Recent comments
- Alhamdulillah Khawaga, happy
16 sec ago - "individual-s don't pray for
44 sec ago - Hi Mark,
I corresponded with
2 min 42 sec ago - good
3 min 8 sec ago - tatess, You asked "what do
3 min 22 sec ago - GALAXY, CADBURY, HERSHEY,
5 min 49 sec ago - I was not being judgmental
8 min 21 sec ago - Mathboy,I'm Asian and I'm
8 min 26 sec ago - He he--- User friendly is
10 min 54 sec ago - These guys will probably
11 min 59 sec ago
Restaurant Cuisines
- Arab,
- American,
- British,
- Cafe,
- Chinese,
- Doughnuts,
- Fast Food,
- Filipino,
- French,
- Indian,
- Iranian,
- Italian,
- Juices and Smoothies,
- Lebanese,
- Malaysian,
- Mediterranean,
- Mexican,
- Moroccan,
- Pakistani,
- Pizza,
- Portuguese,
- Sandwiches,
- Seafood,
- Spanish,
- Steakhouse,
- Sushi,
- Thai,
- Turkish,
- Vegetarian,
- Qatari,
- Other,
- All Restaurants
14 PRESIDENTIABLES SA UNANG BUGSO!
Nasisiraan na nga ng ulo yata ang mga Pilipino!
Nakapagtala kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa unang bugso nang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng 14 presidentiables, tatlo sa pagka-senador habang bokya naman sa pagka-bise presidente.
Isinara ng Project Management Office (PMO) ng Comelec, ang unang araw nang paghaharap ng COC ganap na alas-singko ng hapon.
Buena-mano sa filing ng COC sa pagka-pangulo kahapon ang isang ‘teacher-preacher’ na tubong Jagna, Bohol. Isang nilalang na gustong makilalang “Emperor of the World” at hihingi umano ng basbas kay Pope Benedict XVI upang pamunuan ang Pilipinas.
Si Rigoberto Madera Jr., 61, ay naghain ng kanyang COC ganap na alas-8:40 ng umaga bilang presidente sa ilalim ng partidong Kilusan ng Bagong Lipunan (KBL) na itinatag ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Sinundan ito ng isa pang presidential aspirant na si Gilbert Garcia, 40, isa umanong “quantum physics instructor”, tubong Nueva Ecija, at kilala raw sa bansag na “Atomgiltinity”.
Naunang sumugod sa Palacio del Gobernador si Gregorio ‘Manok’ Samia, tubong San Fernando City, Pampanga, pero hindi ito naghain ng kanyang COC.
Kuwalipikado raw tumakbong pangulo si Manok dahil sa kanyang kakayahan na gayahin ang tunog ng manok. Nagpakitang-gilas ang aspirante sa harap ng media at ipinamalas ang mala-manok na boses.
Bago mag-lunch break ang PMO, siyam na aspirantre sa pagka-pangulo ang naghain ng COC at tatlo sa pagka-senador.
Humabol bago ang break si Atty. Oliver Lozano, 69, tubong Dingras Ilocos Norte at tatakbong Pangulo sa ilalim ng partidong “independent-KBL”.
Kabilang pa sa tinanggap na COC ng PMO ang inihain ni Vicente Fabilla, 46-anyos, ng Oriental, Mindoro; 70-anyos na si David Almorong na nagpakilalang retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines.
Si Josefina Morillo, isang masahista mula sa West Avenue, Quezon City; dating OFW na si Noel Aguirre; Victorino Inte, 55-anyos, ng Loboc, Bohol at Micomi-i La-Lawquero alyas Lotlot na nagpakilalang congresswoman daw ng National Capital Region at House majority leader noong 2007 hanggang 2008.
Tinanggap din ng Come lec ang kandidatura ng 67-anyos na si Eduardo Sion ng Davao City na nagpakilalang nominado daw siya ni Sr. Nazareno.
Huling naghain ng kandidatura si Noel F. Aguirre, isang imbentor, entrepreneur at computer programmer at tatakbong pangulo bilang independent.
