Who's online
Online users
Recent comments
- You are right PH
11 sec ago - iba ang pinoy
5 min 15 sec ago - You have contacted the British Embassy or High Comission
6 min 39 sec ago - Pakistani Women
8 min 32 sec ago - \\\
\
that was exactly what
10 min 18 sec ago - rizksmatic heloo heloo,
11 min 9 sec ago - mother.....
17 min 59 sec ago - Had you guys going did I?
14 min 52 sec ago - Lock her up and remind her of her Crime Daily..
19 min 34 sec ago - Do you know what the problem
25 min 55 sec ago
1/2 RICE NEWS FLASH

Mga kababayan na balitaan nyo na ba ito?
Na may bagong panukala nanaman daw ang gobyerno na magkaroon ng 1/2 rice serving o orders sa mga fastfood chains!
Kung iyong napapansin kahit saang kainan (wag lang turo-turo) sa pinas magpunta di kayo makakaorder ng 1/2 serving ng rice. Laging 1 whole rice lang.
Napansin daw kasi ng government na madaming nasasayang o natatapon na rice sa mga kainan lalo na sa mga fastfood chains. Kalasan daw kasi since di ka naman pwedeng umorder ng 1/2 rice sa mga tindahan na ito ang nangyayari e natatapon lang ang tira mo.
So ang solution is 1/2 rice serving! Kung tutuusin magandang panukala nga ito lalo na't nakakatulong sa pagtitipid.
Pinabulaanan din ng gobyerno na merong rice shortage sa Pinas. Ito daw ay isa lamang paraan ng pagtitipid. Aba nahirap nga naman magtanim at umani ng bigas ang mga magsasaka tapos matatapon lang...
But naisip ko... ok sana ito kung 1/2 din ang price ng 1/2 rice. Kasi dati ng nasa pinas ako pag oorder ako ng 1/2 rice sa canteen namin more than 1/2 ang price!
Halimbawa:
1 whole order of rice = P6.00
1/2 order of rice = P4.00
So minsan napipilitan ka na kumuha ng whole rice kahit di mo maubos (pipilitin mo na lang ubusin kasi sayang!) kasi P2.00 lang naman ang difference diba?!
Isip ko tuloy baka sa susunod mayroon na ring 1/2 soup, 1/2 ulam (meron na nito ngayon sa mga turo-turo), 1/2 dessert, 1/2 water???
Hay.... papahirap na nga ba ang Pinas o sign lang ito ng pagiging matipid nating mga Pinoy?
Yun lang & babush!
Events
- Summer Lunch(Events)(Now)
- Indonesian and Malaysian Food Festivals(Events)(Now)
- Corporate Innovation open day(Events)(1 day)
- expatwoman.com tapas morning (Events)(4 days)
- Qatar Vs Uzbekistan(Events)(7 days)
- Qatar International Boat & Marine Expo 2008(Events)(45 days)
Guide to Qatar
- Sample Budget and Cost of Living
- Qatar Schools Database
- Residents Guide to Qatar
- Siteseeing in Qatar
- Traffic Rules
- Attending a Qatari Wedding
- Gift ideas from Qatar
- Buying a used car in Qatar
- Renting in Qatar
- What to consider when renting in Qatar
- Preparing for Winter in Qatar
- Blackberry phones in Qatar
- Old Qatar
- What's Happening in Qatar
- Online Shopping in Qatar
- What does Doha look like?





Comments
lovinni said
ok naman ang panukalang ...ok naman ang panukalang ito. kaya lang bakit ngayon lang nila naisipan. sa mga basura nahahakot lalo na galing sa mga kainan, makikita talaga na maraming kanin na natatapon. dapat nung una pa ito sinimulan at hindi umabot ngayon na ramdam na ang kakulangan sa supply ng bigas.
sana tipid din sa mga bahay natin. kasi minsan sobra ang kanin din ang nasasaing kaya natatapon din. sayang talaga. at iisipin din natin ang milyung tao sa mundo sa na namumuhay sa gutom.
I think I've discovered the secret of life - you just hang around until you get used to it. ~Charles Schulz
alecscotland said
1/2 rice law ...i find this bill so funny! bakit ba kailangan isabatas pa kung pwede naman gawin sa pribadong pamaraan? bilang pribadong mamamayan, wala ba tayong initiative na mag isip ng paraan at itama ang mali? kailangan ba mag karoon pa tayo ng "1/2 rice bill"? natatawa lang talaga ako!
this only shows that the cultural & moral values (na wag mag sayang ng pagkain) our forefathers have taught us, is being wiped off the map. very soon the philippines will be having bills like "bawal umihi sa pader bill", "bawal dumura sa kalye bill", etc etc. maybe time will come that there will be bills for everything we do! so where's democracy here? DEMOCRACY IS NOTHING WITHOUT DISCIPLINE. yan ang tandaan nating lahat.
wmhizon said
Lets faced it po kasi ang ...Lets faced it po kasi ang pinoy talaga matitigas ang ulo di pwedeng kusa palo minsan (kulang sa disiplina)...
