Recent comments
- ghazlaz
4 min 4 sec ago - ghazalz ji
8 min 55 sec ago - Its even worse than condom.
9 min 35 sec ago - They will make more money
12 min ago - Good Choice...
13 min 21 sec ago - FRENCH hotel?
18 min 49 sec ago - "sawabon main naheen chaska
18 min 32 sec ago - lol ok Brit.. I will PM you
21 min 48 sec ago - CONGRATS, Mr. and Mrs.
24 min 38 sec ago - Bohat achey...umda
25 min ago
Restaurant Cuisines
- Arab (9),
- American (12),
- British (1),
- Cafe (8),
- Chinese (10),
- Doughnuts (2),
- Fast Food (4),
- Filipino (8),
- French (1),
- Indian (48),
- Iranian (3),
- Italian (9),
- Juices and Smoothies (1),
- Lebanese (9),
- Malaysian (1),
- Mediterranean (4),
- Mexican (2),
- Moroccan (1),
- Other (16),
- Pakistani (7),
- Pizza (5),
- Portuguese (1),
- Sandwiches (1),
- Seafood (5),
- Spanish (1),
- Steakhouse (4),
- Sushi (3),
- Thai (5),
- Turkish (2),
- Vegetarian (3),
- Qatari (3),
- All Restaurants
Latest news from Qatar
manghihingi po ng payo
gusto ko lang po manghingi ng payo tungkol sa hinanakit na nararamdaman ko.bilang isang OFW,alam naman natin bukod sa hirap ng trabaho dito,kalungkutan at paglayo natin sa pamilya me iba pang bagay na bumabagabag sa atin.
marami pong umaasa sa perang pinadadala ko.sampu ng aking kamag-anak.ang hinanakit ko lang po ay bakit yung mga kamag-anakan ko na mas bata at malikliksi naman ang katawan ay AYAW humanap ng trabaho,bagkus ang sasabihin ay"me pera naman ipinadadala"at gagawa ng excuses para hindi maghanap ng trabaho.
bakit sa tingin nila RIGHTor PRIVILEGE nila ang kinikita ko?papaano na ako pagtanda ko?
galing sa wala,,,mamamatay sa wala?
may karapatan ba akong umangal at magtanong?
magpayo po naman kayo mga ka-FILEX.
thank you
QT Qs and Forums
- QATAR Railways
- Hamster hotel lets guests live like rodents
- Brazil England pics competition: Win an iPod
- Wedding BellsRinging...Smokey Kat singing
- Al Qaradawi doesn't like football
- Rats
- Oryx Cup An accident
- Inland Sea with Overnight Camping
- Clearances....How to have these?
- documentsneeded formusilmman to marrysecond
QT Classifieds Page
Guide to Qatar
- Sample Budget and Cost of Living
- Qatar Schools Database
- Residents Guide to Qatar
- Siteseeing in Qatar
- Traffic Rules
- Attending a Qatari Wedding
- Gift ideas from Qatar
- Buying a used car in Qatar
- Renting in Qatar
- What to consider when renting in Qatar
- Preparing for Winter in Qatar
- Registering a birth in Qatar
- Blackberry phones in Qatar
- Old Qatar
- What's Happening in Qatar
- Online Shopping in Qatar
- What does Doha look like?










Comments
Don Robert said
Shoeadict, kahit ang kalabaw ...Shoeadict, kahit ang kalabaw kapag masyado nang mahaba ang sungay ay dapat itong putulan para di makasakit. Walang masama kung sabihin mo sa mga kamag anak mo ang nararamdaman mo, hayaan mo sila mag tampo kesa naman ikaw ang magiging kawawa sa huli, kahit papaano naman ay mag tabi ka ng para sa iyo.
Alalahanin mo na ikaw ay bread winner at kung pati ikaw ay malugmok sa utang o ano paman eh mas lalong malaki ang magiging problema...salamat
Hindi masama ang tumulong sa kamag anak pero hindi rin masama ang mag tira ka ng para sa iyo...
chinitasai08 said
hi, shoe..iisa lng masasabi ...hi, shoe..iisa lng masasabi ko "MAGTIRA KA DIN PARA SAU" :)
MyHotComments
shoeaddict said
thank you don robert and sai ...yun ang sinasabi ng ilang kakilala ko na nakakalam ng sitwasyon ko.
nahihiya akong magsabi,pakiramdam ko pagsinabi ko wala akong kwentang kamag-anak.
dima_123 said
tumpak... ...d masama tumulong,ang masama ung sobra kya tama cla
dima_123 said
buti ...kapa iniisip mo mga kamag anak mo, e cla kaya iniisip k? pwera n lng pag kailangan cla sau. i mean wala ako ibig sabihing masama ofw din ako e nakaka relate sau
shoeaddict said
dima,,,masakit diba? ...hanggang magkabaon baon ako sa utang..wla naman silang alm duon.
ngingiti ngiti lang ako,,,pero ummiyak ako sa loob.