Ayon kay Comelec commissioner Gregorio Larrazabal, sasalain nila ang mga inihaing COC pagkatapos ng COC filing sa hatinggabi ng Disyembre 1.
Kaugnay nito, umapela ang Comelec sa mga maghahain ng COC na huwag nang lumikha ng gimik at sari-saring pakulo sa paghahain ng kandidatura.
QT Qs and Forums
QT Classifieds Page
Guide to Qatar
- Sample Budget and Cost of Living
- Qatar Schools Database
- Residents Guide to Qatar
- Siteseeing in Qatar
- Traffic Rules
- Attending a Qatari Wedding
- Gift ideas from Qatar
- Buying a used car in Qatar
- Renting in Qatar
- What to consider when renting in Qatar
- Preparing for Winter in Qatar
- Registering a birth in Qatar
- Blackberry phones in Qatar
- Old Qatar
- What's Happening in Qatar
- Online Shopping in Qatar
- What does Doha look like?










Comments
rockduke said
nasiraan n nga ng bait ang mga iyon.. ...hahahaha mga pasaway lolz
MyHotComments
tatess said
Eperor of the World ...nominado ni Sr. Nasareno.
hahaha.
lobot said
only in the phils.... ...only in the phils....
balasang_nakpay said
'Pinas ala pa rin pagbabago ...'Pinas ala pa rin pagbabago pagdating sa politics.
agent_nur67 said
*** ...maaring tama tayo sa ating mga puna...
pero sana wag muna natin silang husgahan, hayaan na lang natin na ang comelec ang mag-evaluate nyan at abangan na laang natin kung makakasama sila...
lobot said
money and machinery count ...money and machinery count mosts in the phils to be qualified...if you dont have, otherwise you will be qualified a nuisance candidate...
north_me said
Isa sa mga dahilan ng ...Isa sa mga dahilan ng kanilang paghain ng kandidatura ay marahil hindi na nila masikmura ang ibang politiko na nagpapalakad ng ating gobyerno. Tama si agent_nur, meron silang kanya kanyang kadahilanan bakit nila ginawa yon..
MO RIN...YUN LANG!!!
sammyblue4x4 said
'ala ey, mukhang palala ng ...'ala ey, mukhang palala ng palala ang kondisyon ng 'pinas....
'musta na mga peeps..
'gandang morning sa inyong lahat....
kareristang pinoy said
hinihintay ko ang pag-file ...hinihintay ko ang pag-file ng candidacy ni Amay Bisaya saka ni Eddie Gil...

.
.
.
KEEP MOVING!!!
somwerNdmiddle said
yan ang pinoy!!! nyahahaha ...yan ang pinoy!!! nyahahaha
Peppermint said
Mga nalipasan lang yan ng ...Mga nalipasan lang yan ng gutom or baka dahil sa wala na rin silang makitang pagbabago kaya napilitan na silang tumakbo!
"Wag magbubuhat ng sariling bangko..."
tatess said
mas maganda kung ...mas maraming mag file ng kandidatura.daming pagpipilian.
ibat ibang propesyon at trabaho.
Don Robert said
kahit sino pweding tumakbo, ...kahit sino pweding tumakbo, I agree, karapatan nating mamamayan yan pero sana naman ay tingnan muna nila ang kanilang mga sarili bago sila gumawa ng kalokohan...hindi ba kalokohan yan na tatakbo kang pangulo dahil nagagaya mo ang tilaok ng manok. nag mumukha na tuloy tayong katawatawa. Isa pa, masahista ka, ibig sabihin expertise mo ang pagmamasahe, yan ang pag igihin mo at hindi ang kung ano-anong pagtakbo. sa ibang nag file ng candidacy, hindi na natin kailangan pang hintayin ang comelec para husgahan sila dahil tulad nitong si manok, maliwanag na na nawawala na sa sarili ang iba sa atin.
agent_nur67 said
*** ...hayaan na natin ang comelec, para naman may magawa sila.. husgahan natin sila pag pumasa na sila sa comelec...
di ko kayang manghusga ng kapwa ngayon.. busy kami sa QLing... nyahahah!
