe all we can do is to pray for her(which I think still a powerful tool) and guide her (thru Azi's access) that she might not go astray as what other kababayans thought of being a 'kapit sa patalim' status later on. Why she's here, God has a purpose.
tatess said
kahit naman anong babala nag ibigay or sabihin natin ...sa mga kabayan ay wala rin namang silbi dahil mas marami pa rin ang matigas ang ulo na sige ng pag aapply kahit alam na nilang mali or illegal .kasi nga sa hirap ng buhay nila ay mismong mga magulang nila ang nagtutulak sa kanila na mamasukang katulong or cleaner sa ibang bansa. kahit pa ipangutang nila ,katwiran kasi nila ay mababayaran naman ng anak nilang nmagpapakabusabos sa ibang bansa ang inutang at sila naman ay may buwanang sustento na kahit humilata na lang sa bahay.
kawawa naman talaga ang mga kagaya ni Jeng,sisihin man natin siya at kaawaan sa nangyayari sa kanya ngayon ay ginusto nya yan.
azilana7037 said
JOBSTAR International...yun ang pangalan ng agency ...na-check ko sa internet at yung unang nabuksan ko, expired na ang license, dun sa isa naman hanggang 2010 ang license.
Sa pangkakaintindi ko, marami na silang narecruit papunta dito. Di nga lang ako nakapagtanong dun sa cleaner na nagwo-work sa school kasi busy rin ako...
Dadalawin ko na lang siya pag may time ako over the weekend...
Spruce said
Siguro dapat ikalat na yang ...Siguro dapat ikalat na yang name ng agency na yan. Kawawa naman mga nabiktima nila saka mabibiktima pa.
iceblue said
dpat inaalam muna natin ang ...dpat inaalam muna natin ang inaaplyan... hindi basta basta sunggab ng sunggab.
800QR ay hindi aprobado ng POEA sa employment contract palang , pati ng POLO-Qatar.
Kung nagtatanong muna sa POEA kung may job order at licensiado ang agencia hindi sana magkakaganyan.
Walang manloloko, kung walang paloloko. Malinaw na hindi work visa dahil walang OEC, pumunta na sia sa POLO at ipa black list ang ahensiang nagpaalis sa kanila.
I check sa POEA List ang recruitment agency nila kung meron nga, otherwise lokohan nga ito at naloko si kabayan. Sa mga panahong ito kelangang matanong ka at alisto. Sapagkat nagkalat ang mga ulupong na gustong manira at makapangalamang sa kapwa.
m in doha said
may kapitbahay ako.... ...maid din ang sabi nya pinapirma daw sila ng agency na 1500 ang sweldo nila pero pagdatng dito 700 o 800 na lang. But aware sila sa ganung agreement kaya wala na silang magawa.
chevydjak said
yan ang sinasabi ko...it's your choice. ..."BRING IT ON DUDE!!!"
Don Robert said
jobstar pala, hmmmmmm.. ...jobstar pala, hmmmmmm..
Don Robert said
azilana, may link ka ba sa ...azilana, may link ka ba sa website nila kasi di ko makita?
azilana7037 said
wait lang, pero ang complete details: ...JOBSTAR INTERNATIONAL MANPOWER SERVICES (Private Employment Agency)
1913 & 1911 2F SAN MARCELINO ST MALATE, MANILA
Tel No/s. : 854-6221
Email Address : jobstar.intl/-a-t-/gmail.com
Website : NA
Representative : EMILIO N. MORTERA JR.
License Validity : 11/10/2006 to 11/10/2010
check this link of available positions in Qatar thru this agency
http://www.poea.gov....
wala silang website pero accredited ng POEA...pano nangyari yun?
Don Robert said
ok thanks azilana, e popost ...ok thanks azilana, e popost ko ang kapalpakan ng agnecy na iyan sa ibang filipino site para maiwasan na ng iba ang maging biktima and mag eemail din ako sa kanila para paalalahanan sila sa kanilang kapalpakang pinag gagagawa...