dima_123 said
masakit tama k jn ...masakit ung hndi k maka hindi s mga hinihingi ng mga nsa pinas,masakit n nagbigay kn pero ikaw d2 wala,masakit isiping sasabihin mo s knila n d mo n cla ma22lungan kc magtatanim p cla ng sama ng loob sau, mahirap yang ganyan OO andun n ako gs2 mo cla help,pro isipin mo n lng hanggang kelan db?pano n kung wla kn mai2long?pano n kung wla kna work at cla mron,tutulungan k kya nila gya ng ginagwa mo dati?pano nmn pg gusto mo ng mag for good? pero hndi pede kc wla k ipon,db?masakit man pg need n putulin,putulin na!
shoeaddict said
napaiyak mo na ako ...ikaw talaga dima.:(
pero tutoo lang naman lahat ng siasabi mo.
tatess said
yan ang mahirap sa mentality ng mga kamag anak ng mga OFW ...pero lalo na sa mentality ng mga OFW na katulad mo.
Sa kagustuhang makatulong sa pamilya dahil iyon ang nakasanayan at naipangako sa naiwan sa Pinas ay nakalimutan na ang sariling kapakanan.
Dahil sa utang na loob a pati utang ng iba ay gustong bayaran.
Dahil sa close family tight maging mga ibang kamag anak na malalakas naman ay naging pasan pasan nila .
Dahil sa kaisipan na gustong maiahon ang pamilya sa hirap ay ibibigay ang lahat kahit na ikaw naman ang malugmok sa hirap
Dahil sa pagsunod sa mga luho ng mga kamag anak ay nakalimutan mo na ang sarili mong luho,nalimutan mo ng mag impok para sa kinabukasan mo magkaroon lang sila ng maayos na buhay habang ikaw ay sige ng pagtitipid.
Dahil sa sobra sobra mong pagbibigay sa kanila ay tinuruan mo silang maging parasite at walang silbi at maging palaasa na parang mga baldado.
di masamng magbigay at tumulong lalo na sa mga magulang na nag aruga sa iyo pero yung mga kapatid na nasa hustong edad na,pamangkin at ibang kamag anak ,di mo na sila kargo lalo na at may mga pamilya na rin.Masama ang SOBRA.
Matuto ka namang magsalita at maghigpit ng pera sa kanila .iyon ay para na rin sa kanila ng matuto namang magsipagbanat ng buto. ginagawa mo lang silang mga batugan
dima_123 said
lolz..... ...ganun tlaga ng buhay, prang life. ang sakit kaya nun ung feeling mo e kinukurot kurot ang puso mo tas naluluha luha ka.
cheer up kabayan....
shoeaddict said
ms tatess ...sorry po at naishare ko to.sige po.thank you
normanila2000 said
Sino sinong mga kamaganak ba ang tinutukoy mo? ...Kung mga magulang mo rin lang at medyo may mga idad na at hindi na kayang magtrabaho. Marapat lamang na bahaginan mo sila ng kinikita mo dito sa ibang bansa. Sabi nga eh, hindi ka makakarating sa kinaroroonan mo kung hindi dahil sa kanila. Kung meron ka namang mga kapatid na gustong makatapos mag aral at hindi na matustusan ng parents mo, acceptable din na tumulong ka financially para makatapos sila. kung nakatapos na sila sa pagaaral, Tapos na ang obligasyon mo sa kanila. Sila naman ang humanap ng trabaho para tumulong din sa pagsustento sa parents nyo at iba pang kapatid na nagaaral. Yung mga outside the immediate family eh di mo na obligasyon pa, katulad ng mga tiyuhin, tiyahin at mga pinsan. Kung sakali namang medyo nakakaluwag luwag ka dito sa ibang bansa at may magandang sweldo, Pwede mo ring bigyan( hindi mo obligasyon) ng pagkakakitaan(Pondo para sa negosyo)yung magulang mo( mapagkakalibangan ba!) or yung ibang kapatid mo na hirap maghanap ng trabaho at gustong magnegosyo na lang. Kasabihan nga eh" Hwag mo silang bigyan ng isda, tulungan mo sila kung paano mangisda"
"Masunod nawa ang iyong kalooban!"
tatess said
bakit kailangan mong ibigay kung ...wala ka namang pera or di mo kaya. Ano ,mangungutang ka para saa kanila na hihingi lang ng pera para pangkasal ,pambinyag ,pampiyesta, pang birthday .
Dami ngang hinihngi ng kamag anak kasi ikaw bigay ng bigay at akalain nila ay malaki sweldo mo at madali lang kumita ng pera.
Bakit kaya pag tawag mo sa kanila sabihin mo na :
" Alam nyo ba na dami ko ng utang dito dahil bukod sa maliit lang sweldo ko ay bumibili rin ako ng pagkain at ibang kailangan ko dito at para lang maibigay ko mga kailangan nyo ay nangungutang ako para lang maipadala dyan .Pwede ako naman humingi ng pera sa inyo pambayad ng mga utang ko dito buwan buwan.Nakakaawa ako di ba?"