Apple said
Pakinggan muna natin sila, ...Pakinggan muna natin sila, ano bang mga agenda nila, ang mga plano sa bansa, sa sambayanang pilipino, kung paano labanan ang tuloy-tuloy na pagbaba ng ekonomiya, anu-anong mga naisip nilang paraan kung paano mabawasan sa halip na madagdagan ang bilyones na utang ng bansa, at una sa lahat paano labanan ang kurapsyon ng bawat ahensya ng gobyerno?....at saka pa lang ako pipili ng
kandidatong susuportahan ko....
Pero sana bigyan na nila ng prioridad at dagdagan ang budget ng edukasyon at kalusugan sa bansa. Yun ang mas importante sa bawat pilipino.
juandelacruz_qatar said
***************************** ...************************************
If Electricity Comes From Electrons,
,,,,,Does Morality Come From Morons?
************************************
Places To Go, People To Annoy.......
************************************
Don Robert said
apple, trillion ang utang ng ...apple, trillion ang utang ng pilipinas at hindi bilyon, hindi lang magandang plataporma nila ang dapat nating e considera kundi yung kakayahan nila...yung experience.....you need a brilliant mind, a dedicated attitude, a patriot to battle corruption and cope up with our economy.. for the first 14 applicants, maybe they have a good master plan but they don't have the experience in the real world of politics, and so as I.
For me ano pa ang dapat kong hintayin sa comelec para husgahan sila, hindi biro itong problema ng ating bansa at ang pag sasample kung paano tumilaok ang manok sa unang pagpapakilala mo bilang candidato is just an idiotic act of ignorance. and so as to those who are giving them chances in the starting line.
Apple said
eh paano kung walang ibang ...eh paano kung walang ibang kandidato na may experience?:(
sa tingin ko yang mga kandidatong yan ay pampagulo lang para mahati ang botante, ganyan naman sa politik...pero para sakin maaga pa para husgahan natin silang lahat...hintayin lang muna nating malaman kung sino-sino ang lahat ng tatakbong pres. sa pinas...then choose the best na lang!
at yang si manok yaan mo na yan, wag mo na lang botohin kung ala namang alam kundi tumilaok, makipagsabong na lang siya kamo kay pacman o kumandidatong brgy kagawad muna para makontrol niya ang sabungan sa brgy nila :P
somwerNdmiddle said
kaya dapat 2-party system ...kaya dapat 2-party system saten eh ng 2 lang pagpipilian hindi yung sandamakmak na kandidato hindi yung kahit sinong gusto tumakbo eh pwede.
Don Robert said
That's my point apple, ...That's my point apple, nakaka dismaya na, hindi natin o hindi ko hinuhusgahan lahat kundi hinuhusgahan ko ang ibang specific individuals na wala magawa sa buhay nila na dapat sana ay mag isip sila kong sino ang dapat iboto na matino bagkus ang mangulo at magpatawa ang pinag aatupag nila.
DukebluedeviL said
kaya dapat si Eddie Gil ...kaya dapat si Eddie Gil manalo, babayaran daw nya utang ng Pilipinas!!hehe! ^_^
"..people don't care how much you know until they know how much you care.."
Apple said
Duke ...Sino si Eddie Gil, magician ba yan, mag-mamagic siya ng trilyones na pambayad? :P
Don Robert said
eddie gil lol, search ka ...eddie gil lol, search ka apple at may gingawa yata ako thread tunkol sa kanya,....
eto bago na naman, may basurerong nag file ng candidacy kahapon, gusto tumakbo bilang senador pero nagkamali at form ng pang presidente ang nasulatan nya..at hindi lang yan, kinakausap nya pa ang sarili nya.
somwerNdmiddle said
don robert, juskopo! ...don robert, juskopo! patnubayan nawa tayo ng poong maykapal!!!
mjamille28 said
the circus called ...the circus called "politics"...