Kung titignan mo nga minsan may rules o batas na but still di pa rin natin sinusunod! To the extend na nakikita o nababasa na natin o nasa harapan na natin but ganun pa din gagawin natin kung ano ang gusto natin (as long as walang nakakakita at makakalusot!)
Gaya ng bawal tumawid sa edsa! Mayroon pa ring tatawid kasi tinatamad maglakad ng malayo para sa tamang tawiran! Ayun makikita mo na nakikipagpatintero sa mga bus at sasakyan sa edsa! worst is di na sila nakakarating sa kabilang lane kasi nasagasaan na! tsk! tsk! tsk!
Nasa ugali na rin nating mga pinoy ang pasaway minsan! (minsan ganito din me pero light lang naman!hahahaha!)
(Teka ibang topic na yata ito!=p)
Balik tayo sa 1/2 rice agree din ako dito kung talagang makakatulong sa mga Pinoy why not diba!?
But un nga sana lang make sure na lahat makikinabang sa panukalang ito lalo na ang mahihirap!
Yun lang ang babush!
"Even if LOVE is full of thorns, embrace it. For in between those thorns there is a ROSE that's worth all the PAIN."
Karin said
. ...palagay ko kaya kailangang isa batas ito dahil ayaw gawin ng mga negosyante because hassle sa business kunti pa tubo. ang problema natatapon lang pag mahina kumain ang customer so they passed this bill. para makatipid sa kunsumo kahit papano at maiwasan mag import ng bigas.
owen said
as per the news i've ...as per the news i've watched yesterday...we are having rice shortage, but the government is denying... and oh my gosh...when i left, ang presyo lng per kilo is somewhere around P23, now a kilo is P27!!!!!...
so i guess this would somehow help....
Karin said
. ...palagay ko ang disciplina ay nasa 'upbringing' ng isang tao wala sa 'race'.
treysdad said
Owen / Karin... para sa ...Owen / Karin... para sa inyo ang batas na ito....
sa susunod na gathering ipapatupad ko ito.... 1/2 rice lang sa inyo!
Click Logo for the Filexpatriates Group
lovinni said
hahaha treysdad...eh paano ...hahaha treysdad...eh paano yan? mauna silang matapos kumain. di ba pangit ang unang tumayo? hehehe
I think I've discovered the secret of life - you just hang around until you get used to it. ~Charles Schulz
alecscotland said
tama si karin ...tama ka karin, hindi dahil pinoy tayo ay wala na tayo disiplina. marami lang talaga sa atin ang hinatak pababa ng social upbringing... yung mga taong di na marunong mag respeto sa tamang pamamaraan ng pamumuhay.
tatess said
1/2 ok lang ...isabatas kung sa ikauunlad ng Pilipinas..
pero teka muna 1/2 rice daw sa susunod na gathering! paano ba yan Normanila, papayag ba tayo?pero sabi ni Boss para ke Owen at Karin lang yata yung batas na yon.
owen said
treysdad!.... hmp!... ang ...treysdad!.... hmp!... ang upbringing sa amin eh wag magsayang ng kanin.... so kpag me nakikita kaming tira eh nilalapang na namin... at kya nga po ipinatutupad itong batas na ito eh para sa mga "takaw tingin" kukuha ng marami tapos hindi uubusin!...
no problems, linggo linggo naman kami me gathering at walang nasasayang na kanin... ask karin..
spunkturr said
bigtime ang mga pinoy..1/2 ...bigtime ang mga pinoy..1/2 rice?knina un ang in-order ko d2..hehe
PILIPINAS...AASENSO KA PA BA? (hope so..) PEAcE OuT!!
rodl said
1/2 rice ...1/2 rice... pabor sa health conscious. Pero.. kaya kayang panindigan ng mga pinoy?
hehehe... ako hinde... hehehe
. kung tutuusin, marami ngang nasasayang na bigas ang pinoy. kadalasan natatapon sa basurahan o pagkain lang ng alaga. Nasan na nga ba ang disiplina ng pinoy? Bakit kasi di matulungan ang mga magsasaka sa mga probinsya ng gobyerno o ng malalaking kumpanya para mapalakas ang anihan ng bigas at nang maging sapat ang supply natin sa pinas. Maganda siguro kung me incentive na matatanggap ang mga magsasaka o kahit yung mga organisasyon na tumutulong sa mga magsasaka para sikapin nilang mapalakas ang produksyon nila ng bigas. Ang nangyayari kase, binibenta na lang ng mga mayari ang lupang sinasakahan sa mga developer ng subdivision kaya nauubos na ang mga bukid satin. kung mauubos ang supply ng commodities tulad ng pagkain, para saan pa pinaghihirapan nating kita sa abroad? Pano nga naman aasenso ang pinas?..