Don Robert said
minsan talaga ay mahirap din ...minsan talaga ay mahirap din tiisin, hayaan mo laang at may katapusan din yang paghihirap mo..magtira ka kahit kunti...
tatess said
tama ka dyan normanila ...kung mga magulang na matatanda na at walang maasahan dapat lang talaga tulungan.
pero minsan ,dami ring magulang na nananamantala sa anak na OFW. Hihingi ng hihingi sa ofw na anak para lang ipantustos din sa mga anak na may pamilya na kesyo kapatid naman yon at mga pamangkin kaya okay lang na idamay sila.
okay lang kung malaki sweldo at kaya talagang magpadala ng sapat para sa lahat pero kung maliit din lang sweldo .paano ka naman nyan.
magbigay sa abot ng makakaya mo lang .
Anne13 said
Shoe hindi ibig sabihin na ...Shoe hindi ibig sabihin na hindi ka tumutulong sa kamag anak ay wala ka nang kwenta. Kung ang tinutukoy mo ay mga kapatid at magulang ok lang yan, kung first degree relatives eh paminsan minsan ok lang pero kung halos buwan buwan wag naman. Naranasan ko na rin yan, nung kami naman ang may kailangan wala naman tumulong sa amin na kamag anak, kaya ang payo ko lang pamilya mo ang priority mo at tama si Tatess magbigay ka kung ano lang ang kaya mo pero wag mo rin kakalimutan magtira para sa sarili mo....
shoeaddict said
ms tatess ...yan po ang natuklasan ko kamakailan lang.ang sagot ng pinadalhan ko"ibinigay mo na sa akin,,,wag kang magtanong kung saan ko gagagmitin"kasi english po ms tatess,kaya hindi ko maitranslate nang maayos.
hindi naman po pabalang ang sagot nung tumanggap ng pera.
hayyyy,,,ms tatess..ang hirap.
mamaya na po akong gabi magtutuloy.me work pa po ako.
kailangan nakangiti para ang customer mabighani.(yan po ang aking mantra)
thank you po ulit.
shoeaddict said
thank you po ms anne ...sige po papasok na ako...kailangan magwork.
mjamille28 said
shoe, agree ako ke ...shoe, agree ako ke chinitasai, pinaghirapan mo yang perang pinapadala mo kaya you have the right to save some for yourself.. walang masama sa pagtulong, basta alam mo where to draw the line..

Peppermint said
Cguro somehow may kasalanan ...Cguro somehow may kasalanan ka di kung bakit sila naging ganyan i mean naging palaasa sila syo kasi hinayaan mo silang gawin un.
Natural na sa atin ung maging maawain at matulungin di lang sa ating immediate family kahit nga sa malalayong kamagAnakan na kaso di rin maiaalis na minsan napapasama pa ung pagtulong mo kasi akala nila tuwing kailangan nila ng pera andyan ka lagi na para bang ATM na anytime pwedeng kuhanan ng pera. Saka kadalasan nagiging tamad sila at umaasa na lang lagi syo gaya nga ng nasabi mo.
Cguro try mo silang tikisin pagnanghingi ulit dapat nilang malaman na pinaghihirapan mo din yang pera na yan at wala kang kakayahan para tustusan ang lahat ng kailangan nila. Although walang masama sa pagtulong lalo na nga at kaya mo naman but di nangangahulugang pati ang mga sarili mong pangangailagan tipirin mo na para lang sa kanila.
Saka di naman masamang HUMINDI minsan lalo na't alam mong inaabuso ka na.
"Wag magbubuhat ng sariling bangko..."
nosi_balasi said
siguro, dapat ay tigilan mo ...siguro, dapat ay tigilan mo muna pagsustento dyan sa mga kamag-anakan mo na mas bata at malikliksi naman ang katawan ay AYAW humanap ng trabaho. At ipaalala mo sa kanila na matuto naman silang buhayin mga sarili nila. baka sa huli, ikaw pa ang masisi at tinuruan mo silang maging dependent sa ibang tao. buti sana kung ganito lang magiging problema. wag naman sana mangyaring masimot lahat ng kayamanan mo at wala na matira para sayo.
Apple said
Shoe my dear ...May mga taong tulad natin ang di talaga makatiis sa mga magulang, kapatid kamag-anak pag nangailangan at lumapit sa atin, kesehodang magtiis basta siguradong maayos ang mga mahal sa buhay. Minsan inuuna pa natin sila kaysa ang sarili natin. Nasa lahi nating mga pinoy yan ang sadyang matulungin lalo na pag pamilya ang usapan mahirap tiisin. Di masamang tumulong kung meron tayong maitutulong, pero kelangan ding magtira para sa sarili.