Peppermint said
Meron pa nga kakandidato dun ...Meron pa nga kakandidato dun na pag di daw sya napili MAGUNAW NA DAW ANG PILIPINAS! Isumpa daw ba? hahahahaha!
"Wag magbubuhat ng sariling bangko..."
somwerNdmiddle said
kaya ayoko ng manuod ng news ...kaya ayoko ng manuod ng news pag saten eh, nakakalungkot na nakakadismaya lang
chevydjak said
Sa tin kasi ang news kadalasan... kahit walang kwenta ...pinapatulan me maibalita lang... try nyo pag me butiking umutot at me nakarinig ime-media at ung butiki, paparangalan.....nyahahahahahahahaha
hayz...desperado na ang mga pinoy...pag walang magawa tatakbo ng pagka-presidente...lahat yan para sa akin nuisance! husga kung husga...kundi ba naman, eh bakit presidente agad...haller parang laro lang ang posisyon na un eh...ayaw mag-try mag-congressman o senador.. :D
"BRING IT ON DUDE!!!"
somwerNdmiddle said
ganyan naman talaga media ...ganyan naman talaga media saten chevy at marami din naman interesado gaya ko sa mga ganyang balita hehehe
tatess said
hmmm.. ...sorry po at mukhang may na "WOW MALI" ata si joey de leon !
Apple said
mami tats ...di ba ang ampalaya ay mapait? at ang mapait sa ingles ay bitter? mwahahahaaa :P
chevydjak said
sabagay...enjoy ako ngaun sa manny & krista...lolz ..."BRING IT ON DUDE!!!"
Apple said
don robert, dalawa lang yan, ...don robert, dalawa lang yan, kung hindi marunong bumasa yun basurero kaya di niya knows na pres form ang nasulatan niya o yung comelec mismo ang di marunong bumasa sa form na naibigay ahahaha!!!
engot din naman ang comelec bakit di muna tinatanong kung aling posisyon ba tatakbo ang magpa-file ng candidacy? in fairness, pag nanalo yun laking swerte niya at laking malas at bobo natin :P
galit_sa_pusa said
NYAHAHAHAHAHAHAH! ...after 2 weeks of 'hardly working', ngayon lang uli ako napatawa ng bonggang bongga!
to be honest, kapag may election especially sa pagkapresidente, yan ang mga inaantabayanan ko. for me, i dont care kung mag-file sila ng candidacy, eh kung feel nila di ba. it's up to us kung iboboto natin sila.
isipin mo nalang na kapag sobrang talino ng presidente, mahirap din kasi kayang kaya nyang bilugin ang ulo ng mga tao. dapat yung tama lang, marunong tumanggap ng pagkakamali, suhestiyon at higit sa lahat yung MAY TAKOT AT PANANAMPALATAYA SA PANGINOON.
don robert, cool ka lang, masyado kang hyper sa thread mo. minsan need natin sa life ng mga clowns, they lighten up our days. come on guys, dont judge them. kahit ba masahista sya, eh kung sya talaga ang pinagpala bilang mamuno ng pinas eh may magagawa ba tayo? share ko lang don robert and for the rest of the guys here, for sure kilala natin si King David ng Old testament. He is nothing but a simple man with skinny body. he knows nothing but taking care of the sheeps. But since he is chosen by God, he became King.
I agree with apple, di ba comelec ang nangangasiwa, baka naman iliterate yung nagbigay ng form sa basurero at sana wag naman nating sisihin ang basurero. alalahanin mo, importante sila sa atin, kapag walang basurero, malamang smokey mountain na ang bahay mo.