Karin said
. ...ok lang ako mag half rice sa gathering natin ewan ko lang si owen
gawin kaya nating mandatory sa lahat kaya nyo??...tiyak magwa-walk out si falcon 3 cups ang minimum nun eh! j/k peace
owen said
nice karin....laglagan na ...nice karin....laglagan na lang tyo sa board..
basta my principle is "wag magsayang ng pagkain, kanin.....at maraming nagugutom at ang iba pa nga hindi nakakain!"....o ayan, justified na ha..
treysdad said
1/2 Rice ke Normanila? nahhh,,,, ...1/2 ulam ang dapat ke Normanila...
Ke 1/2 rice ke whole rice sa ganang akin eh dapat ang pinagyayaman ng gobyerno natin ay ang ating agrikultura.... pero ano ang nangyayari sa mga magsasaka natin... ayun... nagugutom.... alipin pa rin ng iilang maylupa .... at nagrarally sa lansangan....
Karin said
. ...what happened sa Land reform program ni Cory ba yon?
lovinni said
kawawa naman tayo. ang laki ...kawawa naman tayo. ang laki pa naman ng land areas natin tapos kinakapos tayo sa producksyon ng bigas. oo nga saan na ang land reform program? parang walang tumututok sa agricultura natin. kasi sa balita lang iba ang nagiging headlines at hindi pakinabang sa atin...
I think I've discovered the secret of life - you just hang around until you get used to it. ~Charles Schulz
Karin said
. ...exactly! countries who came to us to learn who to plant rice now we are importing rice from them. whats exactly the problem here...lack of fund, land and research or corruption?
wmhizon said
baka wala na silang ...baka wala na silang matamnan ng palay kasi karamihan ng bukid pang sakahan e ginagawa ng subdivision!
kaya ito kulang na tayo ng bigas!!! Hmp!
"Even if LOVE is full of thorns, embrace it. For in between those thorns there is a ROSE that's worth all the PAIN."
treysdad said
Then we better ask the ...Then we better ask the Senate President Manuel Villar on what his vision for the Philippines is when he runs for President.
Does he see a Philippines as an agricultural power house and Asia's food basket or a large real estate to be developed into subdivisions, condominium locales and upscale cemeteries?
wmhizon said
as far as i know ...as far as i know Senate President Manuel Villar also engaged in Real estate business. Infact he owned some subdivisions & malls in the philippines...
"Even if LOVE is full of thorns, embrace it. For in between those thorns there is a ROSE that's worth all the PAIN."
chingkay said
i agree ...i think villar own crown asia and metropolis too and many others...
owen update sa rice per kilo 36 napo
bka instead of 1/2 rice mapunta sila sa 1/4 na hehehehe
owen said
ouch! 36??????.... geez, ...ouch! 36??????.... geez, mag tinapay na lang tayo.. :)
chingkay said
owen hehehe mahal ...owen hehehe mahal narin ang tinapay
flour price getting high too
charansoi11r said
I saw Estrada distributing ...I saw Estrada distributing free rice to Manila residents :)
owen said
when charan? that must be ...when charan? that must be ages ago (i could be wrong)... :)
chingkay.. ano na lang??????
charansoi11r said
Yesterday. It is in Gulf ...Yesterday. It is in Gulf Times today:)
wmhizon said
maybe instead ...maybe instead of bread malamang kamote & mais na lang ang kainin ng pinoy...
"Even if LOVE is full of thorns, embrace it. For in between those thorns there is a ROSE that's worth all the PAIN."
owen said
i love kamote.. but i dont ...i love kamote.. but i dont like the after math of eating those..
, might settle with mais (binatog)...
wmhizon said
correct owen, eating ...correct owen, eating Kamote causes air pollution!!! hahahaha!
"Even if LOVE is full of thorns, embrace it. For in between those thorns there is a ROSE that's worth all the PAIN."
chingkay said
i think camote nalang ...i think camote nalang hehehe diko pa check how much per kilo
pero dagdag nga sa air pollution maya ask ko.......
angkat naman government natin ng rice hay naku ayaw nalang kasi tulungan farmers natin
un lang po