Ganito kasi yan eh,...kung ang sahod mo halimbawa 50k pesos at pinadala mo lahat buwan2x sa pamilya mo, sa isip nila meron ka pang 50k natitira buwan2x dito sa abrod, kaya mauubos at mauubos nilang gastahin yun. Balik sa tanong mo kung papano ka na pagtanda mo? Hmm well, di ba magiging neighbor tayo sa Palawan o Camiguin? So, di kita pababayaan friend, dapat kasi mag-asawa ka na eh, hehehehe :P
s2dius said
Buhay OFW nga naman... kung ...Buhay OFW nga naman...
kung marunong lang tayong humawak ng pera mas madami tayong matutulungan. basahin mo ang libro ni Colayco yung Rich Dad Poor Dad marami ka matutunan dun.
kung allowance ng magulang dapat lang na bigyan. Sabi ng Tita ko noon "wala man akong ipon sa ngayon at baon sa utang nakapagtapos naman kayo ng pag-aaral yun ang aking kaligayahan. Ngayon para sa aking retirement naman ang aking pagtatrabahuan."
OK lang ikaw magsakripisyo kung my patutunguhan. Pero ni hindi mo alam kung saan ginagamit ang pera eh dapat magkaroon ka na ng sariling pagmumuni-muni kaibigan. di ka na nakakatulong sa kanila - don't just give the fish teach them how to fish.
superman09 said
Shoe, kailangan paminsan ...Shoe, kailangan paminsan minsan tiisin mo din sila para matuto ang mga yan...wlang msama ang tumulong kaso kung lahat ng oras ay iaasa sayo, ay hnd na magandang tingnan yan, at syempre isipin mo din ang sarili mo dahil hnd lahat ng oras dito tau sa ibang bansa at may work lagi...papano kung nagkataon na wlang tayong work may maiittulong ba sila sayo although hnd nman tau humihingi ng kapalit sa mga tulong na na nagawa natin sa kanila kaso ang mga ganyan ay kailangan bgyan mo din ng ultimatum at ska ung eksakto lang para don sa magulang mo ang ipadala mo...o kaya kung meron kang pangpuhunan para sa negosyo bgyan mo sila para ng sa ganun ay sila na ang kikilos para sa pang-araw araw nilang pangastos..aywan ko ba bakit ganyan ang mga pananaw ng mga kamag-anakan natin sa pinas na kesyo andito tau sa ibang bansa tingin nila madami tayong pera, pero hnd nila alam ang hirap na mga dinadanas natin dito para lang kumita...halos lahat ttiisin natin para makatulong sa kanila pero kung ganyan na mamasamain pa nila ang hnd mo pagtulong paminsan minsan ay ibang usapan na yan...mahirap magsisi sa huli kaya ngayon palang isipin mo din sarili mo...
Cogito...ergo, sum.....
superman09 said
Msarap sna ang pakiramdam ...Msarap sna ang pakiramdam kung ang tinutulongan mo e mag-sumikap din lalo na yong mga pinpaaral mo para pagdating ng araw magiging magnda din ang buhay nila kaso meron talagang halos ayaw na din kumilos para sa kinabukasan nila lalo na kapag malaki ang pera na nattangap nila buwan2...kaya mganda tiisin din para matuto sila...
Cogito...ergo, sum.....
dmigtysolomon said
Shoeaddict, alam ko at alam mo kung ano ang expected ..... ...advice na ibibigay ng lahat sa iyo. It will boils down to one thing, respect yourself as much as you respect your love ones. Alam namin na kailangang ihinga mo lang yang sama ng loob mo, it's good, kaya nga may ganitong forum.
Isa lang ang punto halos ng lahat, may hangganan ang lahat ng pagtulong sa iba. Know your limits at for sure, mababawasan ang alalahanin mo!
"Don't let a little dispute injure a great friendship"
blanche said
Nakakarelate naman ang ...Nakakarelate naman ang thread na to sa buhay ko!
Hay naku!!!! Hay Buhay!
kung puede nga lang burahin lahat ang komunikasyon. Walang roaming, walang chat, walang selpon, walang post office; pero hindi eh. Pamilya, kamag anak mo pa din sila!
Masarap ang pakiramdam kapag marami kang natutulungan. Pero minsan, nakakasawa din....
Jaryz said
shoeaddict!nasa dugo na nating mga pinoy tumulong sa kamag-anak ...PERO...datapwat subalit! may limit ang pagtulong tulad halimbawa sa mga sumusunod :-
MGA KAMAG-ANAK--- hindi sa lahat ng pagkakataon magbibigay ka, try to learn to say NO! STOP! ENUF! whatever the reason is...heller ikaw lang ba ang kamag-anak nila sa mundong ibabaw????
MGA MAGULANG na matatanda na??? --- ok lng..pero nag-iisa ka lang ba na anak nila kaya ikaw lang pumapasan ng daigdig?????
MGA ANAK --- e syempre mga anak yan dapat talaga tulungan, pero hindi din nman habang buhay ka rin tutulong,later on hindi lang isda ibibigay mo pamingwit na para turuan silang mangisda hindi yung mismong isda ibibigay mo....
TAO lang tayo, hindi sa lahat ng panahon ay may pera o malakas...NGAYON pa lang dapat matuto ka ng magsabi ng I AM SORRY...(with GMA emote)
mallrat said
.mismo, DMS...happy wedding ....mismo, DMS...
happy wedding anniversary sa'yo.
.