Don Robert said
no, di ko naman sinisisi ang ...no, di ko naman sinisisi ang basurero o ang masahista na nag file ano dahil lahat nga naman ay may karapatan pero sana naman ay tingnan muna natin ang ating mga sarili kung kaya ba talaga natin, at sa mga tao naman na na nakapalibot sa mga nag file ng kandidatura ay sila na sana ang umawat kung kita nila na nahihibang laang ang tao, ang punto ko laang is ganito na ba talaga tayong mga pinoy. yung ibang bansa ay paahon habang tayo naman ay paurong. tama, tanga ang basurero na nag fill up sa maling form at mas lalong sandamukal na tanga ang nasa comelec.
about king david,....well magandang example yan pero as said by many, we are the ones who makes our destinies.
Kung tayo ay matatakot sa matalinong presidente na baka bilugin laang ang ating mga ulo ay tayo na ang may deperensya. We need a battle for the fittest and not of the brainless..
actually agree ako sa sinabi ni chevy, bakit pa nga ba pinapatulan yan ng media? to amuse us? well it doesn't amuse but irritates me kasi pinapakita lang nila kung gaano kadami ang istupido sa ating mga pinoy.
bweeesit na mga aplikante yan, bweesit na media, bweesit na election at bweesit na buhay ito.....uwi na ako!!!gutom na ako...
Phoenix_Rising said
bago pa kayo magtawa dyan, ...bago pa kayo magtawa dyan, basahin nyo muna ito.
"Right now to be Philippine President a person need only be:
1. A Filipino citizen
2. At least 40 years old
3. Knows how to READ & WRITE"
or to be exact,
- a natural-born citizen of the Philippines
- a registered voter
- literate
- at least 40 years old
- a resident of the philippines for at least 10 years
********
ganyan lang kasimple. kung pasok ka dyan sa mga yan pwede ka na tumakbong presidente.
gaya ni Erap, he satisfactorily meets EVERY requirements.
So alin ba nakakatawa? ang mga gusto tumakbo o ang batas ng pinas?
ngayon kung natatawa parin kayo at maraming "siraulo" na gusto tumakbo... baka isa na kayo dun :P
agent_nur67 said
*** ...basta ako mang huhusga ako pag lumabas na ang final list from comelec... waste of time lang para sa akin ang husgahan sila at this time.. trip nila yan eh... AND I WON'T SAY NA DAHIL SA IILANG IYAN NA DI PA KASAMA SA FINAL LIST ay masasabi natin na "nasisisraan na yata ng ulo ang mga PILIPINO (i will repeat.. MGA Pilipino)... ang importante yung FINAL LIST OF CANDIDATES...
tapos husgahan natin sila sa kanilang mga plataporma... hindi dahil kung bungi or may ngipin sila.. matsukista man or masahista.. drama king or comedy queen sya... hindi dahil kung may pera sya or wala.. ang importante may magandang plataporma (at least) sya...
good luck sa ating lahat...
doham1121 said
Kahit ilan pa ang magpafile ...Kahit ilan pa ang magpafile ng candidacy sa comelec...nasa atin pa rin ang final na desisyon kung sino ang gusto nating umupo bilang presidente...kaya NOYNOY AQUINO FOR PRESIDENT....KAYA NATIN TO!...magingat tayo sa mga nagiinvest ng bilyon bilyon na salapi para lang maging presidente...
waaaaaaaaaaaaa
"HIPOS DYAN!!!"
Phoenix_Rising said
doham musta ka na? nagkita ...doham musta ka na? nagkita na ba kayo nung nag akusa sayo na double nick ko? at kinakausap ko daw sarili ko!
wehehehehehehe, mukahng pasok itong topic sa thread ah.
'SIRAULO ANG PINOY' :P
doham1121 said
phoenix di ko na maalala ...phoenix di ko na maalala kung sino sino ang mga yon e...pero i tried to meet them pero di naman sila nakipagmeet..actually gusto ko ngang tumambay sa Qatar Bowling para maglaro ng Table Tennis e kaso..heheheh sensya sa hijack sionagot ko lang po ang tanong...
"HIPOS DYAN!!!"
Phoenix_Rising said
ganun ba, gusto mo ibulong ...ganun ba, gusto mo ibulong ko sayo sa PM? tapos attend ka XMAS PArty para ma meet mo sila.