.
shoe,
basta beginning this month, mag tira ka ng 50% ng salary for yourself, or more..
d kaya natin alam kung hanggang kailan tayo dito.
.
buti na yung pag uwi mo, masasagip mo mismo sarili mo.
(may sense ba, na gets mo? shorry i dont speak tagalog kashe,,,,,lol).
.
.
Talk to my crown......
.
★
dmigtysolomon said
thanks, Mally...... ...how's everybody?
SA, listen and listen hard, we are with you in your dilemna!
"Don't let a little dispute injure a great friendship"
tatess said
taray naman ng sagot ni kamag anak ...,,wag kang magtanong kung saan ko gagagmitin"
ano naman ang naging sagot me? siguro wa ka say ano,as in tameme, parang utang na loob mo pa na pinapadalhan mo sila ,di ba?
next time, wag papakabog sa kanila pag tinanong mo ulit at sumagot ulit ng ganon ,sagutin mo rin ng "ayaw nyong sabihin kung saan gagamitin di hindi ko rin sasabihin kung magpapadala ko !"
Nung PDOS me lecture don natalagang natanim sa isip ko.Parang ganito pagkakasabi ,kayong nag aabroad sige padala ng pera at tipid na tipid,yung mga nasa pinas sarap ng pagkain ,paparlor parlor pa.ikaw pag uwi mo mukhang losyang sila naka pustura at mukhang mayaman.
Mahalin mo sarili mo .pag ikaw nawalan ,di mo sila maasahan .
fRanCisM said
bakit sa tingin nila RIGHTor ...bakit sa tingin nila RIGHTor PRIVILEGE nila ang kinikita ko?
sister, depende yan kung paano mo ipinaliwanag or ano ang mga bagay na dapat nilang karapatan sa kinikita mo.
papaano na ako pagtanda ko?
huwag mo muna isipin na tatanda ka na agad! enjoy life first!
ano ba ang ibig mong sabihin dito? kung ang materyal na bagay ang nasa isip mo, eh dapat lang na ngayon pa lang eh nag-iipon ka na!
kung isang magmamahal sa'yo, eh dapat you go out with friends and in that 1 day you will meet that person who will love you..
depende 'yan sa gusto mong mangyari pag tanda mo sister! ikaw ang gagawa nun at wala nang iba pa!
galing sa wala,,,mamamatay sa wala?
hmmm.. ako hindi ako papayag ng ganun, ikaw papayag ka? tapos OFW pa tayo, mauuwi lang sa wala?
may karapatan ba akong umangal at magtanong?
hmmm.. siguro it will take time bago ka makapag salita ng maayos, establish first an open communication..
O - openness
R - respect
A - acceptance
and in time pwede ka nang magtanong at umangal kasi depende yan sa lawak ng pag-iisip ng kausap mo? meron balat sibuyas, meron tataasan ka ng kilay at meron namang dedma!
Goodnight!
otep said
save ka rin para sarili mo ...save ka rin para sarili mo kasi pag ikaw ang nmangailangan ng pera,mga tinulungan mo di ka matutulungan.
heero_yuy2 said
May karapatan kang huwag na ...May karapatan kang huwag na silang padalhan ng pera. Ikaw ang may hawak ng pera mo. Huwag mong sanayin na umasa lagi sila sa iyo.
mjamille28 said
welcome back DMS! shoe, ...welcome back DMS! shoe, learn to say no sometimes.. sa magulang, walang issue jan dapat, ako priority ko yan kasi magulang ko yan eh, it's my own little way of thanking her sa lahat ng sacrifices nya sa amin.. pero sa extended family, like kamag-anaks na malakas pa sa kalabaw eh ayaw magtrabaho, ibang usapan na yan... tsaka kung hanggang saan lang ang kaya mo dun ka lang.. hindi naman selfishness yung paminsan-minsan eh isipin mo rin naman ang sarili mo dahil ikaw ang nagpapakakuba sa pagtrabaho dito..

miss saigon said
shoe ...bago ka lang ba mag work abroad,? kse pag matagal ka na nag abroad matigas na puso mo sa hinaing ng mga kamag anak sa pinas or may wisdom ka na kung sino need talaga ng help mo, pag parents given na yon, kailangan talaga mag padala, saka mas maraming grasya pag mabait sa magulang.
just focus na lang na wag kang babalik ng pinas ng pareho pa rin ang buhay mo, dapay may resulta yung pag abroad mo di ba.
om Maui said
shoe, hindi ka masamang ...shoe, hindi ka masamang kamag-anak. wag na wag mong isipin na pag tumanggi ka ay magmumukha kang masamang kamag anak ka. ang ibig sabihin lang nun ay wala kang pera. dahil kung meron ay may maibibigay ka.
ang tawag diyan ay abuso. pero meron lang abuso, kung may magpapa abuso. so stand up for yourself, and don't let anybody walk all over you. mag aral ka, develop mo sarili mo. pag ikaw ang nangailangan, maniwala ka, wala kang kamag anak na maaasahan. All you have is you.
chevydjak said
Dima_123 answers u based on our experience... ...dinanas namin yan... sobrang kahirapan sa saudi...halos magipun kami ng halala me maipambili lang ng sardinas (halala means dirhams coins)... pero kahit ganun di namin maiwasang di magpadala sa pinas.
Tapos ung pinag-aaral mo magluluko lang :/
Magdasal ka, pramis di man halata sa hitsura ko...malaking tulong...di ka nya pababayaan
"BRING IT ON DUDE!!!"
ahmary_080908 said
bakit nga ba ganun kadalasan ...bakit nga ba ganun kadalasan mga kamag anak natin sa pinas?Hindi lng sayo shoe nangyari yan marami sa atin dito,sa tingin kasi ng mga nasa pinas ang dali kumita ng pera dito...kaya ako Prangka ko sinasabi sa mga kapatid ko na subrang hirap ang trabaho sa abroad at pinapakita ko sa kanila yong mga kinakain ko dito like sardinas or noodles at kubos nila dito para maramdaman din nila kung ano ang buhay abroad,kasi halos araw araw kaming nagkikita sa net,sasabihin ko sa kanila na kung ano man ang mabigay ko sa ngayon pagpensyahan niyo,lalo na sa mga kapatid ko at salamat naman kasi maunawain din sila.laging nagpapasalamat sa akin dahil kahit hindi tunay na magkadugo kami ay taos puso ko silang tinutulungan.Shoe sana sa umpisa pa lng sinabi mo sa kanila ang lahat ng mga plano mo sa buhay dahil alam ko maintindihan ka nila...
leo_nardo said
Minsan talaga nakakasama ng ...Minsan talaga nakakasama ng loob na mismong nanay at tatay mo ay hindi naniniwala na mahirap kitain ang pera dito. Ikaw na ang mag-kwenta kung mag-kano ba talaga kailangan nila. Pag sila ang mag-kwenta, kahit mag-kano ipadala mo kulang parin. Hayyyy!
Ralliart23 said
Ganyan din ako,pag di kapa ...Ganyan din ako,pag di kapa nagpapadala todo miscol at text sau,pero once na naipadala mo na,parang kang tuod kahihintay ng text nila, so ganun din gnagawa ko,pag sweldo na pinapatay ko roaming ko..lol
_______________________________________________________
"All those who believe in psycho kinesis, raise my hand."
chevydjak said
totoo ka jan ralliart... ...napakasimpleng txt na salamat at natanggap ko na di p ma-itext dhil ung papel ng western union di ko maitapon! nyahahahahahahahahahahaha
"BRING IT ON DUDE!!!"
Peppermint said
Again, walang tutulong at ...Again, walang tutulong at pwedeng magpabago ng situation mo kundi ang sarili mo din kasi kahit anong payo dito if di mo naman matitiis din nyang mga kamagAnakan mo andun pa din ang problem....
Parang same ng thread ko to' dati ung "until saan ba dapat lang ang pagtulong sa pamilya"
GOOD LUCK!
"Wag magbubuhat ng sariling bangko..."
s2dius said
di ka nagiisa sa laban na ...di ka nagiisa sa laban na yan...
you got the advice. now you decide kabayan.
give us an update what happens next...
........................................................
-= This is absurd. This is absurd =-
chevydjak said
bilang ganti minumura ko pag ...bilang ganti minumura ko pag ako pa tumawag nyahahhahahahaha....
"BRING IT ON DUDE!!!"
MrEmochie said
hindi naman kasakiman kung... ...siguro - paminsan minsan - isipin natin ang atin mga sarili. hindi naman karamutan kung sasabihin mo sa kanila na mababawasan muna ang maipapadala mo sa kadahilanang ikaw ay mayrun lang kailangan pag-ipunan at bayaran.
tama ka- hindi sa inuunahan ko ang pagkakataon - pero walang ibang tutulong sa atin kundi ang ating mga sarili.. iba rin xempre un may sarili kang ipon at hindi aasa na lamang sa iba sa iyong katandaan...
tatess said
kahit di ko nararanasan yang mga nangyayari sa inyo ...na may mga kamag anak na pala asa,batugan, mapagsamantala ay nafefeel ko naman ang nararamdaman nyo .nakakapanggalaiti na kahit anong gawin nyo ay di pa rin nila naaappreciate ang pagsasakripisyo nyo para lang maibigay ang mga pangangailangan nila. Di lang buong sweldo nyo ang gusto nilang kunin kundi maging ang inyong sariling kaligayahan.
magpakatotoo rin kasi at sabihin sa kanila na hindi ka mayaman at sumusweldo ng malaki sa ibang bansa.
sammyblue4x4 said
Naranasan ko yan nung dalaga ...Naranasan ko yan nung dalaga pa ako, almost all of my sweldo talagang staight sa padalahan, d ko rin lubos na maisip that time parang laging me okasyon buwan buwan, laging me nangangailangan buwan buwan laging may dahilan ang paghingi ng anda from the pinas...naisip ko sa sarili ko na oks lang sort of repaying gratitude kc wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kung wala sila(family), but when i started my own family na, d na pwede yung ganon sitwasyon they cannot just call me n ask for anda, kc me mga pangangailangan din ang aking immediate family here n yun ang priority ko..so when they call..i'll always tell them if I have extrang anda i'll call them n give them the control no of the remittance, if wala ..then pasencya...loud n clear!