ENJOY!!
Peppermint said
Hi Phoenix musta na? ...Hi Phoenix musta na? Looooong time no hear a! Asan ka ba ngayon sa Pinas?=D
"Wag magbubuhat ng sariling bangko..."
groover5320681 said
aba nabuhay si ... a este ...aba nabuhay si ... a este preng Phoenix long time no write ah ... ano ba atin ha. mukhang nagliliyab tayo ngayon ah...
Phoenix_Rising said
pre grover, same same parin. ...pre grover, same same parin. heto tumataba sa sobrang mamoy
yup yup! maliyab talaga ang phoenix napapaso nga ako eh :P
doham1121 said
sige phoenix i-pm mo sa ...sige phoenix i-pm mo sa akin.. nagulat lang kasi ako kasi kabago bago ko pa lang noon inakusahan na ako..
NOYNOY AQUINO for president...
"HIPOS DYAN!!!"
Phoenix_Rising said
hahahahaha, wag na doham. ...hahahahaha, wag na doham.
im sure napahiya na sa sarili nila mga yun.
enjoy ka nalang dyan sa buhay buhay dyan. at makipaglaro ka lang sa mga laro laro.
cheers!
groover5320681 said
ehehehe tumataba na ba, ...ehehehe tumataba na ba, dapat pala mamoy ang avatar mo di nagbabagang ibon lolz, di ka na ba babalik dito, Class B na kami sa batuhan ... class B as in Bano heheheh , musta mo na lang ako kay pareng Erap dahil sa kanya ang Boto ko...at saka kay manok tsaka sa masehista .. flying voter ako eh :p
Phoenix_Rising said
class "B"!! alangya ka, ...class "B"!!
alangya ka, napatawa mo ako ah :P
ako naman balik class D, Dehins nakakapaglaro :(
nakakaraos naman so far dito, walang amo at walang oras na hinahabol. mas masarap pa nga buhay dito... stock trade at gardening pag araw.. mamam gabi gabi hehehe ;)
hamo minsan, pagisipan ko kung alin sa dalawa pang nick ang pwede ko gamitin para di naman masyado mainit.
kaso baka mayron na naman uminit pag nakita yung dalawa hehehehe.
regards sa inyong lahat dyan. malamig na ba ang DOha?
groover5320681 said
balik ka sa class D as ...balik ka sa class D as Damuho lolz, pre gamitin mo yung isang nick mo yung ano ba ulet yon...Yantok....Yanyun...Yan??? Ano ba yan??? :p
Konting lamig pa lang pero kung sakaling pagdating mo dito pre mag tsutsunami kaya stay put ka na muna diyan dahil di pa ako nag cicitizen dito heheheh.
sige regards kita kay DA HU...alm ko naman kung sino ang sinasabi mo...itago na lang natin sa pangalang Wishdom Lolz :p
Phoenix_Rising said
lolz...regards kay WISH.pre ...lolz...regards kay WISH at sa lahat ng DYOSA
especially Hersheys :P
pre grover, pag umuwi ka inform mo ako para may kasama akong 'dimunyu' habang nanonood ng nagsasayaw na mga nakapikit at nakabelat at may kalbo pa hahahahahaha
gudnyt pipol of the philippines :)
Peppermint said
Groover -- ano ka ba si Yani ...Groover -- ano ka ba si Yani yan! PIS!=D
Oi balik ka na dito sa Doha miss ka na ng mga camel dito!=P
"Wag magbubuhat ng sariling bangko..."
groover5320681 said
pre wag ka matulog dahil ang ...pre wag ka matulog dahil ang mga ibon sa gabi umaatake eheheh...sige pag uwi ko tawagan kita, basta dun lang ako sa amin, sa jolo, patawag na lang kita :), ala na dito sina hershey, si andrei, si rich, si si sino pa ba? ah si PA malapit na...nasa pilipinas na sila sinundan ka :p