"Parachutes and Mind function only when open."
garnet06ph said
may tama si Pepper, ikaw ...may tama si Pepper, ikaw lamang ang makaka sulusyon nyan
tangapin mo n ganyan ang sitwasyon at wag nang mag reklamo or gawan mo ng paraan para masolusyunan mo ang sitwasyon mo ngayon.
Shyatap!!!
somwerNdmiddle said
kaya mo yan shoe, karamihan ...kaya mo yan shoe, karamihan saten dito ganyan sitwasyon basta wag mo lang kalimutan na MAHALIN MO DIN ANG SARILI MO, wag give ng give di rin maganda yun, abuso na masyado yung ganun.
shoeaddict said
maraming salamat sa mga payo nyo, ...mga ilang araw pa lang nung nangyari yung sinasabi kong tawag mula sa kamag-anak ms tatess.
tama ka,,hindi ako nakasagot,naninikip ang dibdib ko sa pagpipigil kasi magulang ko yung sumagot ng ganyan.
alam ko hindi na ako bata at hindi na rin ako nakatira sa puder nila,pero ang trato sa kin parang batang paslit,na kapag kailangan nila ng pera,padala ka agad.
oo,,minsan gusto kong mandeadma pero magulang pa rin sila,pero kung mangangailangan sila ng pera,,,karapatan ko rin namang malaman kung saan nila gagamitin.
kung para sa kanila,ok lang sana,pero meron pang ibang taong nakikinabang sa ipinapadala ko.
hayyyy,,,kapapadala mo pa lang nung isang linggo,,,kailangan ko na namang magpadala ngayong linggo
im not in denial garnet of the existing situation,im just confused,or hurt that there are"others" who are not in the immediate family circle who take advantage of my parents,,who,, maybe because of the unconditional love for them,,they just give and give and keep on giving.
ms saigon,,,labas pasok na ako sa ibat ibang bansa,,,pero nuon,,,wala pang ganitong sitwasyon,nitong lately lang parang "marami" na silang nag-aanticpate sa padala.
ang nararamdaman ko,,,ibinigay ko ang daliri ko,,,buong braso pala ang kailangan nila.
Qatar Idols said
i've been in your shoes ...i've been in your shoes shoeaddict and up to now, suot suot or kabit kabit ko pa rin ang ganung responsibilidad sa pamilya. but pls exclude who are not related to our family. though malaki ang pamilya namin, anim kaming magkakapatid, 2 ang may-asawa pero lahat umaasa. kanino? sa akin poh. nuong beinte anyos ako... ok lang na lahat ibibigay ko sa mommy ko. hihingi na lang ako ng allowance to budget my 15 days and so on. but lately, i realized abt my future. why i am here. bakit ako nagtatrabaho. paano na ako pagtanda ko. mga katulad ng katanungan mo...
sa akin naman, hirap akong hindi magpadala dahil galing din kami sa hirap. pangalawa ako sa matanda so ayokong maranasan din nila ang naranasan kong hirap nuon. hindi ko alam pero heto na ang pride siguro na tinatawag. pilid kong nilalabanan ang kahirapan pero hindi ko kakayanin ng ako lang... na lagi ko naman sa kanilang sinasabi...(itutuloy)
shoeaddict said
qatar idols ...i just emailed my sister.she insisted that i save up,hindi puro bigay lang ng bigay na parang walang bukas.
ang sagot ko,,,matanda na si daddy and i will provide all.alam ko na may extended family ang dad ko bukod sa amin,sige ibibigay ko na lahat ng makakaya ko.kahit hindi ko pa sila nakita at kakilala.
hindi man ako makapag-ipon,hindi na man ako makapag-invest,walang bahay,walang ari-arian ang alam ko me investment ako sa langit.I know HE has provided a plsce for me.
i asked my sister will this matter after 5 years?
i guess not,,,what has to be done,,,will be done.
masakit di ba?,,,pero im not DEFEATED...
ur_inspiration said
dont give up.. ganyan ang ...dont give up.. ganyan ang buhay, dapat lng marunong kang dumiskarte, alam kong matu2nan mo din ang lahat...
payaso said
Ang lahat may hangganan. Hindi mo na kailangang ibigay mo ...ang buong katawan mo kung ang ulo, paa, kamay at mga braso mo ay naibigay mo na.
Well, hindi mo kailangang bigyan ng isda ang mangingisda, turuan mo sila kung paano mangisda.
Isang paraan ng pagtulong ko sa mga kapatid ko eh pag-aralin ung isa sa kanilang mga anak na gusto nilang pag-aralin para yun naman ang tumulong sa kanila in the end.
Nung nasa ibang bansa ko bago dito sa Qatar, malaki ang naipapadala ko sa kanila, pero nung napunta na ako dito ay sinabi ko na hindi na kaparehas ng dati at ngayon ay kalahati na lang- pareho din naman at nagkakasya naman.
Hindi naman rin sila maniniwala dahil pag-uwi natin sa Pilipinas kung sasabihin nating wala tayong naipon di ba?
"I can compare myself to halo-halo, the deeper you know me, the better."
fRanCisM said
yes masakit nga shoeaddict ...yes masakit nga shoeaddict but you have to delete the word (yet) after i'm not DEFEATED! you don't have to! cheer-up gurl! nuod ka ng bowling every tuesday sa mother studio! hehehe...
rein said
of course you have the right ...of course you have the right to complain. dont tolerate them! lalo lang silang aasa sayo at tatamad. the nerve! may mga pinsan akong ganyan, i stopped helping them. d bale sana kung napupulot lang ang pera.
"Light travels faster than sound. This is why some people appear bright until you hear them speak."
fRanCisM said
ayan ni-delete mo na hehehe ...ayan ni-delete mo na hehehe
freedomONE said
Teach them how to fish! ...Alam ko halos lahat po sa atin na nandito sa ibang bansa eh takbuhan ng mga tao sa pinas. Sad to say, Yan po ang hindi naiintindihan ng mga kamag-anak natin sa pilipinas. Na tayo ay nagbabanat ng buto, kinakalaban ang kalungkutan at minsan karamdaman. Pero ang nasa isip nila ay ang buwanang padala natin.
Nagulat nalang nga ako ng makita ko yung listahan ng pindapadalhan ko sa pinas sa UAE-Exchange eh umabot na sa sampu. At mayron pang isang ka-office mate ang misis ko na humihingi din ng tulong. (Shock!) Ano tingin nila satin Philippine Charity Sweepstakes? Hindi po masama ang tumulong, basta po totoo at naayon!. At hindi din po naman natin kaya lahat tulungan!
Sana lang maisip ito ng mga naiwan natin sa pilipinas, Ito ay ating pinagpapaguran at para sa kinabukasan ng ating sariling pamilya!
shoeaddict said
naiabot mo na ang daliri mo ...yun pala pati braso mo kailangan nila.
laging sumasagi sa isipan ko yan,at pati yung mga hindi mo na kamag-anak kailangan mo na ring abutan ng braso.
kapag wala ka nang maiabot,,,ang SAMA SAMA ng tingin sayo.
hayyyyy freedomone,,,ngayon pa lang magtayo ka na rin ng charitable institution para sa mga nangangailangan ng tulong...
mjamille28 said
hay shoe, jan ka may mali my ...hay shoe, jan ka may mali my dear,.. wala kang obligasyon sa mga hindi mo kamag-anak.. oo hindi masama ang tumulong sa kanila, pero NAMAN, yun eh sa abot lang ng makakaya mo.. wag ka magpasindak sa dagger eyes nila, hindi yan nakakamatay, yaan mo lang sila hanggang lumuwa ang mga mata nila kakatitig ng masama sa iyo.. unang una hindi mo sila kaanu-ano ha, kaya wala silang "K" na maghinanakit sayo kung talagang di mo sila matulungan..

batute said
hindi naman payo ang ...hindi naman payo ang kailangan mo eh.. kundi...buksan mo lang yung common sense mo..na minsan eh malimit na wla sa atin...peace!!!!!!
"Knowledge is best used when shared."
leilany2 said
kasalanan mo yan bakit mo ...kasalanan mo yan bakit mo hinayaang umasa sayo?kahit bangko nalulugi at nauubusan ng pera,ginagawa mo clang mga inutil.
junarc2003 said
wag ka na muna magpadala ...wag ka na muna magpadala this month tapos ipangtreat mo sa amin LOL
on a serious note... masarap ang feeling ng nakakatulong pero xempre u have to think of yourself din... pero gaya ng sinabi mo na yung mga pinapadalhan mo eh capable naman magwork...then u should start thinking kase you're actually helping them to be tamad and all... kaya walang masama na kausapin mo sila in the nicest way u can na u want to save for your future naman this time... or bawasan mo yung pinapadala mo para makasave ka para sa sarili mo..
"there are so many rumors about me...feel free to believe in any of'em.."
tatess said
no need ka na palang payuhan ...may desisyon ka na pala.
naalala ko tuloy bigla yung thread na nadelete .nanghihingi din ng payo pero actually pala ay nagkukwento lang .di ba wishdom?????
Well,goodluck na lang sa iyo at sa lahat ng tinutulungan mo.Sarap mo namang maging kamag anak pahingi hingi lang ng pinagpaguran mo habang nagpapalaki ng kanila.
sabagay bakit nga ba magtatrabaho pa ko kung meron namang nagpapadala ng sustento.
Sarap maging batugan!
shoeaddict said
pasensya na ms tatess ...kasi me higit pang dahilan yung naging pasya ko sa pagtulong.mahabang mahabang storya,,,di ba apple?
thank youpo at sana magkita po tayo ng personal para maikwento ko sa inyo at malurkey kayo kahit papaano...:(